"Ang ulo at ang buntot"

328 5 0
                                    

Maagang bumalik ng mansyon si Z, agad naman itong sinalubong ni Khalil na may hawak na mug ng kape, Naka ayos ito at nakabihis ng panglakad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maagang bumalik ng mansyon si Z, agad naman itong sinalubong ni Khalil na may hawak na mug ng kape, Naka ayos ito at nakabihis ng panglakad.

"Saan ang punta mo, ang aga naman?" tanong ni Z kay Khalil.

"ikaw, saan ka natulog kagabi? Ilang beses kitang sinubukang tawagan pero naka-patay ang cellphone mo." tugon ni Khalil na binalik naman ang tanong kay Z.

"Nagpaalam ako kay Calisto, nagpalamig. Kamuntikan na kasi ako sa mga pulis, matapos ko tirahin ang pinapatrabaho niya sa akin. Ikaw, huwag mong sabihin na may pinapatrabaho rin sa iyo si Calisto?" saad pa ni Z.

"sasama ako sa grupo nina Henry, may transaksyon silang pupuntahan at pinasama na ako ni Calisto. Mainam na rin ito, nang malibang. Nang hindi ko mapapansin na wala ka lagi rito." sagot ni Khalil sabay tapik sa balikat ni Z tsaka ito lumabas ng silid.

"Alam mo na ang nangyayari sa mga isinasama sa mga lakaran ng grupo. Wala nang atrasan iyan. At hindi kita masasali kapag may nangyari sa iyo." paalala pa ni Z sa tumalikod ng si Khalil.

Saglit na napahinto si Khalil, ngumiti ito at bumaling muli kay Z.

"Hindi mo na kailangan gawin pa iyon sa akin. Kaya ko naman. Marunong naman ako humawak ng baril, at magaling din ako magpaputok. Siya nga pala baka matatagalan bago muli tayo magkita. Doon muna ako sa kampo ni Bungo kasama si Henry." sambit ni Khalil bago ito umalis.

Hindi na nakasagot pa si Z, hindi rin naman masisisi nito si Khalil, dahil sa simula pa lang wala naman talaga itong nararamdaman sa lalake. Pinagbibigyan niya lang ito dahil sa ipinapakitang labis na pagmamahal sa kanya ni Khalil. Ngunit hindi rin maiwasan ni Z ang mag duda sa mga kinikilos ni Khalil na pagbabago, lalo na't makakasama niya si Henry. Sa talas ng pakiramdam ni Z alam niyang may mali sa mga nangyayari. Dagdag pa nang makita niya si Khalil noong gabing tumatakas si El mula sa mga tauhan ni Bungo.

Samantala, sabay na nagising sina Kim at El sa iisang kama, kapwa hubo't hubad at magkayakap.

"Paano natin matatakasan ang mga tauhan ni Bungo? Sa liit nitong Negros, at sa dami ng koneksyon ni Bungo at Calisto, magiging masikip lang sa atin ang lugar na ito." wika ni Kim.

"Hindi ko pa alam kung paano. Magtiwala na lang muna tayo kay Z hanggat nag-iisip pa ako ng paraan. Sa ngayon sundin na lang natin ang bilin niya. Huwag muna tayong mag lalabas ng basta-basta." tugon ni El.

"Mapapahamak lang si Z, at madadamay lang siya sa pagtugis sa atin. Kapag natunugan siya ni Calisto na tinutulungan niya tayo baka mauna pa si Z na madisgrasya sa atin." saad pa ni Kim.

"Marunong magingat si Z, alam niya ang kanyang kinikilos. At may kutob akong may tumutulong kay Z..Hindi siya mapapahamak." turan pa ni El.

Habang nag uusap ang dalawa, nakarinig sila ng mga kalabog mula sa labas ng bakuran ng bahay na iyon. Mabilis na bumangon si El at dinampot ang baril na nakapatong sa side table. Di na ito nakuha pang mag bihis. Marahan itong lumabas ng silid na naka-hubo. Lumapit si El sa bintana sa sala at sumilip du'n. Napakunot ang noo nito nang mapansin ang limang kalalakihan na pilit sinisira ang gate. Binalikan agad nito si Kim sa loob na noo'y nakabihis na.

ROOM BOYS FOR RENT Where stories live. Discover now