Chapter 1

91 10 18
                                    


I am busy fixing my hair while walking towards the school gate. Halos tangayin na kasi ng hangin sa jeep ang buhok ko. Ayoko namang pumasok sa gate na gulo ang buhok ko, kaya nagsuklay muna ako saglit.

Once I'm done, I immediately run inside our campus. Hindi gaanong malawak ang eskwelahan na pinapasukan ko pero matatalino ang mga estudyante rito. I can't also deny the fact na ang saya saya mag-aral dito. Who says public schools can't slay? We may not be rich but in this school, we value each other.

Tumungo ako sa aming silid na nasa second floor.

"Oh my god!!" Halos matamaan ang mukwa ko sa paghagis ni Janica ng walis sa pag-aakalang mababato nito si Jericho na tumatakbo palabas.

"Lagot ka Janicaaaaaa" Sigaw ng mga kaklase kong nakatingin sa direksyon ko. Ang ilan sa kanila ay tinatapik na ang kinakabahang si Jenica habang nakayuko sa likod ko si Jericho.

"What do you think you're doing?" Pinagtinginan ko si Jericho at Janica habang pinapaikot sa palad ko ang walis.

"S-si Jericho kasi..." Nauutal na sagot ni Janica sa'kin.

Humakbang ako nang konti at nagulat silang lahat. Napatawa na lang ako sa mga reaksyon nila.

"Yah, akala niyo ba maayos problema niyo kapag nagsakitan" Tinititigan ko ang dalawa, lagi silang nagbabatuhan ng kung ano-ano sa room namin dahil din naman sa katamadan ni Jericho na kasami ni Janica sa group ng cleaners.

"S-sorry, hindi na mauulit" Yumuko si Janica habang sinasabi ito. Tumingin ako sa gawi ni Jericho na panay ang pikit sa mata. Pinanlakihan ko siya ng mata at mukang nakuha niya agad ang gusto kong sabihin.

"Sorry na sorry. Kusa na akong maglilinis ngayon please lang h'wag mo kaming idala sa guidance " Nakadikit ang palad nito habang nakaluhod sa baba. Natawa na lang ako ng bahagya.

Tinapik ko ang ulo niya bago ako pumunta sa harap upang ibaba ang bag ko. Hawak hawak ko parin ang walis, ramdam ko ang tinginan ng mga kaklase ko sa'kin, inaabangan ang susunod kong gagawin. Nilagpasan ko sila at pumunta sa corridor.

Nakatingin parin sila sa akin, I slap the door that makes them startle. I laughed and then I smiled sweetly.

" Linis na tayo, masyado naman kayong seryoso" Natatawa kong sabi.

Narinig ko ang sunod sunod nilang mura at reklamo dahil talagang natakot sila sa'kin at inakalang gagawa ako ng kung ano. Natatawa na lang ako na nagwalis sa labas.

"Friendshippppppppp" Napangiti at kumaway ako kina Charm at Fibi na naglalakad patungo sa direksyon ko.

"Saan kayo galing" tanong ko sa dalawang feeling ko kanina pa nakarating sa school.

"Sa canteen, nag lugaw lang. Hindi ako nag-almusal eh" tugon ni Fibi. She's one of my close friends too, Sa aming apat si Fibi ang pinakamaputi at mabungisngisin. Halos magka tangkad lang din kami. She's pretty and jolly too.

"Kaylan ka pa nakarating?" tanong naman ni Charm habang inaayos nito ang id niya.

"Kakadating ko lang" sagot ko at tumango naman ang mga ito. Nakita ako ang pagngiti ni Charm at paghawak nito sa braso ko. Tumawa naman ng bahagya si Fibi.

"Well?" Nakangisi kong tanong, alam kong may naganap na naman sa kanila ni Carlos kagabi na hindi ko alam tutal hindi ako nag o-online.

"Kiniki-"

"Jisel, Charm, Fibi" naputol ang sinabi ni Charm nang tawagin ni Syella ang pangalan namin, kasama niya si Tate. Kumaway kami sa kanila habang tumatakbo sila dahil muntik na silang masaraduhan ng gate.

To See You SmileUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum