Chapter Thirty-one

62 2 0
                                    

PABAGSAK akong nahiga sa kama ko matapos kong maka-uwi ng ligtas sa bahay namin sa tulong na rin ni Seven.

Kakaalis-alis niya lang din dahil pina-uwi ko na siya kaagad. Ayaw ko kasing mabinat siya dahil sa akin. Ako na nga ang dahilan kung bakit siya nilagnat tapos ako pa rin ang magiging dahilan kung bakit siya mabibinat?

Hindi na, uy! Sapat na ang pagka-guilty na naramdaman ko matapos niyang lagnatin dahil sa akin.

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Napakunot naman ang noo ko dahil doon.

Sino naman ang tatawag sa akin ng alanganing oras? Don't tell me si Seven iyon?

Dali-dali ko ng kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa dahil naiirita na ako sa pag-iingay niyon.

Napalaki naman ang mata ko ng makita kung sino ang caller. Ang pagka-irita sa muka ko ay nawala at napalitan ng gulat na ekspresyon pero lumambot rin iyon kalaunan matapos kong makita kung sino ang caller.

Si mama!

Dali-dali kong sinagot ang tawag ng mapagtantong si mama pala ang caller.

“H-hello po, ma?” kaagad na bungad ko matapos sagutin ang tawag.

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko sa sobrang saya niyon. I miss her so much. Na miss ko ang mama ko.

'Amethyst, anak? Naistorbo ba kita?' malumanay ang boses na tanong nito na dali-dali kong ikinatayo sa pagkakahiga at saka iniling-iling ang ulo kahit hindi niya naman ako nakikita.

“H-hindi po, ma. Kakauwi ko lang din po galing kila Seven, e.” mabilis na tanggi ko sa sinabi niya na rinig ko namang ikinabuntong-hininga nito.

'Sorry ngayon lang nakatawag si mama, anak. Medyo nabusy lang kasi ako rito, e.' malumanay na sambit nito ng may bahid ng lungkot sa boses.

Napakunot ang noo ko ng may mapag-tanto dahil sa boses niya.

“U-umiiyak po ba kayo?” kunot noong tanong ko na rinig kong bahagya niyang ikina-singhap.

'H-hindi anak. Sinipon lang si mam–

“Ma,” putol ko sa kaniya ng may pag-aalala sa tono ng boses.

'M-miss ka lang ng mama, anak.' anito sa kabilang linya at bakas pa rin s aboses niya ang lungkot. 'Hindi kasi ako nakatawag para kamustahin ka, e. Namimiss ka lang ng mama, amethyst ko.' dagdag pa nito kasunod ng pagsinghot niya na nagkumpirma sa hinala ko.

Umiiyak talaga siya.

Nakagat ko ang ibabang labi ng naramdaman ang panunubig ng mata ko at ang bahagyang pagsikip ng dibdib ko.

“Miss ko na rin po kayo, 'ma. Mag-iingat po kayo riyan palagi, ah. Kakain kayo sa tamang oras. Huwag po kayong mag-alala sa akin rito sa probinsiya. Ayos lang po ako.” nanggigilid ang luha kong sambit sa kaniya.

'Mag-iingat ka rin diyan, anak. Huwag papalapipas ng gutom ha? Pagbutihan mo ang pag-aaral mo at huwag munang magnonobyo, okay?' turan nito na ikinatango ko naman.

“Opo 'ma. Pagbubutihan ko po ang pag-aaral ko para sa inyo. Makaka-asa po kayo sa akin.” nakangiting sambit ko at saka pinunasan ang luhang kumawala na sa mga mata ko.

'May tiwala ako sa iyo, anak. Huwag mo sana akong bibiguin. Proud sayo si mama. Mag-iingat ka palagi at tandaan mo na mahal na mahal kita, okay? Amethyst anak?' naglalambing na pahayag nito na ikinangiti ko naman.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon