DOS

42 10 5
                                    

RICHARD'S POV

Maaga akong nagising dahil na rin siguro maaga rin akong nakatulog kagabi. Nag-unat-unat muna ako ng katawan bago umalis sa aking kama. Pagka-alis sa aking kama ay agad ko na itong niligpit.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. "Ang pogi ko talaga." sabay awra at pa pogi habang tinitignan ang sarili sa salamin.

Agad naman akong pumanhik sa banyo para maligo na dahil may pupuntahan daw kami ni Mom.

Ilang minuto lang din ay natapos na ako sa pag ligo. Agad akong nag bihis ng uniporme at pumanhik na rin sa baba.

Hi, ako nga pala si Robert Hemsworth, 19 years of age and I'm on my senior high school sa track na Humanity and Social Sciences. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko dahil sa yaman namin. We have a lot of haciendas and houses here in the Philippines and I forgot to mention, my mother is the principal of our school kaya I am so popular at school.

Habulin ako mapa babae man o lalake. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko pero, gwapo ako at matalino pa. I am the first honor sa buong strand namin. Kaya't hindi na ako nagtataka kung bakit sila nahuhumaling sa akin.

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Mom. He was already in the table at hinihintay niya na lang akong bumaba.

"Hijo, I'm glad that you are awake. How was your sleep?" sambit sa akin ni Mom.

"It was good Mom. How about yours?" pabalik kong tanong sa kaniya.

"Hindi nga ako masiyadong nakatulog sa excitement anak dahil hindi na ako makapaghintay na sabihin to sayo, e." ani niya.

My mom explained to me everything. I was going to enter the Music Hall and gonna be performing as the main guitarist of the band.

Yes, you read it right. I was a guitarist since then at pangarap ko talaga ito. Kaya lang, hindi ako pinayagan ni Dad dahil sabi niya, pang bakla lang daw ang pagg-gitara. Kaya't dahil sa kagustuhan niya ay itinigil ko ang pag g-gitara. Pero noong nalaman naming nangaliwa siya kay Mom ay agad siyang pinalayas ni Mom kaya't wala ng harang sa pangarap ko.

Mom was my biggest fan since then at noon pa man ay siya na ang kasama ko sa lahat ng contest na sinalihan ko. Yes, I am also a vocalist but I am shy at insecure sa iba dahil sa ganda ng boses nila kaya't mas pinili ko na lang na maging gitarista.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umalis gamit ang sasakyan ko. Si Mom naman ay susunod na lang sa akin dahil may aasikasuhin lang daw siya at agad naman aalis.

Pumanhik na nga ako sa loob ng sasakyan at nag maneho. Habang nagmamaneho ako ng sasakyan ay biglang may isang lalakeng tumawid sa pedestrian lane. Kaya naman sa sobrang taranta ko ay nag preno ako ngunit huli na.

Pumikit na lang ako at noong pag dilat ko ay tumigil na pala ang sasakyan ko. Agad akong bumaba sa sasakyan at nakita ko ang lalakeng tila'y anghel na ibinaba sa langit. Parang tumigil ang mundo ko noong nakita ko siya. Pero hindi, hindi ako bakla.

"Hey, are you planning to die?" sambit ko sa kaniya.

Agad naman akong tiningnan nito ng masama na tila ba'y kakainin ako nito ng buo.

"At talagang ako pa ang may planong mamatay? Kung hindi ka ba naman bulag, sana tumigil ka kase kitang kita mo naman na pinarahan ka ng traffic enforcer dahil may mga dumadaan" kitang kita ko sa kaniya ang inis pero hindi ko naman kasalanan na tatawid siyang alam niyang may sasakyan dito.

"Kung hindi ka ba naman pabagal bagal dyan edi sana hindi ka muntikang mabangga." sarkastikong ani ko sa kaniya sabay ngisi sa kaniya.

"Edi sana huminto ka pa rin." inis niyang sagot at agad naman itong umalis at pumunta sa parking spot ng tricycle.

School Romance 1: In Love Sa'yo, Pare(COMPLETED)Where stories live. Discover now