EPILOGUE

8 1 0
                                    

EPILOGUE | ZEUSJAYY

KYRIEL'S POV

AYOS NA ang aking pakiramdam. Lahat ng pagod, lahat ng hirap na aking pinaghirapan, lahat ng mga bagay na aking pinagpuyatan, at lahat ng mga pagsubok sa buhay, napagtagumpayan ko na.

My Mom and Dad became a better person. I, became a better person too. My life changed after that incident that ruined my life. Pero, it became a lesson to me. A lesson that I will never forget.

Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok sa loob ng aking kwarto si Inay at Itay.

"Nako, ang gwapo-gwapo talaga ng anak ko. " pambungad ni Inay sa akin. Hinalikan n'ya ako sa noo at niyakap ng mahigpit. Hindi ko mapigilang mapaluha sa kanila.

"Nay, ilang oras na lang, graduate na ako. Maraming-maraming salamat sa lahat! Alam kong may college pa, pero alam kong makakaya ko lahat ng 'to dahil sa pag gabay n'yong dalawa. Mahal na mahal ko kayo, Nay, Tay. " agad ko silang niyakap ng mahigpit pagkatapos kong sabihin ang mga bagay na 'yon. I truly am grateful of what I've got right now. I became a better person, because of you two.

"Nako, anak. Maraming salamat sa lahat ng tulong na binigay mo sa amin. Utang namin sa'yo lahat-lahat. Lahat nang ibinigay namin sa'yo? Walang-wala 'yan kumpara sa lahat ng sakripisyo mo sa aming dalawa ng Nanay mo. " sambit ng Itay sa akin. Ngayon ko lang narinig si Itay na magsalita ng ganito. Hindi ko akalain na darating ang araw na 'to sa akin na may bigat sa aking dibdib. Hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pag-iyak. Pinunasan ito ng Inay at Itay. Tama nga sila, I need to be stronger, I need to finish to college. I need to be brave in order to face new obstacles in life.

*__*

"Bethany! Advance congratulations sa inyo ni Jared, ha? " tila nagulat din si Bethany sa mga sinaad ko. I winked at Jared and eventually, nakuha n'ya ang ibig kong sabihin.

"Oo, alam ko na buntis ka. " dagdag ko pa sa kaniya.

"Nako, kailan mo pa alam? " nahihiya n'yang tanong sa akin.

"Noong isang buwan pa, Bethany. Kunin mo akong ninong ha? " patawa kong saad sa kanila. I looked at Bethany's eyes. She's happy now. I know to myself that she deserves this guy.

"Jared,ang binilin ko, ha? Wag mong kakalimutan. " sabay duro sa kaniya.

"Makakaasa ka boss. " sabay naman patawa sa akin. I will miss this guy. I will miss his corny jokes. I will miss his presence. Tumulo bigla ang aking mga luha at nakita nila 'yon. They hugged me immediately and kissed my cheeks. I thanked them for being the best person I've ever known. Hindi nila alam kung paano ako binago ng mga ginawa nila sa akin. I became a better person because of their advices. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga aral na tinuro nila sa akin pareho.

Ilang sandali pa ay agad nang nag-umpisa ang ceremony. Agad nang nagbigay ng speech ang mga judges at ilang sandali lang ay nagsimula na ang pag bibigay ng certificates at diploma sa bawat mag-aaral.

"Bethany Patrice Armstrong, Grade 12-HUMSS, with honors. " saad ng host sa stage. Agad kaming nagpalakpakan lahat sa baba. Kitang-kita ko na naging emosyonal si Bethany sa taas. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Jared. Talagang mahal na mahal n'ya si Bethany. I was right about them. Sana pala ay nakilala pa nila ang mga sarili nila nang maaga pa. Para nasimulan na agad nila ang pagmamahalan nilang dalawa.

"Jared Kim Crawford, Grade 12-HUMSS, with honors. " agad na umakyat sa stage si Jared sa itaas ng entablado para kunin ang kaniyang sertipiko, pati na 'rin ang kaniyang diploma. I'm so proud of him. He struggled a lot but he survived. He survived every challenges that he faced.

School Romance 1: In Love Sa'yo, Pare(COMPLETED)Where stories live. Discover now