Chapter Thirty-two

53 3 0
                                    

CHISMISAN. Iyan kaagad ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng comfort room sa building namin. Kalat na kalat na kasi ang balita na may magaganap na play sa darating na Foundation day ng school namin.

Sigurado akong bongga ang magiging celebration ngayon dahil bukod sa foundation day ay last foundation day celebration na rin namin iyon ng mga Senior high school.

Ilang buwan na lang din at graduation na ng batch namin. Kulang dalawang buwan na lang ang bibilangin bago iyon.

'Si seven daw ang balita kong gaganap na prince charming sa play.'

'Talaga? Sigurado akong maraming manonood kung ganoon?'

'At ang mas maganda pa, sa strand natin kumuha ng makakapareha niya.'

'Talaga? Nakaka-inggit naman. '

' Sinabi mo pa. Ang swerte nung babaeng makakapareha niya.'

Rinig kong usapan ng ilang kababihan na nadaanan ko on the way pabalik sa classroom. Vacant kasi namin dahil may naging biglang meeting ang mga profs sa dean's office. Para siguro sa paparating na Foundation day ang meeting na iyon.

Those first phrases caught my attention habang papadaan ako pero ang mas nakakuha ng atensiyon at kuryosidad ko ay ang pangatlong narinig kong sinabi nila bago ako makalagpas sa pwesto nila.

Sa strand namin kumuha ng makakapareha ni Seven sa gaganapin na play? Sino naman kaya ang nakuha sa amin?

Ngayon ko lang din napagtanto na iyon pala ang laman ng sulat na ipinabigay ni Ma'am Aliaga sa akin kay Seven.  Kaya rin ba siya nasa building namin kahapon para maghanap ng kapareha ni Seven?

Nagkibit-balikat na lang ako at ipinag sa walang bahala na lamang iyon. Gustohin ko man kaisng maging kaparehas ni Seven ay hindi ako kwalipikado dahil hindi naman ako magaling umarte at medyo may stage fear pa ako.

'Ang swerte naman ng babaeng ipinareha nila kay Seven.' ani ko sa isip ko at  hindi na napigilang sumang-ayon sa mga sinabi ng estudyante kanina.

Napabuntong hininga ako at saka napanguso na lang bago mapagpadiyahan ng pumasok sa classroom namin.

“Totoo ba, Nadia? Ikaw ang napiling kapareha ni Seven sa play?”

Iyan ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa room. Pinapalibutan ng mga kaklase ko ang table namin ni Nadia kaya naman gulat akong nanood sa kanila.

Napakurap-kurap ako habang pinoproseso ang nalaman.

Si Nadia ang kinuhang kapareha ni Seven sa play? May kaunting kaba man ay napanatag ako kahit papaano. Kilala ko naman si Nadia kaya ayos na ako na siya ang nakapareha ni Seven kaysa ibang babae.

Mukang wala naman kasing interes 'tong si Nadia kay Seven, e. Sigurado rin ako na magkakasundo sila ni Seven dahil hindi siya nito fan girl.

“Nagpa-audition ba para sa play?”

“Nag-audition ka ba kaya ka nakuha?”

Rinig kong tanong pa nila kay Nadia at tila sabik na sabik silang malaman ang isasagot ng huli.

Hindi ko naman maiwasang hindi maging curious dahil sa tanong nila. Nagpa-audition nga ba para sa play or pinili lang ang mga gaganap dito?

“H-hindi. Walang naganap na audition. Pinuntahan lang ako ni Ma'am Aliaga rito kahapon upang sabihin sa akin na kasali ako sa gaganapin na play.Hindi ko naman alam na itatambal pala nila ako kay Seven.” rinig kong paliwanag naman ni Nadia na ikinatango ng lahat bago sila magbalikan sa mga upuan nila.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now