UNO

78 14 4
                                    

CHAPTER 1 | ZEUSJAYY_

KYRIEL'S POV

Napabalikwas ako sa kama dahil sa panaginip na iyon. Ilang beses ko na rin siya nakikita sa aking panaginip ngunit hindi ko naman siya kilala. Ang alam ko lang, Richard ang pangalan niya.

Tiningnan ko ang phone ko at 6 am na rin pala. Kailangan ko ng pumunta sa school dahil ngayong araw na 'to ay may music fare na magaganap.

Ako nga pala si Kyriel Jade Morphe, 18 years of age. Kasalukuyang senior high school student sa isang private school dito sa lungsod namin. Siguro iniisip niyo, mayaman kami kase sa private school ako nag-aaral pero taliwas iyon sa katotohanan. Nakapasok ako sa private school dahil sa scholarship program. Ang buhay namin ang sadyang simple lang. Si Tatay ay isang tricycle driver at ang Nanay ko naman ay simpleng maybahay lamang.

Payak lamang ang aming pamumuhay pero namumuhay naman kami ng masaya. Nagpapasalamat nga ako sa kanila e kase kahit alam nilang mahirap kami ay natutustusan pa rin ng Tatay ang mga gastusin dito sa loob ng bahay. Kaya't nagsisikap ako para maahon kami sa kahirapan.

Siya nga pala, isa rin akong honor student, consistent second honor ako simula noong first semester pa lang hanggang ngayong second na. Kasali rin ako sa isang banda ng school at ako ang main vocalist nila.

Nag handa na ako para pumunta sa school dahil mag hahanda pa ako para mamaya. Kinuha ko na nga ang tuwalya at agad akong naligo sa loob ng banyo. Ilang minuto pa ay natapos din ako sa pagligo at agad naman akong bumaba sa aking kwarto at dali-dali akong bumaba.

Naabutan ko nga si Nanay na nag hahain ng pagkain.

"Anak, gising ka na pala. Halika rito, mag almusal ka na." paanyaya niya sa akin.

Umupo na ako at kumuha na rin ako ng kanin at ulam na itlog tsaka tocino. Nag umpisa na akong kumain at agad namang nag tanong si Nanay.

"Tsaka nga pala, anak. Ngayon ang music fare niyo diba?" tanong sa akin ni Nanay.

"Opo nay. Pupunta nga ako ng maaga sa school ngayon dahil doon e. Kailangan kong maging maaga dahil may rehearsal pa kami." ani ko kay Nanay.

"Good luck, anak. Kaya mo 'yan." ani ni Nanay na ikinatuwa ko naman dahil kahit anong hilig ko at pasukan ko basta para lang sa ikakabuti ko ay suportadong suportado ako ng Nanay.

"Salamat nay. Siya nga pala, nasaan po si Tatay?" tanong ko kay Nanay.

"Ay anak, maaga pang umalis kanina. Tinawag kase siya ni Tito mo Robert, kailangan daw siya doon sa probinsiya nila. Pinapasama nga ako e, kaya lang ayokong iwan ka dito dahil mag isa ka lang dito sa bahay." sambit ni Nanay.

"Ayos lang naman pong maiwan ako dito. Kaya ko naman po ang sarili ko." ani ko.

"E, isang linggo kami doon anak e. Kung iiwan kita dito, baka ano pa ang mangyare sa'yo dahil kalat na naman ang mga kidnapan dyan sa kanto, gabi ka pa naman minsan umuwi dahil sa schedule ng klase mo." nag-aalalang ani ni Nanay.

"Nako, si Nanay talaga. Mahal na mahal talaga ako e." sambit ko kay Nanay na kasama ang paglalambing.

"Ang batang 'to talaga, andaming alam. Kumain ka na nga dyan, baka ma late ka pa." pambabasag niya sa akin.

Agad akong kumain at ilang minuto lang ay agad ko na itong natapos.

"Oh anak, siya nga pala. Heto, bigay sa'yo ng Tatay mo. Baon mo raw 'yan sa loob ng isang linggo. Pag kasiyahin mo na lang." ani niya.

" Nay, e ang laki-laki na neto. Salamat po." sambit ko sabay yakap kay Nanay.

"Oh siya. Gumayak ka na at baka ma-late ka pa." sambit niya sa akin at agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

Umalis na ako ng bahay dahil maglalakad pa ako papuntang sakayan. Kailangan ko pang tumawid para makapunta sa terminal ng tricycle. Kung mga nandito lang si Tatay ay sana nandoon na ako sa school dahil ihahatid niya ako.

Nasa pedestrian lane na ako at akma na sanang tatawid ng biglang may isang humaharurot na sasakyan ang papunta sa direksiyon ko. Dahil sa taranta ay nadapa ako at pumikit na lang.

Akala ko ay mababangga ako pero tumigil pala ang sasakyan sa harap ko mismo. Dinilat ko ang mga mata ko at agad akong tumayo. Sakto namang tumayo ako at biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan. Tumambad sa akin ang isang mala anghel na mukha na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.

Parang bumagal ang ikot ng mundo at tila ba ay tumigil ang pag tibok ng puso ko dahil sa lalakeng ito.

Natauhan na lamang ako ng bigla niya akong tawagin.

"Hey! Are you planning to die?" sambit nito sa akin na may galit na tono.

Nainis ako sa inasal niya kaya't sinagot ko siya. "At talagang ako pa ang may planong mamatay? Kung hindi ka ba naman bulag, sana tumigil ka kase kitang kita mo naman na pinarahan ka ng traffic enforcer dahil may mga dumadaan." inis kong sambit sa kaniya.

"Kung hindi ka ba naman pabagal bagal dyan edi sana hindi ka muntikang mabangga." sarkastiko niyang ani sa akin.

At talagang pinapainit talaga ang ulo ko ha. "Edi sana huminto ka pa rin diba?" sambit ko sa kaniya at agad akong umalis para pumunta maghanap ng tricycle na sasakyan. Inis na inis ako sa kaniya. Ako ba naman ang biglang muntik masagasaan pero ni isang sorry ay wala akong narinig sa kaniya.

Umandar na ang tricycle at ilang saglit pa ay nasa school na ako. Agad-agad akong gumayak sa music session hall at naabutan ko silang nag u-umpisa ng mag rehearse.

Agad akong pumasok at umupo sa bench at dahil late ako ay sinermonan ako ng head namin. Nag practice kami ng nag practice hanggang matapos na namin ang mga kantang kakantahin ko mamaya.

Oo, tama ang narinig niyo. Ako ang main vocalist ng banda. I auditioned for this role at sa kabutihang palad ay agad naman akong natanggap sa role.

Pagkatapos naming mag rehearse ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang aming principal.

"Hello everyone. Attention here. Dahil sa kulang kayo ng members ng group. I decided to ask my son if he will be doing the part of your guitarist. Dahil nakita kong hindi kumpleto ang gitarista niyo. At nandito siya ngayon." sambit niya.

Agad niyang sinenyasan ang kaniyang anak para pumasok sa loob at unti-unting nagbukas ang pinto. Tumigil ang mundo ko noong nakapasok na ang lalake. Nagulat ako dahil sa nakita ko. Ang lalakeng muntik ng makabangga sa akin. Anak siya ng principal?!

Naguluhan ako sa mga nakita ko at kitang kita ko rin sa mga mata niya na gulat na gulat siya sa nakita niya.

Noong umalis na ang principal ay agad kong pinuntahan ang lalakeng iyon.

"You?! Anak ka pala ng principal?" gulat na ekspresiyon ko sa kaniya.

"Yes. And, ikaw. Nandito ka rin pala?" sabay tawa.

"What's funny, Mr? Muntik mo na akong mabangga at tatawa-tawa ka dyan? Ang kapal naman talaga ng mukha mo!" pasigaw ko na sambit sa kaniya.

Nakita kong nasa amin ang mata ng lahat. Pero wala akong pakealam. Muntik na akong mamatay dahil sa kaniya kanina kaya may karapatan ako.

"Kyriel, calm down." sambit sa akin ni Bethany.

Si Bethany nga pala ang isa sa mga matatalik kong kaibigan. Magkaibigan na kami simula noong Grade 7 pa lang at isa rin siya sa mga side vocalist ko.

"Calm down, Kyriel. What a nice name. Kaya lang hindi bagay sa'yo." sambit niya na ikina-inis ko pa.

Susuntukin ko sana siya pero natigilan ako ng iba naming kasama kaya't hindi natuloy.

"Kyriel. Wag mo ng patulan 'yon, malalagay ka lang sa panganib e." ani ni Bethany ng may pag-aalala.

"Muntik na akong mamatay dahil sa kaniya. And you are telling me to calm down?!" padabog kong boses.

"Just, calm down. Here, drink some water. Kakailanganin mo yan mamaya para sa music fare. Baka mamaos ka dahil dyan kaya mag pahinga ka na muna."

Uminom ako ng tubig at pagkatapos noon ay tiningnan ko sa kabilang side ang lalakeng muntik makabangga sa akin.

I will make you pay. ” sambit ko sa utak ko.

To be continued...

School Romance 1: In Love Sa'yo, Pare(COMPLETED)Where stories live. Discover now