PAGITAN

693 13 8
                                    

Nag lalaro nang mga sandaling iyon ng basketball sina Z at Khalil nang lapitan sila nito ni Abiel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nag lalaro nang mga sandaling iyon ng basketball sina Z at Khalil nang lapitan sila nito ni Abiel. Nakisali ang mga ito sa dalawa. Naging mainit ang unang laro ng apat. Hanggang sa aksidenteng na siko ni Makoy si Z sa ilong. At doon na naging malapot ang gitgitan ng apat sa bola. Naging pisikalan na ang labanan. Sikuhan na at balyahan na, ang naging bakbakan nila sa tapat ng basketball ring. Hanggang sa napatid ng paa ni Khalil si Abuel, dahilan para matumba ito at muntik na masusob ang mukha sa simento.

Sa inis at pikon ni Makoy ,tinapon nito ng malakas ang hawak na bola sa dibdib ni Khalil. Nasaktan doon si Khalil kaya wala nang sabi-sabi at sinugod nito ng suntok si Makoy sa mukha.

Kanya kanyang kampihan na ang apat. Nagkarambula na Ang mga ito sa gitna ng baskitbulan. Sa ingay nang mga naroon sa labas, narinig ito ni El mula sa kanyang silid. Sumilip ito doon sa kanyang bintana.

Ngunit sa nagkumpulan na ang mga nandoon sa baba, hindi na nito makita kung sino ang mga nakakagulo room.

Napabalik na lang sa kama nito si El nang may gumalaw sa door knob ng kanyang silid. Hanggang sa bumukas ang pinto nito.

"Mag bihis ka, may susundo sa iyo." Pagpasok ng isang bantay , sabay abot kay El ng malaking paper bag na may mga damit sa loob at sapatos.

"Saan po, sino po?" Pautal na tanong ni El

"Huwag na mag tanong, mag ayos ka na lang. Bilisan mo at ayaw ni boss na pinaghihintay." Tugon pa ng lalake kay El.

Kumilos naman si El. Nagbihis ito sa harapan ng lalake.

"Mukhang hindi maganda ang huling sabak mo ah,  bakas pa sa katawan mo ang pahirap niya sa iyo." Sambit ng lalake nang mapansin ang marka ng latay sa likod at dibdib ni El.

Hindi na tumugon si El at tinakpan na lang nito ang mga marka ng damit.

Sumama si El sa lalake. Kahit na hindi paman nito alam kung saan sila pupunta.

Dahil sa away ng apat, kinulong sina Z, Khalil , Abuel at Makoy sa magkahiwalay na silid sa likuran na bahagi ng lugar. Para itong bartolina. Madilim ,mainit at tanging ang maliit na siwang sa bubong lang ang tanglaw na liwanag sa loob.

"Paano na ngayon ito, matapos tayo busugin noong nakaraan mukhang gugutumin na naman tayo ngayon."  pagmamaktol ni Z.

"Gago din naman kasi ng dalawang iyon. Kung hindi ko pa alam, matagal ng may inggit sa iyo ang mga iyon. At ang pag siko sa iyo ni Makoy, sadya niya iyon. Sinadya niya na saktan ka." Sabi pa ni Khalil.

"Pare naman, laro lang iyon oh, basketball. Normal lang na may nagkakapisikalan. Pero bakit pa kasi ginatungan mo pa." ayon pa kay Z.

"Gumanti lang ako, iginanti lang kita. Ayukong sinasaktan ka ng iba. Dahil mahal kita..."  mahinang tugon ni Khalil. Napayuko ito.

Hindi na naka pagsalita pa si Zatapos marinig ang sinabi na iyon sa kanya ni Khalil.

Hindi na nagkikibuan ang dalawa.

ROOM BOYS FOR RENT Where stories live. Discover now