Chapter 15: Akin ka na lang ha?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pe-ro ba--kit?" sa totoo lang kinakabahan akong malaman ang totoo.

Lumapit si Patrick sa akin para maging magkatabi kami. Humarap siya ulit kay Warren na ngayon ay nakaupo na sa court at nakatunganga sa ring.

"Sa tingin mo bakit?" binalik niya sa akin yung tanong

"..........................." wala akong maisagot.

Humarap siya sa akin. "Gusto mo ba talaga siya o pinapaasa mo lang?"

"Ano?"

"Yung nakita ko. Kayo nung lalake. Hindi ko kinuwento kay Warren pero you told him na wag muna kayo magkita? bakit?"

"Kasi natatakot ako na marealize niya na nakakapagod pala akong hintayin"

"So your pushing him away? Eh yung lalaki, sino yun?"

'That? He's my first love pero hindi naging kami. Magulo. Alam na naman ni Warren ang lahat. Anong sabi niya kagabi?"

"I owe you that right? Yung kwento kagabi? Sa totoo lang hindi pala-inom yan si Warren kaya nagulat na lang ako nung pumunta ako sa bahay nila ay nasa rooftop siya at may dalang alak. Narinig ko yung paguusap niyo. Nasa may gilid ko ng bahay niyo nung narinig ko yung boses sa may terrace niyo na gusto mo munang wag makipagkita. Sabi niya sa akin ayos lang naman may karibal ang mahirap lang kasi yung karibal niyang yun di ka pinapasaya. Wala ka daw nakuha dun kundi lungkot. Gusto niya palitan yung pwesto nung lalaki kaso ikaw parang ayaw mo." Nakatingin parin siya sa court nun.

Tumutulo na yung luha ko. Sabay punas na lang ng mata ko.

"Hi-ndi sa ayaw ko. *sob* ayoko lang ga-win sa kanya yung gi-nawa sa *sob* a-kin nung past ko *sob*" halata na sa boses ko yung pag-iyak

"Nah." Sabay patong ng kamay niya sa ulo ko. "Hindi mo gagawin yun. Alam ko. Wag ka nang umiyak"

Tinakpan ko na ng dalawang kamay ko yung mukha ko at pinipilit alisin yung luha ko.

"Puntahan mo na siya. Eexplain mo lahat ng sinabi mo sakin" Tinanggal niya sa ulo ko yung kamay niya at tumalikod.

Sinunod ko si Patrick. Nagsimula na akong maglakad papasok dun sa gate. Kitang-kita ko si Warren kung pano niya shinoshoot yung bola na laging daplis. Nagshoot ulit siya kaso wala.

"AISH! ISA LANG OH! ISA LANG!" simigaw na si Warren. Nasa likod na niya ako. Tama si Patrick halatang pagod na si Warren. "Kahit ito ba di pwedeng sumangayon sa akin?" bulong niya,

Kukunin niya na sana yung bola pero hinila ko yung jersey niya mula sa likod.

"Someday" mahinang pagkakabigkas ko.

Napahinto si Warren sa paglakad niya. Nakatungo pa rin ako habang hawak yung dulo ng jersey niya. Baka kasi biglang humarap si Warren ayokong makita niyang naiyak na naman ako.

"Sorry.. for being insensitive." Sinabi ko na din yung words na gustong-gusto kong sabihin sa kanya.

Humarap siya sa akin tapos niyakap niya ako. Mahigpit yung yakap na yun parang wala nang bukas.

"Akala ko matagal mo pa akong kakausapin eh. Di ko na alam ang gagawin ko. Buti andito ka ngayon" Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko habang nakayakap parin siya sa akin.

"So-rry. Hin-di na ma-u-ulit, Ayo-ko nang u-litin"Patuloy lang ako sa pagiyak.

"Shhh. Tama na. Ayos na ako no?" Humarap siya sa akin tapos ngumiti."Pinakaba mo ako dun ah?"

"Warren" Alam kong tinatago niya lang yung sakit, Hindi ba pwedeng sabihin niya na sakin ngayon para bukas ayos na talaga kami?

"Hmm?"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon