#Twin Strike

3 2 0
                                    

C h a p t e r  T w o

✴✴✴

"Adam..."

Napatingin kaming lahat kay David nang nanginginig na sinambit niya iyon. Maging kami ay nilalamon na rin ng kaba dahil sa nakikita namin ngayong itsura niya. Sobrang layo na niya sa Adam na nakilala namin noon.

Patuloy na pinaghahampas niya gamit ang mahabang kahoy ang katawan no'ng lalaki kanina. Nakadapa na ito sa sahig at puno na ng sugat sa katawan.

"Omg guys, anong gagawin natin?! Baka tayo na ang isunod niyan!!" histerical na sigaw ni Delilah na nakapwesto na sa pinakalikuran kasama ng dalawang alipores niya. Si Gomer at Lea.

"Esther, natatakot ako." Kaagad akong napalingon kay Ruth na nanginginig na nakahawak sa braso ko. Agad na niyakap ko naman ito para pakalmahin siya.

"Guys, I-I think t-tayo na nga ang isusunod niya." Sabay-sabay kaming napaatras mula sa kinatatayuan namin nang matapos na si Adam sa paghampas do'n sa lalaki. Dahan-dahan namang umikot ang ulo niya papunta sa posisyon namin at saka ngumisi.

Nangilabot ako at napayakap ng mahigpit kay Ruth.

"Samson, ihanda niyo 'yung second door sa kabila, pagkasabi ko ng takbo, buksan niyo 'to agad, maliwanag ba 'yon?" bulong ni David sa grupo ni Samson na malapit sa pangalawang pinto na kaagad na sinang-ayunan naman ng mga ito.

Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari ngayon. Sobrang nanginginig na rin ang buong katawan ko.

"Isa.." nagsimula nang humudyat si David.

"Dalawa.."

Napahawak ako sa kamay ni Ruth. Nakatikal na kami ngayon ng yakap at nakaalerto na sa pagtakbo.

"Tatlo! TAKBO!!"

Umere sa pandinig ng lahat ang malakas na pagkabasag ng salamin ng pinto na hinampas ni Adam. Dali-dali naman kaming kumaripas ng takbo palabas ng classroom habang sumisigaw.

"DOON TAYO!!" turo ni David sa makipot na daan papuntang College Library. Kaagad na lumiko naman kami papasok roon habang hila-hila ko si Ruth.

Nakarinig naman kami ng sigawan sa likuran namin kaya napalingon kami ro'n. Nanindig ang mga balahibo ko nang makita sina Hannah at Rebecca na nakahandusay sa sahig habang hinahampas ni Adam.

"Guys! Sila Hannah!!" sigaw ko sa mga kasama ko sa unahan at saka naluluhang nilingon sina Hannah.

"Esther, 'wag ka nang bumalik!! Mapapahamak ka! Malapit na tayo sa College Library, konting hakbang na lang." Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Lucas at dali-daling binitawan si Ruth para balikan 'yung kambal. Narinig ko naman ang pagsigaw ni Ruth sa likuran ko pero hindi ko na pinansin iyon. Isa lang ang importante para sa'kin sa ngayon--at 'yun ay ang kaligtasan ng dalawang kaklase kong nasa panganib ngayon.

Hinawi ko ang iba naming kaklase na tumatakbo na ngayon patungong Library. Mukhang hinayaan na lang talaga nila na makuha ni Adam 'yung dalawa.

"Hannah!! Rebecca!!" malakas na sigaw ko nang makita ang mga ito.

Naagaw naman ng sigaw kong 'yun ang atensyon ni Adam kaya napaangat ito ng tingin sa'kin.

"Esther, umalis ka na! Pabayaan mo na kami!!" umiiyak na sambit ni Rebecca habang iniinda ang ilang sugat na natamo niya mula sa panghahampas ni Adam.

Malala ang mga tinamong sugat ni Rebecca kumpara kay Hannah. Mukhang sinalo nito ang mga hampas na dapat sana ay sa kapatid niya.

Nang iangat ko ang tingin ko kay Adam, mabilis na napailag ako nang akmang ihahampas na sana niya sa mukha ko ang kahoy na hawak niya.

Sin Academy [COMPLETED]Where stories live. Discover now