DISE-SIETE

14 2 3
                                    

CHAPTER 17 | ZEUSJAYY

KYRIEL'S POV

I WAS ASTONISHED by everything that happened to me lately. He confessed his love for me. Way  back on the resort!

flashback...

"Ky, can you give me some advice? " saad niya sa akin na ikinagulat ko naman. He's asking for my advice? Ngayon lang 'to, ah?

Tumango lamang ako sa kaniyang sinabe.

"May gusto akong tao, Ky. Pero, kahit anong papansin ko sa kaniya, hindi pa 'rin niya maramdaman na gustong-gusto ko siya. " ani niya, what?! This person love someone? Akala ko kase, bato ang puso ne'to.

"Ginagawa ko ang lahat para mapansin niya, pero parang hindi niya nararamdaman ang pagpaparamdam ko, what do you think is the best thing to do to let this person know that I love this person?" dagdag pa niya.

Bumuntong hininga ako at sinimulang bigyan siya ng advice.

"Alam mo, Richard. Siguro, nararamdaman niya 'rin 'yang pagpapapansin mo sa kaniya, ang problema lang ay, hindi 'rin siya sure siguro sa pagpapansin mo. Siguro, naghihintay na lang siyang sabihin mo sa kaniya ng diretso ang feelings mo sa kaniya. Mas mabuting sabihin mo na lang ng diretsahan 'yang nararamdaman mo, para hindi malito ang taong sinasabe mong gusto mo. " saad ko sa kaniya, he looked away for a second and then, I was shocked of what happened next.

He kissed me! Hindi ako maka recover sa mga nangyayari. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. I was frozen and was in shocked of what was happening.

Tinanggal niya ang kaniyang labi sa aking labi, I was still in shock of what happened. I know, we kissed before, but it was an accident. But now, he kissed me, and it's not an accident.

"I like you, Ky. Since the day that we've met. I admired you from afar since then. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko kapag kasama kita. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag kasama kita, astig ako e, pero kapag kasama kita, para akong nababakla. " saad niya, hindi pa rin ma process ang mga sinabe niya sa akin.

What? Mahal niya ako?

"All I can say is, I love you, Ky. You are the one who changed my attitude. Hindi ko alam kung bakit pero, you changed me. Araw-araw kitang naiisip simula noong magkita tayo. Kaya ngayon, no one can stop me from loving you. Hindi mo man ako bigyan ng chance ngayon, at least I've confessed my feelings towards you. " dagdag niya pa na ikinagulat ko pa. I was in shocked with everything that he said. My memory can't process it all.

"Ikaw palagi ang taong laman ng puso ko,Ky. Ikaw lang ang mahal ko,at wala ng iba. " saad niya pa.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, hinalikan ko siya sa labi habang tumutulo ang aking mga luha.

Nagulat ako dahil sa isang text na nanggaling sa kaniya. 

"Ky, can I barged into your house? Hindi kase ako makatulog dito sa amin, e." he texted. Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ko noong nabasa ko ang text niya, what?!

“Ha? Bakit? Gabi na, ah? Pupunta ka pa rito? ” I asked him. Anong deal nitong taong 'to?

Hinintay ko ang kaniyang reply ng ilang minuto pero hindi siya nag reply. “Baka lasing lang siya.” ani ko sa aking sarili. Babalik na sana ako sa pagkakatulog nang may kumatok sa pinto. Sino naman kaya ang taong mambubulabog sa ganitong oras?

School Romance 1: In Love Sa'yo, Pare(COMPLETED)Where stories live. Discover now