HULIHAN

239 4 0
                                    

Saktong pagkaupo ng dalawa pabalik sa bus nang umandar ito para umalis.

"saan ka ba nagpunta, nasa paligid lang ang tauhan nila bungo. Nasundan na naman tayo."  wika ni El.

"Mahaba-haba itong byahe kaya nag banyo muna ako. Hindi ko kilala ang mga tauhan ni Bungo pero kanina ko pang napapansin ang mga kahina-hinalang mga tao na iyan." tugon ni Kim na inaayos ang suot na facemask at shades sa mata.

"Hindi tayo tutuloy ng Maynila," sambit ni El.

nagulat si Kim nang bigla na namang nagbago ang disisyon ng lalake. Hinayaan na lang nito ang diskarte ni El at sumang-ayon na lang kahit may pag alinlangan.

Nakarating na ng terminal si Z ngunit hindi na nito inabutan ang kakaalis lang na bus na sinakyan nina El at Kim. Napansin din nito ang ilan sa mga tauhan ni Bungo na umaaligid sa lugar. Doon napagtanto ni Z na hindi lang pala siya ang initusang para likidahin ang dalawa.  Mabilis nitong nilisan ang lugar at sinundan ang ruta ng bus.

Halo-halo na ang tumatakbo sa isipan ni Z, ang biglaang pag-uutos sa kanya ni Calisto para tumbahin si El, ang pagsama ni Khalil kay Henry at ang pagkatonton ng safehouse na pinagdalhan nito kina El. Lahat nang iyon ipinagtataka ng labis ni Z. Isang hamak na tauhan lang naman si El, bakit ganun na lang balak na pagtugis sa kanya.

Nasa daan ang atensiyon ni Z ngunit lumilipad ang isip nito.

Nakalabas na ng siyudad ang Bus at tinatahak na nito ang highway papuntang pier. Nang pumara si El. Nagtaka ang konduktor bakit sa kalagitnaan ng highway kung saan walang matatanaw kung hindi malawak na tubuhan sa magkabilang daan ang naroon bumaba at pumara ang mga ito.

"boss wala po tayong refund sa ticket" sambit ng kundoktor.

"Ayos lang pare, may nakalimutan kasi kami kailangan lang naming balikan." pag-dahilan ni El bago ito bumaba.

Tumabi sa daan ang dalawa, palinga-linga si El ng puwede nilang mapuntahan.

"Bakit dito tayo bumaba? lalo tayong masusundan ng mga iyon dito. Wala man lang bahay sa paligid kung hindi tubuhan." reklamo pa ni Kim.

"Iniligaw ko lang ang mga humahabol sa atin. iisipin nilang sakay parin tayo ng bus na iyon. Halika doon tayo. Imposibleng wala tayong makitang daan of bahay sa dulo nito." saad ni El,

Pumasok ang dalawa sa makipot na daan sa pagitan ng mga tubo. Hindi pa gaanong kataas ang mga dahon nito kaya tanaw pa ang daan hanggang dulo. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad napansin ni El si Kim na pinapagpag ang hawak nitong de keypad na cellphone at kinakaway sa ere.

"Ano ang ginawa mo? ...teka may cellphone ka?" tanong ni El nang makita ang hawak ni Kim.

"Naghahanap ng signal,...oo ,lumang cellphone ko,pero ngayon ko lang nabuksan. kanina ko lang kasi nabilhan ng battery sa may terminal. Sinubukan ko lang kung gumagana pa.  Kaso mukhang walang signal sa spot na ito." paliwanag na sagot ni Kim.

"Baka sira na talaga iyan. Itapon mo na lang iyan at ibibili na lang kita ng bago, itong sa akin na lang ang gamitin mo. Bakit sino ba tatawagan mo?" tanong pa ni El.

"wala, sinusubukan ko lang kung gumagana  nga" ayon pa kay Kim at muli nitong ibinalik sa bag ang hawak na cellphone.

Nagpatuloy ang dalawa hanggang sa May nakita si El na bahay na yari sa yero at pinagtagpi-tagping kahoy.  May bakod itong barbwire na kalawangin. May mga manok panabong sa loob ng bakuran at may dalawang baboy din.  Kapansin-pansin ang siga na umuusok pa sa tabi, tanda na may nakatira sa bahay na iyon.

"Sabi ko sa iyo eh, may mahahanap tayong bahay dito sa dulo." napangiting wika pa ni El na nagmadaling lumapit agad sa bahay na iyon.

"Tao po! tao po! may tao po ba diyan?!" sigaw pa ni El.

ROOM BOYS FOR RENT Where stories live. Discover now