"Putok"

425 6 0
                                    

Sa pag akmang pagluhod ni Henry sa harapan ni Calisto, tinuhod siya nito sa mukha, dahilan para matumba ito sa sahig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa pag akmang pagluhod ni Henry sa harapan ni Calisto, tinuhod siya nito sa mukha, dahilan para matumba ito sa sahig. Sa lakas ng pagtama na iyon sa kanya, dumugo ang ilong ni Henry.

"Boss, maawa ka, huwag kang maniwala sa sinasabi ni Z, sinisiraan niya lang ako sa iyo.  Kung may ginawa man ako, para iyon sa negosyo niyo. Si Pura...si Pura talaga ang nagnanakaw sa iyo."  Ang nag mamakaawang sambit ni Henry.

"At bibilugin mo na naman ang ulo ko, hayop ka! Matapos kitang bihisan at pinalamon, ito pa ang igaganti niyo mga hinayupak kayo!"Ang nanginginig pang sambi Calisto habang hawak ang baril na nakatutok muli kay Henry.

"Nagkakamali ka boss, hindi kita niloloko. Tapat ako sa iyo. Kung gusto mo iharap ko pa sa iyo si Pura, para siya mismo ang magsasabi ng katotohan." ani pa ni Henry.

"Eh gago din pala ito eh, pinapalabas pa yata na gumagawa lang ako ng kuwento eh. Ano boss ako na ang sisintensiya diyan, ako ang nang-gigigil eh." Sabat naman ni Z na akmang huhugot ng baril.

"Tangina ka Z, gumawa ka pa talaga ng kuwento para pagtakpan ang mga ginagawa mong kabalbalan sa likod ni boss! Dinawit mo pa ako hayop ka!" bulyaw ni Henry kay Z.

"Hoy gago, malinis ang kilos ko. Wala akong nilalabag sa batas ni Amo, eh ikaw? baka gusto mo isa-isahin ko pa dito. Kung may tumatarantado kay boss dito ,ikaw iyon. Kaya simulan mo na mag dasal ng pabaliktad." tugon naman ni Z.

Nagkasagutan ang dalawa,ngunit tila may pag uusap ang kanilang mga tinginan. Sa kanilang pagtatalo narindi si Calisto at naiputok nito ang baril.

Tumahimik ang dalawa sa pagtatalo nang umalingawngaw ang putok ng baril.

"Umalis kayong dalawa sa harapan ko, ayukong makita ang pagmumukha niyo. Labas ngayon din. Labas na!!!" at sunod-sunod na putok pa ang pinakawalan ni  Calisto.

Tumalima ang dalawa na patakbong nilisan ang silid ni Calisto. Nang maka-labas ang dalawa. May tinawagan si Calisto sa telepono nito.

"May ipapatrabaho ako iyo." utos nito sa kausap sa telepono.

Nagpang-abot sa hallway ng mansyon ni Calisto sina Z at Henry.  Idiniin ni Henry si Z sa dingding ng buong lakas.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Akala mo ba hindi ko alam na tinatago mo si El." Bulalas ni Henry.

"Tinatakot mo ba ako? Eh mag sumbong ka. Bitiwan mo ako. Kung ayaw mong mangialam ako sa diskarte mo. Huwag mong paki-alaman ang mga kilos ko." Tugon ni Z, sabay tulak kay Henry.

Napabitaw kay Z ang lalake. Umalis si Z at naiwan si Henry.

Tinungo agad ni Z si Khalil, inabutan niya itong may kausap sa cellphone. Ngunit ng mapansin ito ng isa, agad na pinatay ni Khalil ang hawak na cellphone.

"sino ang kausap mo?" tanong ni Z

"si Romero, nagpabili kasi ako ng sigarilyo sa kanya sa labas." sagot ni Khalil.

ROOM BOYS FOR RENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon