Part 13

143 5 0
                                    


JHAYDREX'S P.O.V.

Childhood servant ko si Matthew. Tatlong taon ang tanda niya sa akin at mula nang mabili sila ng kapatid niya ng Underground Society mula sa malulupit niyang magulang, tiniyak na ni dad na mabibigyan siya ng maayos na pagtrato hanggat kaya niyang tumagal sa akin.


We became so close to the point na nababasa na niya kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin sa loob at labas ng red line. Ni hindi siya nagsisinungaling sa akin at hindi siya nagsikreto ni minsan man.


Pero hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan na hindi si ninong ang mastermind.


 At kung totoo nga na buhay si dad...


... hindi kaya, nanganganib pa rin siya?!


"Seryoso na ako, Matt. Gagawin ko ang sinasabi ko kapag hindi ko nahanap si dad."


At napalunok siya sa sinambit ko. Alam niyang kapag seryoso na ako, wala nang bawian.


"Alam mo ba kung nasaan si dad ngayon? ," tanong ko kaagad.


"Hindi ko siya mahanap sa London. Pakiramdam ko, may humaharang sa sources ko kaya hindi ko siya mahagilap dito."


Hindi na ako makakapaghintay ng matagal. "Kumilos ka, Matt! Kung hindi mo kayang hanapin si dad sa loob ng pitong araw, tatapusin ko na talaga ang buhay ng kapatid mo! Naiinip akong maghintay! ," galit kong sigaw sa kanya.


"Pitong araw? Alam ko namang seryoso kang tatapusin mo ang kapatid ko at wala akong magagawa kung yun ang gusto mo, pero hindi ko magagawang hanapin si Master Zeke nang pitong araw lang! ," reklamo niya.


"Rex, kumalma ka muna... ," sambit ni Florian sa akin mula sa likuran.


I inhaled a bit of air and exhaled. "Black Bears... ," panimula ko.


"Lady Jhayd."


"Kaladkarin nyo yang lalaking yan at dalhin sa hotel! ," utos ko sa kanila.


"Jhayd, this is not the way! ," Matthew uttered.


"Oh, no, Matthew. THIS is my way ," pagdidiin ko sa kanya. "Kung hindi mo mahahanap ang lokasyon ni dad sa loob ng pitong araw, asahan mo nang sa ilalim ng lupa mo kukunin ang kapatid mo. Matagal na ang pinagsamahan natin, Matthew, at alam kong kilala mo ako."


I walked out of his mansion, leaving him behind and hoping that he would call me within seven days. Ayokong umabot sa puntong totohanin ko na ang pagbabanta ko sa kanya ngayong araw. Naglalakad ako paalis sa lugar na iyon habang mahigpit na hinahawakan naman ng Black Bears ang kapatid ni Matthew na si Anton.


-----------------


*Sa Hotel

Diretso akong nagtungo sa Kitchen Department ng hotel and I demanded for a cup of tea to calm my mind. Hindi ko inaasahang susundan ako dito ni Michael para lang hilingin sa akin na siya na ang magbantay kay Anton.

UNDERDOGS AND DEMONSWhere stories live. Discover now