HARANG

844 9 1
                                    

Buong araw na minamanmanan ni El ang spa, ngunit hindi nito napansin o nakita ang anino ni Calisto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Buong araw na minamanmanan ni El ang spa, ngunit hindi nito napansin o nakita ang anino ni Calisto. Kapansin pansin din na tila matumal ang mga customer na pumapasok sa araw na iyon. Hirap lumantad si El dahil alam nitong pinababantayan din ito ng mga tauhan ni Calisto. Tumambay ito sa katapat na fastfood at nagpatuloy sa pagmanman. Nang walang ano-ano isang Itim na van ang dumating at huminto sa tapat ng spa. Agad itong nag suot ng helmet at lumapit sa nakaparada nitong motor. Sa mga sandaling iyon naka disguise itong food delivery rider, at kumpleto pa sa uniporme. Tumawid ito sa spa at pumarada malapit sa van. Kitang kita nito ang mga binatang may edad kense pataas na pinapalabas mula sa loob ng spa at pinapasakay sa kakarating lang na van.

"Hoy ,ano Ang tinatayo mo diyan?" isang lalaking balbas sarado ang sumita kay El

"Ah eh boss, magtatanong sana kung nandiyan ba si Carlitos Rivera, nandito na po kasi ang order niyang pizza." tugon ni El, at kunwari bubuksan ang kanyang thermal bag na nasa likod ng motor nito.

"walang Carlitos dito, baka maling address ang napuntahan mo." Sabi pa ng lalake.

"ito po iyon boss,nakasulat pa nga dito sa resibo ang pangalan nitong spa. Sige na po boss, baka nasa loob lang po ang umorder. Paki suyo na lang po nitong order niya." pangungulit pa ni El sa lalake.

Naging mapilit si El ,at gumawa ito ng eksena sa labas ng spa, ito ay para kunin ang atensiyon ng iba pa upang malaman nito kung Ilan ba talaga ang sakay ng naturang van. Isang lalake pa ang bumaba ng van nang makitang nakikipagtalo na ang kasama nito kay El.

Agad naman hinarap ito ni El at dito naman umeksena.

"Boss kayo po ba si Carlitos Rivera? kuwan kasi narito na po ang order niyo. bale one two lahat. " paglapit pa ni El dito ,sabay abot ng tatlong box ng pizza.

"bigyan mo na nga ito ng pera, nang maka alis na ito. Made-delay pa tayo eh." utos ng lalake sa kasama nito sabay hablot sa pizza box na inabot sa kanya ni El.

"Teka lang at hihingi ako ng pera sa loob. Wala akong dala dila dito." At pumasok sa loob Ang naunang lalake.

Dalawa lang ang lulan ng van, ayon sa nakita ni El bukod sa mga binatilyong sakay nito na pinalabas mula sa loob ng spa. Pagka abot ng pera kay El, nagpasalamat ito at umalis din. Ngunit bago ito umalis tinawagan na nito ang naka standby namang back up na si Alan. Na nuoy naka abang lang malapit sa area. Sakay din ito ng isang motor. Si El naman agad nag hanap ng puwesto, hinubad nito ang uniporme na suot at iniwan ito sa isang basurahan kasama ang delivery bag.

Nang makitang papaalis na Ang van sumenyas ito kay Alan. Inabangan ng mga ito kung saang ruta dadaan at liliko ang van. Naka dikit sa van si Alan at nakabuntot naman si El. Papalabas ng siyudad ang van, at may kutob si El na papunta sa lungga ni Calisto ito.

"Bogs , kanina ko pa napapansin ang sumusunod na motor na iyan sa atin ah. Di kaya natunugan na tayo ng mga paratoy?" Sabi pa ng lalake sa kasama nitong nagmamaneho ng mapansin ang dinadalang motor ni Alan.

ROOM BOYS FOR RENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon