#Downfall

2 2 0
                                    


C h a p t e r  F i v e

✴✴✴

"Si Naomi... nasa labas siya..."

"What?!" gulat na tanong ni Ruth at saka nilapitan kami ni Noah na nasa may pinto.

"Pero Esther, hindi tayo dapat basta-basta nagpapasok ng hindi tayo sigurado," ani David sa'kin. Sumang-ayon naman 'yung iba na tila iniisip na baka infected na rin pati si Naomi. Napasapo naman ako sa ulo ko.

"Esther?? Kayo ba ang nasa loob? Please, buksan niyo 'to!!" Muli naming narinig ang boses ni Naomi sa labas. Nagmamakaawa ito. Napatingin naman muli ako kay David.

"David..." ani ko rito na may nagsusumamong mukha. "Please..."

Napabuntong-hininga naman siya. "Sige, Samson, alisin niyo 'yung mga gamit," utos niya kina Samson. Napangiti naman ako at saka agad na pinasalamatan siya.

Labag sa loob na inalis nina Samson ang mga gamit na pinangharang nila kanina sa pinto. At dahil naman doon ay naging maaliwalas na ulit ang daanan palabas. Dahan-dahan kaming lumakad ni Ruth palapit roon at saka unti-unting binuksan ang pinto.

Kaagad namang bumungad sa amin ang presensya ni Naomi na halata ang saya sa mukha ngayon dahil muli kaming nakita. Napayakap ako rito at si Ruth.

"Anong nangyari sa'yo? Halika, pumasok ka," ani ko rito habang inaalalayan siya na makapasok. Napatigil naman kami nang may sabihin siya.

"Teka, may kasama ako. Hintayin natin siya," aniya at saka sumilip sa labas.

Nangunot naman ang noo namin ni Ruth. "Kasama? Sino?"

Saktong pagkatanong naman namin niyon ay ang pagdating ng isang matangkad na lalaki mula sa kung saan. Napatigil ako nang makita ang itsura nito.

Teka, totoo ba 'to??

"Daniel?"

✴✴✴

DANIEL'S POV

"NAOMI!!!" sigaw ko nang makita ang ginawa nitong pagprotekta sa'kin. Dumurugo na ngayon ang braso nito dahil sa ginawang pagsaksak no'ng babae.

"Rebecca??" Narinig kong sabi ni Naomi habang nakatingin sa babae. Hindi ko naman maiwasang magtaka.

"Kilala mo siya?" tanong ko sa kaniya. Nilingon niya 'ko saglit at saka tumango.

Akmang sasaksakin na naman ulit sana kami nito nang bigla na lang siyang sipain ni Naomi habang nakahiga pa rin siya sa katawan ko.

Tumumba naman 'yung babae na tinawag niyang Rebecca kaya nagkaroon kami ng tyansa para makatayo at makatakas.

"Doon, doon tayo!!" ani ko habang inaalalayan siya maglakad palayo sa clinic area. Dumudugo pa rin 'yung braso niya kaya 'di ko maiwasang mag-alala.

Napatigil siya nang biglang huminto ako. "Teka, diyan ka lang, babalik ako sa clinic para kumuha ng first aid kit."

"Ano?? Daniel, 'wag na! Baka kung ano pang gawin sa'yo ni Rebecca!" pigil niya sa'kin pero hindi ako nagpatinag. Dali-dali akong bumalik sa clinic habang bumabangon na ngayon 'yung babae.

Agad kong nilock 'yung pinto. Hinagilap ko ang first aid sa loob at napangiti naman ako nang makita ko ito. Kumuha muna ako ng isang matigas na bagay bago ko tuluyang nilakad ang pinto at binuksan ito.

Bumungad naman sa'kin ang matalas na gunting na mabuti na lang ay nailagan ko. Mabilis kong inihampas sa katawan no'ng babae 'yung bagay na nakuha ko dahilan para mapatumba na naman muli siya. Hindi ko na ito naisipang puruhan pa dahil mas naghahari sa isip ko ngayon ang kalagayan ni Naomi. Sobrang kailangan na niya ngayon ang first aid na hawak ko.

Sin Academy [COMPLETED]Where stories live. Discover now