DISE-SAIS

14 2 0
                                    

CHAPTER 16 | ZEUSJAYY_

KYRIEL'S POV
NAKAUWI NA AKO ng bahay galing sa biyahe. Sobrang pagod ng katawan ko, para ba 'tong binubugbog ng malala. Sakto naman na maaga pa akong nakauwi kaya naman maaga ko 'ring aabutan sina Inay at Itay. Lunes pala ngayon at kahit na pagod ako galing byahe ay pinilit ko pa 'ring maligo at pumasok sa school.

Alas-tres ako nakauwi ng bahay at naabutan ko sina Nanay at Tatay na gising na gising na. Ganitong oras kase ang gising nila, kaya naman, naabutan ko sila.

"Ky! Nandito ka na. " pambungad na ani sa akin ni Inay sabay yakap sa akin.

"Anak, buti naman at nakauwi ka na 'rin? Kamusta? " ani ni Tatay sa akin.

"Ayos naman po, Itay. Pagod nga lang po ako. Hindi ako masiyadong nakatulog, e. Pero matutulog muna ako, gising na lang po ako mamayang 6 para pumasok sa school. " sambit ko kay Inay at Itay.

"Nako, hijo. Sigurado ka bang hindi ka muna a-absent? Siguradong pagod na pagod ka galing byahe?" tanong sa akin ni Inay. 

“Sigurado,Nay. Isang linggo 'rin kase akong nawala sa school e, semestral break 'yon tsaka, pupuntahan ko pa ang Adviser namin. ” hindi ko maaatim na hindi ako papasok ngayon lalo na't hindi pa ako nagpapakita sa Adviser namin. Baka nag-aalala na sa amin 'yon.

“Oh siya, matulog ka na d'yan, gigisingin na pang kita kapag 6 na. 8 pa naman ang pasok mo.” ani ni Nanay.

Pagkatapos ng pag-uusap naming tatlo ay agad na akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Namiss ko ang kwarto ko. Hindi ako masiyadong nakatulog sa bakasyon e, hindi ako masiyadong komportable sa mga malamig na lugar kaya hindi ako nakatulog ng maayos.

Inilapag ko ang aking mga gamit at sabay higa sa aking kama. Ilang segundo lang ang nakakalipas ay naramdaman ko ang pagbigat ng aking katawan gawa ng agad akong nakatulog dahil sa pagod.

“Anak. Bumangon ka na d'yan, ala-sais na. ” pambubulabog na saad ni Inay sa akin. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa aking kwarto, tama nga, 6:12 am na.

Kahit ayaw pang magising ng aking ulirat ay pinilit kong bumangon dahil may pasok kami ngayon.

Pumasok na ako sa cr at nag hubad na 'rin ng damit dahil maliligo na ako. Kahit malamig at tubig ay tiniis ko ito dahil kailangang-kailangan magising ng aking utak at katawan ngayong umaga.

Ilang minuto 'rin akong naligo sa loob ng banyo dahil paglabas ko ay 6:45 am na. Pinunasan ko ang aking katawan at sabay bihis ng aking pang-eskwela.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba ng bahay para mag almusal.

“Oh, anak? Kamusta ang tulog mo? Ayos na ba 'yung katawan mo? ” pambungad na tanong sa akin ni Inay habang naghahanda ng agahan na'tin.

“Nay? Nag grocery ba kayo ngayon? Tsaka, bakit andami mong niluto, e tayo-tayo lang naman? ” lito kong saad kay Inay. “Tsaka,mahal to, ah? Saan po kayo kumuha ng pera na pambili ng grocery na ganito karami? ” ani ko habang binubuksan ang mga bags na puno ng grocery.

“Anak, hindi kami ng Tatay mo ang bumili n'yan. ” ani ng Inay sa akin.

“Eh, kung hindi kayo ang bumibili nito, sino? ” lito ko pa 'ring saad kay Inay. Sino naman ang bibili ng grocery sa amin for free? Wala namang kaming kamag-anak dito sa amin.

“Nako nako, 'wag ka nang magtanong at kumain ka na lang. ” busangot ni Inay sa akin. Nako si Inay, minsan lang talaga mag sinungaling sa akin at kapag nagsisinungaling siya, may pinagtatakpan siyang tao.

Kumain na lang ako sa hapag kasama si Nanay. Masaya ang aming usapan ni Inay hanggang mabusog na ako sa aking kinakain. Agad akong nagpa-alam kay Inay na aalis na dahil magc-commute pa ako papuntang school.

School Romance 1: In Love Sa'yo, Pare(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ