Part 26

122 4 0
                                    


ALEXA'S P.O.V.


Ayoko na.


Wala nang mangyayari sa grupo namin dahil nasisiraan na si Florian.


Hindi siya ganito nang alukin niya akong sumama sa grupo niya. Noong magpunta siya sa Japan para pwersahin si dad na maging Black Bear ako, he looks like a dark atmosphere for me. 


But now...


Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon. Hindi ko siya mabasa. Isa pa itong si Ruiz na makikinig din kay Florian dahil alam kong tatanga-tanga din ito minsan. So, ano pang gagawin ko? Edi, kikilos na naman ako sa sarili ko nito.


Buti nalang talaga dinala ko yung ilan sa mga yakuza ni dad, eh!


..........


DIANNE'S P.O.V.


Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Spade ngayon pero hindi ko na inintindi. Inutusan niya rin si Rox sa ibang bagay kaya hindi ko na rin alam kung nasaan siya sa oras na ito. Ang kasama ko lang ngayon ay si Franco.


"May nahanap ka na? ," tanong niya sa akin.


"Tao ang hinahanap ko, Franco, hindi impormasyon. Ako dapat ang nagtatanong sa'yo nyan ," sagot ko sa kanya.


"Hinaharang nila ang tower. Hindi ko malaman kung nasaang dako sila dito sa Cambridgeshire."


Ang pinakamadaling paraan para mahanap sila ay halughugin ang buong Cambridgeshire. At dahil mas iniisip ko si Rex, parang ayaw kumilos ng katawan ko.


Pero may nahanap na akong lead.


"Dito sa lugar na ito ," turo ko mula sa mapang nakikita sa computer ni Franco.


"Ano'ng meron jan? ," tanong niya.


He's not even curious, but rather, he's making sure kung tama ang nasa isip niya.


"I remembered the day nang pumasok tayo sa Ail Twr para hanapin si Master Matthew. Kung ang Ail Twr ay nasa ilalim ng tower, this one looks weird enough to be suspected. Napapaligiran ng mga building ang isang ito at kung ako ang mastermind, may possibility na dito ako maglalagay ng base ," deretso kong paliwanag.


"Titingnan ko ang isang yan just to make sure. Baka makakuha tayo ng lead."


..........


FRANCO'S P.O.V.


I didn't even hesitate this time.


Hindi ko alam kung bakit, but I have a feeling din na may tinatago ang lugar na tinuro sa akin ni Dee. Maging ang intel ko ay nahihirapan na hanapan ng impormasyon ang lugar na yun kanina at naniniwala din ako sa instincts ko na may high possibilities na may mahahanap kami dito.

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon