Part 24

75 2 0
                                    


ASTRO'S P.O.V.

Kanina pa may gumugulo sa isip ko mula nang makasagupa ko sina Roxanne at Jason. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pag-aalala pero alam kong may isang bagay ngayon na nagpapagulo sa isip ko.


"Irene Schweiner was your half-sister, right? ," sambit niya matapos basagin ang katahimikan sa pagitan namin na biglang nagpalinaw sa isip ko.


"H-How did you---? ,"


"I am the Dark Angel. Alam ko ang mga tinatago ng Underground."


"No, you don't, Dark Angel. Hindi mo alam na si Florian ang pumatay sa--- ," natigilan ako nang marinig ko ang malakas niyang pagtawa.


Naiinis ako. Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko matanggap ang bagay na yun. I thought I could let this go, pero mula nang mamatay si Irene, nagbago na ang pananaw ko sa mga bagay sa Underground.


Ginawa ko ang lahat para sa Underground pero namatay pa rin ang isa sa mga kapatid ko.


"You really thought he killed Irene? You're dumb, aren't you? ," natatawa niyang sabi.


Nakaupo ako habang nagbabantay sa kanya at si Master Zeke ay hindi na rin nagsasalita para sumapaw sa usapan namin. Mukhang nakikinig pa rin ang matandang ito.


"Sinabi mismo sa akin ni Master Wolfux ang nangyari at may ebidensya na nagpatunay doon ," paglilinaw ko pa.


Damn! Why am I even explaining?!


"At naniwala ka naman sa kanya? Kung pinalabas nating pinatay kita noon, eh, buhay ka pa hanggang ngayon. Paano pa kaya na tinaniman nila ng ebidensya na si Florian ang pumatay kay Irene? ," she devilishly smiled.


"D-Do you have proof? ," desperado kong tanong.


Hindi ko na alam kung sino'ng paniniwalaan ko.


"I am the proof, Astro. I saw everything at alam kong minanipula ng Underground ang recordings ng pangyayari that day dahil isang Haligi ang involved."


"You're contradicting yourself, Jhayd. Nang panahong mamatay si Irene, hindi ka pa nakakawala sa redline. How come you saw everything? ," paghahamon ko.


Umayos siya ng upo bago muling nagsalita. "Nang araw na mamatay si Irene... iyon mismo ang araw kung kelan ko pinagplanuhang tumakas mula sa Underground. Even my dad never knew that until today."


Tumakas siya?


Pinagplanuhan niyang tumakas mula sa redline kahit pa yun ang pinakakinatatakutan niya noon?


"I saw it from the very beginning."


UNDERDOGS AND DEMONSWhere stories live. Discover now