Part 14

130 3 0
                                    


MICHAEL'S P.O.V.

Pumunta ako sa room kung saan dinala ang siraulong si Anton matapos siyang kaladkarin ng Black Bears papunta dito sa hotel. Sarado ang pintuan kaya naman akala ko ay walang tao nang bigla kong narinig ang boses mula sa loob ng room.


"Guess what? You should be thankful I'm the one who's with you ," natatawang boses nito.


"What do you mean? ," tanong ni Anton.


"Kasi kung si Lady Jhayd ang kasama mo ngayon, I bet you'll be dead by now ," sagot ng babae na para bang nakakasigurado ito.


"Hindi niya ako papatayin dahil may impormasyon pa siyang kailangan kay kuya! ," agad na sambit ni Anton.


"She's the Tower. Ano man ang gawin niya, wala nang magagawa si Master Matt."


Who's behind the door?


Sino'ng kausap ni Anton?


Isang malakas na kalabog mula sa loob nito ang narinig ko kaya dali-dali kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Sophia habang hawak niya ang paborito niyang yoyo... ang threads na ginamit niya noon sa South Valley.


Nakapatong ang paa niya habang suot ang itim niyang takong sa balikat ni Anton habang nakahiga na ito sa sahig na nakatali ang parehong kamay sa upuan. Kumunot ang noo ni Sophia nang makita ako sa kinatatayuan ko at agad na padabog na inayos ang pagkakaupo ni Anton sa upuan.


"What are you doing, Phia? ," I asked.


"Obvious pa ba? Edi, binabanatan ko siya! Gusto ko na talaga siyang isilid sa sako at pausukan sa labas pero naisip ko si Rex kaya naman inupakan ko na lang siya dito ," naiinis niyang sagot.


I sighed.


"Eh, ikaw? Bakit ka nandito? ," pagbabato niya ng tanong pabalik sa akin.


"Uupakan ko din dapat yang gagong yan dahil sa ginawa niya sayo kanina, pero nauna ka na pala sa akin ," sagot ko din sa kanya.


"Bakit ba kasi dinala nyo pa ako dito? ," tanong naman sa amin ni Anton.


Halatang naghahabol siya ng hininga habang pilit namang iniinda ang sakit mula sa mga tinamo niyang sugat mula kay Sophia. Saglit siyang napatingala at natawa.


"Why the fuck are you laughing? ," napakunot din ang noo ko ang I decided to asked him.


"It was funny kasi lahat pala kayo nagkaka-interest na hanapin si Master Zeke ," sagot niya.


"What do you mean? ," Sophia curiously asked.


He turned his head to look at us at seryoso ang tingin na iyon.

UNDERDOGS AND DEMONSWhere stories live. Discover now