Chapter 7

65 9 5
                                    


Habol habol ko ang hininga ko habang nakaupo sa upuan ko. Konti na lang ay iiyak na ako dahil sa kahihiyan at kamalasan ko ngayong araw.

"Huy!" Marahan akong yinugyug ni Fibi, may hawak itong bottled water at sandwich. Kasama rin nito ang tatlo na may hawak din na meryenda. Recess na pala, dahil sa paglulutang ng utak ko nakalimutan ko na ring mag recess.

"Hindi ka na namin nahintay, gutom na kasi 'tong si Syella" paliwanag naman ni Charm, tumango na lang ako at sumimangot.

"Hatian na lang kita rito sa spaghetti ko" Tate offer but i just shook my head.

"Wala akong gana kumain" tamad kong sabi at hinayaan ko ang sarili kong sumandal sa upuan.

"What's bothering you?" Fibi ask and I shook again my head, there's no way i'll tell them what just happened paniguradong ibi-big deal nila 'to kung saka sakali, mga bungangera pa naman sila.

"Eh bakit ganyan mukha mo" Pagrereklamo naman ni Syella

Bahagya akong tinapik ni Charm habang nakangisi "Alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan!" She giggled while saying it kaya napaayos ako ng pagkakaupo. Napalunok naman ako, nakita niya kaya?

"Kayo kumuha ni Harif kanina ng official list para sa Friendship Ball no?" She ask

"O-oo" nauutal kong tugon dito, what the fudge nakita niya kaya? I'm doomed!!

"Sabi kasi nila sa kabilang sections teachers daw ang pipili ng pairs natin. Nakita mo na partner mo no pero hindi mo bet kaya ka ganyan ngayon?" Mahabang sabi ni Charm na siyang kinagaan ng pakirandam ko. Thanks God I'm safe!

"Oo" Pagsisinungaling ko. Ang dami ko ng kasinungalingan sa araw na ito, well thanks to that bastard president.

"Oy sino?!" Excited na tanong ni Fibi na lumipat pa talaga sa harap ko para makiusiso nang mabuti.

Sumandal ulit ako sa upuan ko, " Basta" tamad kong tugon dito na nagpalukot sa kanyang mukha. Natinig ko ang mahina niyang pagreklamo ngunit binalewala ko na lang ito.

Sa may bandang gawi, namataan ko si Harif na papasok sa aming silid kaya walang sabi sabi akong napatayo para konprontahin siya. Maski sina Syella at Fibi na kumakain ay napatigil dahil sa marahas kong pagtayo sa upuan.

"What's the matter?" Rinig ko si Tate na nagtatanong pero diretso ang nagagalit kong mga mata kay Harif na ngayon ay papasok na sa classroom.

"You fuc-"

"You are my sunshine, my only sunshine~"

Napahinto ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata ko, agad akong tumalikod nang makita kong sa likod ni Harif ay nandoon si Radh na nakapamulsa at si Jade na kumakanta ng kung ano man ang kinakanta niya. Mariin kong akong napapikit at napakagat ng labi nang muli ko na namang maalala ang nangyari kanina.

I can't face him, I really can't. I don't even talk to him, ni minsan hindi ko pa siya nakatitigan o nahawakan man lang tapos bigla ko na lang mahahalikan? Nakakahiya na talaga, sobraaaa.

"May sasabihin ka?" Tanong ni Harif sa likuran ko, please lang h'wag ka na magsalita!! Dapat ay dumeretso na lang ito sa upuan niya, tumigil pa talaga sa may pintuan, hindi tuloy makadaan sina Rahd.

"Wala" pasigaw kong tanong dito, nagtitunginan ngayon sina Tate, Charm, Fibi, at Syella dahil sa pagtataka.

"Ok" Harif answered with soft giggles. Naglakad na siya patungo sa upuan niya nakadaan na rin sina Radh at Jade, binati pa ako ni Jade ng kanyang nakakaasar na kaway at ngiti. Napadabog ako at bumalik sa pagkakaupo.

Kumulo ang dugo ko, siguro pwede nang pangkape ito dahil sa sobrang kulo. Saktong sakto, gagamitin ko na 'to sa lamay ni Harif. Nadedemonyo na ang isip ko dahil sa inis!

To See You SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon