Part 21

100 2 0
                                    


ALEXA'S P.O.V.

Kasalukuyang nakatuon ang atensyon ko sa isang babasahin na napulot ko mula sa kung saan kani-kanina lang at inumpisahan ko itong basahin matapos pagkainteresan ang magasin na iyon.


"Ikaw, Ruiz. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo at ako na ang bahala sa ama ko. Hindi kita pakikialaman sa magiging desisyon mo tungkol sa kanya kaya hindi mo din dapat ako pakialaman sa kung anuman ang gusto kong mangyari sa ama ko ," sambit ni Florian, dahilan para mapalingon ako.


Pasimpleng kumunot ang noo ko nang marinig ko ang mga salitang yun.


Bakit parang iba ang tunog nito para sa akin?


Ilang salita pa ang sinabi ni Florian tungkol sa plano naming gawin at hindi ko na iyon halos pinakinggan dahil sa pagdududa ko sa narinig ko at maging ang interest ko sa binabasang magazine ay bigla nalang naglaho.


Agad ko siyang nilapitan matapos ang ginagawa niyang diskusyon bago pa man mawala sa harapan namin ang lahat lahat ng Black Bears. Napansin ko pang nakatayo lang din sa harap ni Florian si Ruiz na para bang pareho kami ng iniisip ngayon.


Pero hindi ko siya pinansin at nilapitan ko pa rin si Florian.


"Ano ba'ng ibig mong sabihin? ," tanong ko.


"What? ," nagtataka niyang tanong.


"Wag kang magmaang-maangan, Florian. Ano ba'ng plano mo kaya mo sinabi kay Ruiz ang bagay na yun? ," patuloy ko.


"What the hell are you talking about, Alexa? I'm simply telling him na siya na ang bahala sa kapatid niya dahil ayokong makarinig ng reklamo! Does that even bother you?," naiinis niyang sagot.


"Well, for me it sounds as if gusto mong gawin yun para mailigtas mo ang ama mo mula sa kasalanan niya. Or am I wrong? ," usisa ko.


"You're wrong! ," pasigaw niyang sagot kaya naman napahinto sa paglalakad ang ilan sa amin na paalis na rin sana nang oras na yun.


What do you think you're trying to do, Spade?!


"Why don't you ask Ruiz, huh? Baka naman siya yung may gustong gawin ang bagay na ibinibintang mo sa akin at pinipigilan niya lang ang sarili niya na magtatalon sa tuwa para hindi siya mahalata! ," galit pang sambit niya.


Mas nagduda tuloy ako.


"Why are you even angry when I'm just asking? I think I need to assume na tama nga ang hinala ko ," I started provoking him.


Mas lalong nag-init ang ulo niya at ramdam kong galit na galit na siya sa akin.


"Assume all you want, Alexa! I don't fucking care! ," pagtataas niya ng boses na mas nagpataas ng tensyon sa pagitan namin pero mas pinili niyang umalis kaagad kaysa dagdagan pa ang argumento namin.

UNDERDOGS AND DEMONSWhere stories live. Discover now