"PARUSA"

887 7 0
                                    

Napansin ni Khalil na balisa sa kanyang higaan si Z

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napansin ni Khalil na balisa sa kanyang higaan si Z. Ramdam ni Khalil ang pag galaw ng kanilang double deck na kama, nasa baba kasi ito at nasa itaas nito si Z. Apat silang naroon sa silid, sa dalawang magkatabing double deck. Ngunit sa mga sandaling iyon, dalawa lang sila ni Z at Khalil ang nandoon.

"Zalde pare, hindi ka ba makatulog? pansensiya na sa nasabi ko kanina". Sambit ni Khalil na nakatingala sa puwesto ni Z.

"Ano na ba tayo pare? Bakla na ba tayo?" tanong ni Z sa malungkot na boses. Malalim ang hugot ng boses nito at tila humihikbi.

Napabangon sa higaan nito si Khalil ,at tinanong muli si Z na may pag aalala.

"Ha? Bakit mo naman na tanong iyan? ...At teka pare, umiiyak ka ba?"

"Hindi, naisip ko lang ang sinabi mo sa akin kanina." sagot ni Z na pigil na ang emosyon, at pinupunasan Ang mga luha sa mata.

"Pasensiya kung nabanggit ko sa iyo iyon pare, Wala naman sa akin ang tanong na iyon. Nagtaka lang kasi Ako bakit ganun mo na lang ka miss ang kaibigan mo. Kung babae lang sana , hindi na ako nag tanong ng ganun. El lalake ang kaibigan mo eh." Sabi pa ni Khalil na ipinaliwanag ang sarili.

Tumahimik si Z, at hindi na ito tumugon pa kay Khalil.

"Kaya mo ba naitanong iyon , dahil sa ginagawa natin pare?" tanong pa ni Khalil. Ngunit hindi na iyon sinagot ni Z.

Ramdam na ni Z ang pandidiri sa kanyang sarili , sa mura nitong edad na kinse, samot saring kamay at dila na Ang dumampi sa kanyang katawan. Iba-ibang lahi narin ang gumamit sa kanya. Labag man sa kanilang kagustuhan ang kanilang ginagawa, kailangan nilang sundin at gawin upang hindi nila maranasan ang marahas at mapait na kaparusahan.

Halos sabay na napa balikwas sa kanilang tulugan sina Z at Khalil, nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kanilang silid at tumilapon papasok sa loob ang mga kasamahan nila doon na sina Homer at Norman. Kasing edaran lang din nina Z ang dalawa.

Agad na kinapa ni Z ang switch ng silid nila na nasa uluhan lang nito. At doon na tumambad sa dalawa Ang kalunos-lunos na sinapit ng kanilang kasamahan. Tadtad ng latay ng latigo ang likod at braso ng dalawa, may sugat pa sa mukha si Homer na mas malala Ang mga latay nito na umabot pa sa mga binti nito.

"Hoy kayong dalawa, gamotin niyo Ang mga sugat ng mga ito." Utos ng Isa sa tatlo na nag dala kina Homer at Norman. At inabot kay Khalil ang isang box na may mga gamot, tsaka lumabas na ng silid.

Tumalima naman sa pagbangon Ang dalawa at tinulungan ang mga kasama na maihiga sa magkabilaang higaan. Si Homer ay pinahiga na lang ni Khalil sa puwesto. Lumabas si Z ng silid upang humingi ng tubig panlinis sa sugat ng dalawa nilang kasama.

ROOM BOYS FOR RENT Where stories live. Discover now