Part 4

250 7 2
                                    


ALEXA'S P.O.V.

"So, ano na'ng gagawin natin? ," tanong ko.


"Ano pa nga ba? Edi, isasama si Florian at aalis sa party na 'to! ," halos padabog na sagot ni Jason.


"Hindi ako sasama ," walang-ganang sabi naman ni Florian.


"As if namang pwede 'yang sinasabi mo. Baka nakakalimutan mong si Rex pa rin ang boss mo! ," natatawang sambit naman sa kanya ni Roxanne.


Napayuko kaagad si Florian at tumayo mula sa kinauupuan niya. Nagsimula na rin magsitayo ang lahat ng Black Bears at nag-ayos ng gamit nila. Saglit pang uminom ng alak si Lhor bago tuluyang lapitan si Florian at bulungan ito. Sunod ko na lang na napuna na tumango si Florian sa kanya.


Lumapit sa harapan si Florian at mabilisang inutusan ang DJ sa party na ihinto ang music habang hawak na niya ang mic. Sabay sa paghinto ng music ay ang pagtuon ng atensyon ng buong Underground Society kay Florian...


... ang pinuno ng Black Bears at ang isa sa mga Underdog pala ng lugar na ito.


"I know you're a bit of confused about what's happening. And I am sorry if I'll be pausing your fun for now, but listen. Ititigil natin ang Graduation Party na ito ni Lady Jhad dahil sa isang confidential reason. I repeat, it's confidential. All you have to do now is rest and DON'T YOU EVER. WHISPER BEHIND OUR BACKS. I accept no questions to be answered. Dismissed."


I could barely remember the last day he used this tone in front of Underground pero dahil nagmamadali na kami, napangiti na lang ako at kaagad na umalis. Sakto namang paglabas namin sa Underground nang makasalubong namin si Rex at si Sir Leonard Cohen.


"Doon tayo sa room."


Alam ko na'ng tinutukoy niya nang oras na iyon ay kung saan una namin siyang nakilala...


...sa South Valley College.


Gabi na pero dahil kakatapos lang ng graduation, may iilan pang mga nasa campus para maglinis. Dumeretso na kami sa room ng Worst Section para sa pag-uusapan namin.


_______________


"Ano ba'ng nangyayari? ," tanong kaagad ni Jazz.


Nagsiupo kaming lahat.


"I'm not yet sure kung tama ako, pero buhay nga si Astro ," saad kaagad ni Rex.


"Ipagpalagay nga natin na buhay si Kuya Astro, pero ano naman ang gagawin natin? ," tanong naman ni Ruiz.


"Kailangan natin siyang mahanap dahil siya ang unang Underdog. Marami siyang nalalaman na pwedeng magturo sa atin kung nasaan ang mastermind ," paliwanag niya.


"I know this isn't the time to be thinking this, guys, but have you ever considered na kaya siguro buhay pa si Astro ay dahil siya yung mastermind? ," Jaime confusely asked.

UNDERDOGS AND DEMONSWhere stories live. Discover now