Muling Pagkikita

418 8 0
                                    

Pabalik na sina Z at Khalil sa Balay nang may napansin silang umaaligid na mga pulis sa lugar kaya itinumbre niya agad ito kay Calisto.

"Boss mukhang tagilid na ang lugar natin, may pagala-gala ng mga pulis sa paligid. May kutob Ako na pakawala ito ng kalaban." sumbong ni Z

"Kung gayun huwag muna kayo tumuloy diyan. Dumiretso kayo dito sa akin. Si Pikoy na ang bahala sa mga iyan." tugon naman ni Calisto.

Hindi na nga tumuloy doon ang dalawa. Samantala balisa sa kanyang pagkakahiga si El na para bang may hinihintay itong darating ng mga oras na iyon. Lumabas ito ng kanyang silid at naglakad, tinungo ang basketbolan at naupo sa isang bangko doon. Nang may lumapit na babae kay El ,mula ito sa katapat na bahagi ng building.

"Baguhan ka dito?' tanong ng babae kay El na may hithit na sigarilyo sa bibig.

Napatingin si El sa babae ,at sa unang sulyap pa lang nito dito, tila tumigil bigla ang mundo ng lalake. May gumuhit na ngiti sa kanyang labi. Tumugon ito sa babae at nagpakilala."

"Minsan na Ako napunta dito, bumalik lang Ako. Ako nga pala si Elton"

"Kim" pakilala naman ng babae.

Tulad ni El, on cam performer din si Kim at minsan nilalabas din ng mga customer na nagbabayad ng malaki para sa kanyang serbisyo. Nagkapalagayan ng loob ang dalawa.

Nag uusap ang dalawa nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong paligid. Nahinto bigla Ang mga may ginagawa sa kanilang mga silid. isa-isang kinalampag ng mga bantay Ang mga kubol doon at pinalabas ang lahat sa kanilang mga silid.

"Abuel pare ano ang nangyayari?" Pagtatakang tanong ni El kay Abuel nang makita itong aligaga din.

"Hindi ko alam pare, pero pinapalabas ang lahat. " Tugon ni Abuel.

"Lahat kayo, doon sa likod tumungo. Kayo, ihiwalay Ang mga babae , may panel truck sa likod, pasakayin ang lahat doon . Kayo na nandiyan eh clear niyo ang lahat ng silid, siguraduhing walang maiiwan!" Utos ng pinuno ng mga bantay doon sa compound ng Balay ni Calisto.

Nakahanap ng pagkakataon si El para makatakas ng mga sandaling iyon. Madilim ang paligid Ang mga flashlight na hawak ng mga tauhan ni Calisto ang tumatanglaw sa lahat. Abala sa pagpapalikas , sinunggaban nj El ang tsansa na iyon.  Sumimple ito sa Isang pasilyo patungo sa palikuran na katabi ng kusina.

Nakapuslit agad si El na hindi napansin ng mga bantay. Nasa bungad na ito ng palikuran ng may nagsalita mula sa likuran niya. Nagulat si El, unti-unti itong lumingon.

"Putcha pare bakit ka nandito?" Pagtatakang tanong nito kay Abuel.

"Sinundan kita, nakita kasi kita na pumunta dito. Ano ba ang gagawin mo? Tatakas ka ano?" Tugon ni Abuel.

"Bumalik ka na doon, baka sabay pa tayo mahuli dito."

"Sasama ako sa iyo pare. Gusto ko na rin makatakas dito."

"Hindi puwede, bumalik ka na lang doon. Delikado itong pinaplano ko. Ayukong makadamay ng iba. Konsensiya ko pa kung mapano ka." Pangamba pa ni El.

"Hindi gagi, akong bahala basta isama mo na ako. "

Wala nang nagawa pa si El kung hindi isama si Abuel. Tinungo nila Ang pinaka dulo ng palikuran.  May puno doon sa likuran na tumatawid sa pader ang kalahati ng mga sanga nito. Sa puno na iyon umakyat ang dalawa. Malilim ang mga dahon doon kaya hindi sila madaling makita kung may pupunta man sa bahaging iyon.

Mahabang ilog na ang likod ng pader na iyon at puno pa ng basura iyon. Madilim din sa bahaging iyon dahil hindi na maabot ng liwanag ng poste ng tulay ang ilog. Nakalabas na ng pader ang dalawa at naka lambitin na ang mga ito sa sanga ng puno.

ROOM BOYS FOR RENT Where stories live. Discover now