Tiningnan namin ang mga room at dito nga ay walang niisang tao o zombie sa loob, hanggang sa nakarating kami sa laboratory room pero wala si alisa doon, kaya nag lakad lakad pa kami at nakarating nga kami sa isang room kung saan nandoon ang anim na sigang lalaki at limang babae.

Tiningnan muna namin sila at nagulat naman sila nang makita nila kami.

“Kamusta friends?“ Sabi nung isang sigang lalaki at natawa.

Sumimangot lang si benedict at dito nga ay nagpatuloy na kami sa pag lalakad pababa ng hagdan, hanggang sa nakaabot kami sa 1st floor.

Dito nga ay may mga zombieng palakad lakad sa daan, medyo marami rami sila kaya hindi muna kami umalis sa hagdan.

“Ano na ang gagawin natin? Paano ba kasi natin to masusulusyonan?“ Sabi ni lea.

Sumagot naman si Micheal.

“Siguro oras na para tumawa tayo ng pulis.“ Sabi niya.

Nang marinig yun ni pres ay agad naman siyang nagsalita.

“Wag na muna, masisira kasi ang pangalan ng skwelahan. Baka naman pwede pa natin to gawan ng paraan since nandito lang naman si alisa. Tsaka may kenneth pa.“ Sabi niya.

*LEA's POV*

Medyo nagtataka na ako kay pres, dahil pangalawang beses na niya kaming pinigilan na tumawag ng pulis o isapubliko ang nangyayare ngayon sa loob ng skwelahan.

“Lumipas na ang isang araw pres, at nag tatanghali na. ilang oras nalang at mag hapon na tas gumabi, kinabukasan mag dadalawang araw na tayong ganito.“ Sabi ni justine.

“Oo, alam ko.“ Sabi niya.

Nagsalita naman si benedict.

“Siguro tumawag na tayo ng pulis, dahil hindi lang tao ang zombie ngayon. Pati na rin ang mga pusa at ang mga dagang pat*y sa laboratory room ay nabuhay ulit bilang isang zombie.“ Sabi niya.

Hindi naman sang-ayon si pres at pumalag pa rin.

“Pero—” sabi niya at hindi natuloy dahil nagsalita si charity.

“Oo nga pres, hihintayin mo pa ba na may makagat sating lahat na nandito?“ Sabi ni charity at aakmang kukunin sana ang celpon niya para tumawag ng pulis pero biglang kinuha ni pres ang celpon at tinapon niya sa malayo.

“S-sorry! Papalitan ko nalang!“ Sabi ni pres.

Walang masagot si charity at pati kami ay nagulat.

“Bakit mo ginawa yun?“ Tanong ni benedict.

Sumagot naman si pres.

“Kayo kasi eh, sabi ko naman na huwag na muna eh. Pero wag ka magalit sakin dahil papalitan ko naman yung celpon ni charity ng mas mahal pa.“ Sabi niya.

Nagsimula na talaga akong maghinala kay pres, habang nag sasagutan kaming lahat sa hagdan ay biglang dumating yung anim na sigang lalaki at limang babae.

“Oh, nandito pa kayo?“ Sabi nung boss nila.

Bigla kaming napatingin sa likod at dito nga ay sumagot si benedict.

“Wag mong taasan ang boses mo baliw, oo nandito pa kami dahil ang daming zombie sa daan. Kayo? Bat kayo nandito.“ Sagot niya.

Natawa lang yung boss nila at sumagot.

“Hindi ba halata? Sasama kami sa inyo dahil gusto rin namin maligtas.“ Sabi niya.

Sasagot sana si benedict pero pinigilan ni gelo tsaka siya nagsalita.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Kde žijí příběhy. Začni objevovat