Preface

8 2 0
                                    


"Huwag po kayong mag-alala, Pa. Safe po kami ngayong lahat rito. Kayo po ang mag-iingat diyan, baka kung ano pong gawin sa inyo ng mga sundalo," ani Mary sa Papa niya.

"Huwag ka ring mag-alala, 'nak. Gagawin ni Papa ang lahat para lang mailabas ko kayo ng mga kaklase mo diyan. Tandaan mo, mahal na mahal kita..."

"M-mahal na mahal rin po kita, Pa. I-I miss you."

Hinagod namin ang likuran ni Mary nang magsimula na itong maging emosyonal. Sandali lang ay ibinaba na rin naman ng Papa niya ang tawag kaya nawala na sa screen ang mukha nito.

Sa gitna ng kalungkutan at kauhawan sa pag-asa, bigla kong naramdaman ang pagsiklab ng kakaibang determinasyon at tapang sa loob ng puso ko.

Napatingin sa'kin bigla ang mga kasama ko nang mapansin nila akong biglang tumayo.

"Oras na para harapin ang problema at hindi na takbuhan pa ito."

Nagsimula akong humakbang palayo sa kanila at tumungo sa hagdanan pababa ng Rooftop.

"Oy teka! Esther sa'n ka pupunta??" Hinabol ako nina Ruth at takang itinanong ako.

Hinarap ko naman sila at saka bumuntong-hininga.

"Sa opisina ng Dean. Pakikiusapan ko si Mr. Sin na papasukin niya si Mr. De Jesus sa loob," ani ko.

Nakita ko naman ang pagreact nila. "Pero Esther, delikado sa baba! Maaaring mamatay ka! At kapag nakita ka ni Mr. Sin sigurado ako na papatayin ka rin niya dahil iisipin niya na maaaring infected ka na," sambit ni David.

"Mamatay na kung mamatay, atleast alam ko na ginamit ko ang buhay ko para sa tama. Ginamit ko ito para makaligtas ng marami pang buhay, lalo na ng buhay ninyo," determinadong sabi ko sa kanila.

"Pero Es, hindi matatanggap ng konsensya ko na lumabas ng buhay rito habang nakikita ka na walang buhay at duguan sa loob. Hinding-hindi ko kakayanin," ani Ruth.

"Guys please, hayaan niyo na lang ako. Maraming beses niyo ng itinaya ang buhay niyo para sa'kin, lalo na kayong mga lalaki... Kaya sana, ibigay niyo naman sa'kin ang pagkakataong ito para makabawi. This time, gusto kong itaya naman ang buhay ko alang-alang sa kaligtasan ninyo. If I perish, then I perish. What's only important is all of you are safe."

Ngumiti ako sa kanila, isang ngiting may bahid ng lungkot, takot at pag-aalala, ngunit alam ko na sa likod niyon ay may nagkukubling tapang na mas umaalab kapag nakikita ko sila.

Hindi ko na hinintay pang makapagsalita sila at dali-dali ko nang tinahak ang daan pababa sa hagdanan. Narinig ko pa ang ilang sigaw nila sa'kin pero pinili ko na lang na hindi pakinggan ang mga ito dahil ayo'kong panghinaan ng loob.

Kung pakikinggan ko ang mga pagpigil nila sa'kin, mas lalo lang hindi matatapos ang problemang ito.

Kailangan kong magsakripisyo para matuldukan na ang mga nangyayari ngayon. Kung kinakailangang lumuhod ako at magmakaawa sa harapan ni Mr. Sin para lang pumayag siya na makipagtulungan sa Papa ni Mary, gagawin ko. Wala akong hindi kakayanin kung para sa mga kaibigan ko.

Sin Academy [COMPLETED]Where stories live. Discover now