"TOROHAN"

1.4K 17 0
                                    

Balot parin ng mga katanungan takot at pangamba si Alan para sa sarili, at sa mga nakikita nito sa mga kasama sa loob ng isang silid mas lalong nakakaramdam ito ng nginig sa kanyang laman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Balot parin ng mga katanungan takot at pangamba si Alan para sa sarili, at sa mga nakikita nito sa mga kasama sa loob ng isang silid mas lalong nakakaramdam ito ng nginig sa kanyang laman. Walang nag sasalitan ni Isa man sa kanila na naroon sa loob. Puro titigan lang at pakiramdamdaman. Lumapit sa kanya ang nagpakilalang si Argus at naupo sa kanyang tabi.

"Huwag kang kabahan, kaba Ang papatay sa iyo dito. Mag ingat ka lang na hindi mo makaharap si Badger, walang awa iyon. Pero ang iba dito alam ko kayang kaya mo. Sa laki ba naman ng katawan mo. Tapangan mo lang. At huwag mo ipakita Ang takot diyan sa mga mata mo. Patigasan ng titi ang labanan dito, hindi palawlawan ng bayag." Sabi pa ng Argus kay Alan.

"Huwag ka magpadala diyan kay Argus, minamanipula ka lang niyan. Empiyerno Ang lugar na ito, at huwag mong aasahan na makaka alis ka pa dito ng buhay. Dahil kamatayan lang ang mag papalaya sa iyo dito. Kaya ihanda mo ang sarili mo, dahil pag ako Ang nakaharap mo, Lalo kang magsisisi kung bakit ka nandito." sabat pa ng isang lalake na tadtad ng tattoo at hikaw Ang katawan. parang indiyano ang maganda nitong Mukha at mahaba ang buhok na naka tirintas. "Kalmot " ang tawag sa kanya .

"May punto si Kalmot, kaya tapangan mo ang sikmura mo kung nais mo pa makita ang liwanag ng bukas." bulong pa ni Argus kay Alan at bumalik na ito sa kanyang puwesto.

Muling bumalik ang mga armadong kalalakihan, at may panibagong bitbit na naman ang mga ito. Halos ka edad lang ni Alan, magandang lalake din. Napasubsob ito sa sahig ng itinulak ng lalaking nag pasok sa kanya. Tumayo agad si Alan at nilapitan ang lalake, tinulungan niya itong tumayo ,pagkatapos dinala sa kanyang puwesto. Doon , tinanong nito ang lalake.

"Ano ang pangalan mo? Alam mo ba kung sino Ang mga nagdala sa atin dito?" tanong pa ni Alan.

"Hindi, Wala akong alam, basta na lang may dumukot sa akin, nawalan Ako ng malay at pagkagising ko nandito na Ako. Ano ba ang lugar na ito? Ano ang gagawin nila sa atin?" tugon pa ng lalake.

"Wala din akong ideya, pero parang masama ang binabalak nila sa atin. " Sabi pa ni Alan.

"Tom ,...Tom ang pangalan ko, Isa akong pulis." pakilala pa ng lalake kay Alan.

"Alan, security guard."

"Matagal ka na ba dito? tanong ni Tom

"Nakaraang araw lang , sa totoo lang natatakot talaga Ako dito. Lalo na ngayon nalaman ko na Isa ka palang pulis. Kung pati Ikaw nagawa nilang dukutin, malamang nga wala na akong ligtas dito. At hindi ko na makikita pa ang kapatid ko." Ang malungkot na tugon ni Alan.

"Kung sino man ang may gawa nito sa atin, siguradong malaking sindikato ito. Huwag ka mag alala, gagawa tayo ng paraan para makatakas."  Sabi pa ni Tom.

"Nagawa na namin ang pag takas dito, ngunit nalagasan lang kami. At hanggang ngayon nandito parin. Ako nga na sanay na sa bundok hindi nagawang maka alis dito, Ikaw pa na mukhang isang baguhang pulis pa lang. Subukan niyo na lang masanay dito, dahil ito na ang magsisilbing libingan natin." sabat pa ni Argus sa usapan ng dalawa.

ROOM BOYS FOR RENT Where stories live. Discover now