Chapter Thirty-one

Start from the beginning
                                    

“Opo 'ma. Mahal na mahal ko rin po kayo.” nakangiting sambit ko at saka taimtim na umiyak.

Hindi ko alam kung masaya ako dahil sa wakas ay naka-usap ko na si mama matapos niyang lumuwas ng maynila dalawang linggo na ang nakakalipas.

May iba rin akong pakiramdam sa tawag niya ngayon. Bakas kasi sa boses ni mama ang lungkot at pakiramdam ko ay kakaiba ang lungkot niyang iyon. Ayokong pag-isipan ng masama ang mama ko pero iyon kasi ang sinasabi ng kutob ko.

Kung ano man ang bumabagabag kay mama ngayon, sana ay maging ayos lang siya.

'Sige na, matulog ka na. May pasok ka pa bukas. Tatawag na lang ulit ako kapag may pagkakataon.' malambot ang boses na anito na tinanguan ko naman.

“Sige po. Good night 'ma! I love you. Nandito lang po ako palagi para sa inyo. Mahal na mahal na mahal ko po kayo ni papa.” malambing na ani ko at saka hinalikan pa ang cellphone screen ko ng may tunog.

'Mahal ka rin namin ng papa mo, anak. I love you.' rinig kong turan niya sa kabilang linya kasunod ng kissing sounds at pagkaputol ng linya pagkatapos niyon.

Napahiga ulit ako sa kama ko habang yakap ang cellphone ko sa dibdib at taimtim na umiiyak.

I didn't realize how much I miss my mom until she called me. Mas lumungkot lang tuloy ako ngayon gabi dahil sobrang miss na miss ko na siya.

Hindi kalakihan ang space nitong bahay namin pero kapag nasa maynila si mama ay pakiramdam ko parang lumalalim iyon. Yung feeling na amg-isa ka sa spacious na bahay kaya naman nilalamon ka ng lungkot palagi.

Napabuntong-hininga ako bago punasan ang luhaan kong muka saka pilot na ngumiti.

“Kaya mo 'to amethyst! Para kay mama at kay papa! Para sa pangarap mo!” pagpapalakas ng loob ko sa sarili bago mapabalingbsa larawan ni Pala sa tabi ng kama ko na nakapatong sa isang maliit na mesa.

Kaagad kong dinukwang ang layo niyon upang kuhanin ang larawan ni papa at saka marahang haplusin ang babasahin takip niyon.

“Ikaw ng bahalang mag-bantay sa amin 'pa, ha? Lalong-lalo na kay mama dahil malayo siya sa akin ngayon.” kausap ko sa larawan ni papa habang marahang hinaplos iyon.

“Tutuparin ko po ang pangako kong ako ang mag-aahon kay mama sa paghihirap gaya ng gusto niyong mangyari. ” ani ko at napangiti ng maliit bago mapatawa ng mahina dahil may ilang butil ng luhang kumawala sa mga mata ko at tumulo iyon sa picture frame ni papa.

“Ako na po'ng bahala kay mama kapag nakatapos na ako ng pag-aaral at may trabaho na. Aalagaan ko siya palagi para s ainyo kaya bantayan niyo lang kami, ha?” pahayag ko pa at saka malambing na inilapit sa muka ang larawan niya bago mapapikit at damhin ang lamig na dulot niyon sa pisnge ko.

“Huwag lang po kayong nahpapakita kay mama kasi baka atakihin sa puso iyon.” pabirong ani ko pa at napatawa na lang ng mahina.

“Tulog na po tayo 'pa. Tabihan niyo po Muna ako, 'ha? Wala si mama, e. ” nakangiting ani ko at saka humiga sa kama habang yakap-yakap ko ang larawan niya.

***

SUNSHINE. A very handsome and cute sunshine welcome my morning pagkalabas ko ng gate ng bahay namin.

Ayos na ayos ang buhok at presentable ang suot na uniform akong binati ng matipuno at matangkad na pigura ni Seven ngayong umaga.

Ang swerte ko naman dahil isang anghel ang bumubungad sa akin buong umaga.

“Good morning, Ami!” masiglang bati niya sa akin na ikinangiti ko rin naman.

Dahil sa pagtawag ni mama kagabi ay maganda ang mood ko ngayong umaga hindi gaya ng mga nakaraan na masungit na lang ako palagi. Ngayon ay iba dahil naka-usap ko na ang mama ko na sobrang miss na miss ko na.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now