#Hidden Tragedy

3 2 0
                                    


C h a p t e r  F o u r

✴✴✴

ESTHER'S POV

Nagising ako nang madilim na ang kalangitan sa labas. Napatingin ako sa katabi kong si Ruth na natutulog na ngayon. Inayos ko ang buhok nitong tumaklob na sa mukha niya at saka nilibot ang tingin sa paligid.

Karamihan sa mga kaklase ko ay nakahungko na sa mga keyboard. Habang 'yung iba naman kagaya ni David ay nananatili pa ring gising.

Naisipan kong lapitan si David na nakaupo sa may sahig at nakasandal ang likod sa pader. May hawak ito ngayong notepad at tila may sinusulat siya roon.

"Ano 'yan?" Napaangat naman siya bigla sa'kin ng tingin at tila 'di inasahan ang presensya ko.

Ngumiti naman siya 'di kalaunan. "Nothing. Just class reports as your class president."

"Report?"

Tumango siya. "Yes, kailangan kasi na magreport ako kay Sir Jinata ng tungkol sa mga nangyayari sa'tin ngayon. Essential ang bagay na 'to lalo na sa sitwasyon natin ngayon."

Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang tinitingnan siya. Ngayon, masasabi ko na worth it talaga 'yung pagboto ko sa kaniya no'ng first day of school. He really deserves that position dahil alam na alam niya kung papaano gampanan iyon.

Sinubukan kong tingnan ang mga sinusulat niya. Nakita ko naman ang tila essay na sulat niya at ang lista ng mga pangalan namin sa kabilang page.

May cross ang tatlong pangalan roon na pagmamay-ari nina Adam, Hannah at Eve. Marahil ay dahil ito sa pagiging infected nila sa virus. Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko.

Dumako ang tingin ko sa pangalan ko at 'di ko naman napigilang mapatingin kay David nang may seryoso at nagtatampong tingin.

"Bakit?" natatawang tanong niya.

Itinuro ko naman 'yung pangalan ko na lumagpas na sa hanay ng mga pangalan nina Ruth dahil sa haba.

"Sorry, nasanay kasi ako na nilalagyan ko lagi ng Queen 'yung Esther mo. Ang cute lang kasi pakinggan," ani David habang nakapeace sign.

Napabuntong-hininga na lang naman ako.

"Bakit ba ayaw mo sa pangalan mong 'yun?" takang tanong niya bigla.

Napahinto naman ako dahil hindi ko inasahan ang itinanong niya.

"Mahabang kwento..." nasabi ko na lang.

"Okay.. sabi mo eh. I won't force you to tell it if you're not comfortable, anyways." Ngumiti siya sa'kin.

"Salamat, David."

Ipinagpatuloy na lang niya ang sinusulat niya habang ako naman ay naggala-gala muna sa loob ng ComLab para maalis ang boredom.

Biglang kumalam ang tiyan ko kaya napahawak ako roon. Anong oras na ba? I think time na para maghapunan.

Chineck ko ang cellphone ko at nakitang mag-aala syete na ng gabi. Hindi pa ba nakakaramdam ng gutom 'yung mga kaklase ko?

Lalapitan ko ulit sana si David para magtanong if paano kami kakain nang bigla na lang maagaw ang atensyon ko ng isang lalaki na busy kakatype sa keyboard sa may gilid.

Napakunot ang noo ko nang mapagtantong si Paul iyon.

Naisipan kong lapitan siya para alamin ang ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo diyan?" bungad ko rito na hindi naman niya ikinalingon sa'kin. Tutok pa rin siya sa ginagawa niya sa Computer.

Tiningnan ko na lang ang ginagawa nito at nakita ko na nagsesearch siya sa google. Hindi ko maintindihan 'yung ibang articles na binabasa niya pero nakuha ang interes ko nung isang article na may pamagat na "Lucy: Sin Academy's Hidden Tragedy."

Sin Academy [COMPLETED]Where stories live. Discover now