Chapter Twenty-seven

Magsimula sa umpisa
                                    

Naawa tuloy ako bigla Kay Lola Esme. Mas lalao akong naguilty. Masama ang napapagod ang katawan niya dahil medyo may edad na si Lola baka mapano pa siya.

"Salamat ng marami amethyst. Hulog ka talaga ng langit." masayang turan nito at napapahsiklop pa ang kamay sa tapat ng dibdib habang masiglang makatingin sa akin.

Napailing-iling naman ako at napangiti.

"Walang anoman po iyon Lola. Maliit na bagay lang naman po ang ginagawa ko at tsaka hindi naman na po kayo iba sa akin." nakangiting at sinserong sambit ko na ikinangiti naman ulit nito.

"Maraming salamat pa rin, iha. Ang swerte namin ni Seven sa iyo. Sobrang bait at matulongin mong bata." turan pa nito at saka malambing na hinaplos ang muka ko ng makalapit siya sa akin.

"Bumabawi lang po ako sa lahat ng naitulong ninyo sa akin ni Seven, lola." ngiting sagot ko na ikinangiti naman din nito pabalik.

"Pabili po!"

Magsasalita pa sana ito pero naistorbo naman iyon dahil may biglang sumigaw na bumibili kaya naman sabay pa kaming napatawa ni Lola Esme.

"Mukang tinatawag na po kayo ng trabaho niyo, 'la." natatawang bulalas ko na ikinahagikgik naman nito.

"Mukang ganon na nga, iha. Mamaya na tayo mag-usap at magbibili lang ako. Alagaan mo na muna ang makulit kong apo. " sagot naman nito at saka napatawa pa sa dulo.

"Good luck, amethyst."

Hauling sambit nito sabay kindat sa akin bago ako talikuran at nagmamadaling pumasok na sa loob ng bakery para magbenta.

"Pabili po-

"Oo, nandiyan na sandali at mahina ang kalaban." pilyang putol nito sa bumibili na siyang ikinahagikgik ko bago maglakad papasok sa bahay nila.

Nakakaramdam na kasi ako ng pangangawit dahil sa mga dala ko kaya minabuti ko na munang ipasok ang mga iyon.

Naglakad ako papasok sa bahay nila Seven at dumiretsyo sa kwarto niya sa Second floor. Gaya kasi ng bahay namin ay two- story din ang bahay nila pero hindi gaya ng sa amin ay mas magarang tingnan ang kanila kumoara sa amin na plain na plain lang at sina-una pa ang design.

Nasa bungad lang naman ang kwarto ni Seven kaya hindi ako nahirapang puntahan ang kwarto niya. Angat kasi ang kumay asul na pintuan ng kwarto niya kumoara sa plain white na pintuan sa apat na kwarto sa taas.

"Knock, knock!" masiglang bati ko bago itulak ang pinto gamit ang paa ko bago pa makasagot pabalik si Seven.

May posibilidad kasi na tulog siya at hindi niya naman ako kayang pagbuksan ng pinto kung sakali mang gising siya kaya naman minabuti ko ng pumasok kaagad, hindi naman na ako iba sa kaniya, e.

Papasok ko sa pinto ay maingat ko rin iyong isinara dahil naaninag ko na ang natutulog na pigura ni Seven sa King size nitong kama.

His room is the typical room of a teenage boy. Kulay grey ang kulay ng pader sa loob at may neon lights sa taas ng kisame. Airconditioned din ang kwarto niya. Sa gilid ng kama niya sa kaliwang parte ay may maliit na cabinet at may sosiyalin na lampshade ang naroon.
Sa kanang parte naman ay isang study table na nakatapat sa maliit na bintana. Puno iyon ng mga gamit sa arts ni Seven at mga papel na satingin ko ay related sa pagiging Ssg president niya. Sa tabi naman ng study table niya ay may katantamang laki na book shelf na puno ng iba't- ibang klase ng libro at mga mangas.

Sa bandmag paanan naman ng kama niya sa kabilang sulok ng room di kalayuan sa study table niya ay ang spot niya kapag anglalaro ng online games. May naka set-up roon na computer at mga speaker, may kulay asul na gaming chair sa tapat ng gaming table niya.

May kaya kasi iyong sila Seven. Isang business man kasi ang Dad niya at ang mom niya naman ay isang abogado.

Maingat ang hakbang ko na tinungo ang maliit na cabinet na pinapatungan ng lampshade para ilapag roon ang mga letter na galing sa mga tagahanga niya.

Puno kasi ang study table ni Seven kaya doon ko na lang ilalagay. Pwede ko rin namang ilapag na lang ang ibang regalo dahil naka paper bag naman ang mga ito at mas mabilis makikita ni Seven ang mga iyon kapag doon ko inilagay ang mga iyon.

Damn! To have so many admires that will give you this much of get well soon gifts and letter is so envious.

Napasulyap tuloy ako Kay Seven dahil sa naisip at napangisi.

"Maswerteng ungas." bulalas ko at saka mahinang natawa sa sarili.

Confident kasi ako na hindi niya ako maririnig dahil sobrang himbing ng tulog niya. Bahagya pa nganga naka-awang ang labi niya at mahinang naghihilik, e.

Napapa-ismid akong lumapit sa kaniya at marahang hinawinang buhok na nakaharang sa noo niya upang salayin iyon at tingnan kung gaano pa kataas ang lagnat niya.

"Tingnan mo nga naman, oh... " parang tangkang iling ko. "May sakit ka na't lahat pero pogi ka pa rin. Iba talaga kapag biniyayaan ni lord, 'no?" wala sa sariling bulalas ko pa ng mahawakan ang noo niya bago mapatango.

Mukang bumaba naman na ang lagnat niya dahil hindi na siya masiyadong mainit. Ang alam ko kasi ay nag-a-apoy siya ng laganat kagabi pa dahil na-i-text pala ni Lola Esme iyon sa akin. Hindi ko nabasa dahil tinawanan niya ako ng maaga kaya naman huli ko ng nalaman.

"A-ami..."

Natanggal ko bigla ang kamay sa noo niya pero napatigil rin sa ere ng biglang huliin niya ang kamay ko matapos niyang bigla magsalita at banggitin ang pangalan ko.

"Amethyst... Jsjsjnsn"

Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kaniya. Hindi naman siya nagising pero may ibinubulong siyang hindi ko maintindihan bukod sa pangalan ko.

Humigpit rin ang hawak niya sa kamay ko at gumalaw upang sumiksik roon.

Sinubukan Kong marahang bawiin ang kamay ko sa kaniya pero mas humigpit lang ang yakap niya roon. Napalaki pa ang mata ko sa sobrang gulat ng dumampo ang labi niya sa pulsuhan ko bago niya amoy-amoyin iyon.

"Ami..." bulalas pa nito at saka parang baliw na napangiti habang wala pa ring ulirat dahil nakapikit pa ito.

Titig na titig lang ako sa kaniya habang pinapanood siyang parang batang yakapin ang kamay ko at isiksik roon ang mainit niyang muka.

"I lhahajah yosbsn" gibberish na bulong pa nito sa mahinang boses bago idilat ng kaunti ang mata at lunawak ang ngiti ng makita ako bago pumikit ulit.

"So... pretty, Ami..." mabagal na ani nito kasunod ng unti-unting pagsara ng mga mata at kasunod niyon ay ang malamim niyang pag-hinga at ang mahina niyang paghihilik.

At look at him in bewilderment and in slight amusement. Marahang akong napakurap-kurap habang nakatitig sa natutulog niyang pigura. Nabawi ko na rin ang kamay ko dahil lumuwag na ang hawak niya ron.

What just happened?

*Blink* *blink*

Napakibit balikat na lang ako bago magmartiya palabas ng kwarto niya upang ihanda na ang tanghalian niya. Mamaya ko na lang siya gigisingin para kumain pagkabalik ko dala ang lunch niya dahil mahimbing pa anamn ang tulog niya.

I'll let him sleep for awhile. Mukang kailangan niya kasi non, e. Nag-s-sleep talk na siya. Ganoon ba talaga ang may sakit?

*Sigh*

_
Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon