Chapter Twelve: Chaperone

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang sarap talagang asarin ng babaeng ito!

"Simply...And I've got all that I need, right here in the passenger-" Napahinto ako sa pagkanta nang patayin na lang niya bigla ang stereo. 

"Why did you turn off the music?" Patay malisya na tanong ko. "Kumakanta pa ako."

Ang talim ng tingin na ibinigay niya sa akin. "Kanina pa nagrereklamo ang mga tenga ko sa napakapanget mong boses!"

"Ouch!" Umaakto ako na tila nasaktan sa sinabi niya. "Pagbigyan mo na ako. Kahit ngayon lang. Minsan ko lang iparinig sa iba ang natatago kong talent."

"No thanks! Wala akong tolerance sa mga ganyang klaseng talent." Sabi pa niya na hindi lumilingon sa akin.

Muli kong binuksan ang stereo pero mabilis din naman niyang ini-off.

"I warned you Jared. Sisipain talaga kita palabas ng kotse kapag hindi ka tumigil!"

Nakakatakot naman ang babaeng ito!

"You are so mean!" At kunwari ay nag-pout ako.

Pero inirapan lang ako ni Muriel. Hindi na siya muling nagsalita.

No dice! Bakit ba kahit anong gawin kong pagpapa-cute sa kanya ay dedma pa rin ang charm ko?

"Mark?" Halos hindi ako makapaniwala sa lalaking nasa harapan ko. Akalain mo iyon, siya pala ang doktor na tinutukoy ng katulong ni Riley. "Pare!" Mabilis akong lumapit sa kanya at tinapik ito sa kanyang balikat. 

"Jared?" Tila nagulat din siya nang makita ako. "Long time no see!"

"Oo nga eh! Halos limang taon din tayong hindi nagkita." At hinagod ko ng tingin ang kanyang kabuuan. "Sinong makakapagsabi na isang tulad mo na puro mambubulakbol ang alam ay magiging isang ganap na doktor? Pinahanga mo ako."

Napakamot ng ulo si Mark. "No choice. Binigyan ako ng ultimatum ni Erpat. Ikaw? Where have you been? What happened to you?"

"Eto, tagasalo ng kumpanya ni Erpat. No choice din eh."

Sabay kaming nagtawanan.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" Tanong ni Mark sa akin. Pagkatapos ay lumipad ang mga mata niya kay Muriel na tahimik na nakamasid sa aming dalawa sa isang tabi. Doon ko lang napansin ang hawak niyang isang bugkos ng mga bulaklak.

"Sinamahan ko lang siya dito." Sabi ko sabay turo kay Muriel.

"Magkakilala kayong dalawa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mark.

Tumango ako. "Wait. Ipapakilala kita sa kanya." Bigla akong may naisip na kalokohan. Nilapitan ko si Muriel at hinawakan siya sa kamay at hinila sa harapan ng kaibigan. 

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon