#Block E

4 2 0
                                    

C h a p t e r  O n e

✴✴✴

"Esther teka! Wait for me!"

Agad akong napalingon sa babaeng sumigaw no'n sa may likuran ko na humahangos ngayon sa pagtakbo.

Natawa naman ako dahil sa itsura nito ngayon.

"Bakit ba ang bilis-bilis mo maglakad? Nakita kita sa gate kanina pagkababa ko ng jeep kaya hinabol kita," hinihingal na sambit nito. Nakahinto na kami ngayon dito sa may gilid ng hallway, nilalampasan ng mga estudyanteng pumapasok.

"Pasensya na, sana nagchat ka kanina na hintayin kita sa gate para sabay tayo," ani ko kay Ruth at saka hinawi 'yung konting buhok na tumabing sa mukha ko. Mukhang naka-recover naman na ito mula sa pagkahingal niya kaya hinila na niya 'ko papunta sa classroom namin.

"Tara na, baka malate na tayo."

Nagpatangay na lang ako sa kaniya hanggang sa makarating na nga kami sa loob ng room.

"Wala pa si Ma'am?" agad na bungad ni Ruth pagkapasok namin sa pinto.

Umiling si Lucas. "Wala pa. Pero may quiz daw ngayon."

"Aga-aga quiz agad? Psh." Natawa na lang ako sa naging reaksyon ni Ruth.

Dumiretso na kami sa upuan namin at saka nagsimula nang magbuklat-buklat ng mga notes.

"Wala pa si Naomi?" tanong ko nang mapansin na bakante pa ang upuang nasa tabi ko.

"Malelate daw siya ngayon," ani Ruth habang nakatingin pa rin sa notebook niya. Tumango-tango na lang naman ako at saka ibinaling ulit ang atensyon sa nirereview ko.

Maya-maya lang, bigla na lang kaming kinabahan nang marinig na namin ang tunog ng pamilyar na takong sa may aisle.

Lagot eto na!!

"Okay, Block E, get one-fourth sheet of paper."

Dumire-diretso ng lakad si Ms. Avenida sa table niya at saka nilapag ang mga gamit niya roon. Mas lalo naman kaming kinabahan.

Kaniya-kaniyang punit at hati na ng mga papel ang bawat isa habang ang iba naman, tulad ko, ay nakihingi na lang sa nasa likuran ko. Buti na lang at mabait 'tong si Noah at binigyan ako.

"Okay, number 1."

'Kaya mo 'yan, Esther. Just remember what you have reviewed earlier' pagkausap ko sa sarili ko.

Binanggit ni Ma'am ang tanong at napangiti naman ako nang maalala ko ang sagot dito. Kaagad ko iyong isinulat sa papel.

"Number 2."

Nagtuloy-tuloy ang pagbanggit ni Ma'am ng mga tanong at may mga ilan pa rin naman akong nasasagutan kahit papano. Medyo mahirap nga lang 'yung iba kaya iniiwan ko na lang na blanko ang mga pwesto nila.

"Okay, pass your papers in front," ani Ms. Avenida nang matapos na ang pa-quiz niya. Up to ten lang naman kaya mabilis lang. Pagkatapos maipasa ng lahat ng papel ay pinamigay na ulit ito ni Ma'am para macheckan. Pinagrandom na niya ang pagbibigay para walang mangyaring dayaan.

After 5 minutes, nirecord na rin ni Ma'am ang mga score namin. Happy na'ko sa nakuha kong 7. Atleast I tried, diba? Si Ruth naka-6, okay na rin. Si Naomi ang nakakalungkot, wala siyang quiz ngayon kay Ms. Avenida.

"Sorry Ma'am, I'm late." Napadako bigla ang tingin ko sa may pintuan nang may babaeng sumulpot mula ro'n. Napangiti naman ako nang makitang si Naomi iyon.

"And I'm sorry also, but I won't give you a chance to take a special quiz today. Next time, learn to disipline yourself in being prompt. Time is important, Ms. Olivar, so better manage it seriously. Okay, you may now go to your sit."

Sin Academy [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz