#Path to Freedom

0 1 0
                                    


C h a p t e r  T e n

✴✴✴

ESTHER'S POV

Hindi ko halos maikibo ang mga binti ko at tila nasemento na ito sa kinauupuan ko ngayon dahil sa tanawing nakita ko sa itaas ng Sports Hall.

Mabuti na lang ay nahila agad ako ni Ruth patayo at palayo. Napatingin ako sa mga lalaki na ngayon ay hawak-hawak na ang mga armas nila panlaban sa lalaking nakasilip sa may bubong.

Hindi ako makapaniwala na nagawa nitong akyatin ang mataas na bubong ng Sports Hall para lang mapasok ito at mapatay ang mga tao sa loob. Binutasan niya ang isang parte ng bubong ng hindi namin namamalayan at isang talon lang niya mula sa malaking butas na iyon ay lagot kami.

Napatitig ako sa mukha nito na ngayon ay nakangisi habang may hawak-hawak na malaking palakol. Hindi ko naman maiwasang magtaka dahil tila pamilyar sa'kin ang mukha nito...

May bahid man ng dugo ang kaniyang pisngi at puno ito ng mga sugat, alam ko na siya iyon...

Si Lucas ang lalaking iyon...

"GUYS, SIYA SI LUCAS!!" malakas na sigaw ko kila David na halatang ikinabigla rin naman nila. Napatingin ako kay Ruth na ngayon ay nakahawak na sa braso ko at nanghihinang nakatingin sa itaas.

"K-Kailan ba matatapos lahat ng ito, Es?" mahinang aniya. "Hindi ko na kinakaya..." Pumikit siya.

Agad ko naman siyang niyakap. "Soon, Ruth. Soon. Just trust God that He will get us out of this hell. Malapit na iyon."

Nagkagulo naman ang lahat nang bigla na lang tumalon si Lucas mula sa bubong. Nag-landing siya sa sahig na parang pusa at saka mabilis na hinarap sina Daniel at ang iba pang lalaki na ngayon ay nakapa-ikot sa kaniya.

Naalarma naman kaming babae nang madaplisan ng palakol ang balikat ni Abednego. Ngunit patuloy pa rin itong nakipaglaban kay Lucas at 'di inalintana ang konting dugo na nagmamantsa na ngayon sa uniform niya.

Kung tutuusin, talo si Lucas kung ang bilang ang pagbabasehan. Anim ang kalaban niya, siya nag-iisa lang. Pero hindi nagmamatter ang bilang sa labang ito ngayon. Dahil mas nagmamatter ang kakayahan at kagustuhan ng isang tao para mapatumba ang kalaban niya. Iba ang level ng aggression nina David kumpara kay Lucas. Si Lucas, wala na siya sa katinuan niya, ginagawa na lang niya kung ano man ang iutos sa kaniya ng virus na lumamon sa utak niya. Ni konsensya ay wala na rin siya. In-adapt na ng buong puso't pag-iisip niya ang pananakit at pagpatay sa kapwa bilang isang normal lang na bagay, which is directly opposite sa way of thinking nina David na hindi pa naiinfect ng virus. Kahit determinado, sa loob nila ando'n pa din 'yung takot na gawin ang 'di tamang bagay na ito.

Hindi ko namalayan na apat na lang pala sila ngayon na nakatayo sa paligid ni Lucas. Napatingin ako do'n sa dalawang kaibigan ni Daniel na nakaupo na ngayon sa sahig habang hawak-hawak ang mga braso nila.

"Girls, anong gagawin natin?? Hindi pwedeng tumunganga lang tayo rito!!" Narinig kong sigaw ni Rachel habang pinipigilan ang pag-iyak.

Napatingin naman ako sa may entrada ng Sports Hall pero kumakalabog na ito ngayon. Marahil ay narinig ng mga estudyanteng infected sa labas na may mga tao dito sa loob.

Napasuyod na lang ako sa buhok ko habang nag-iisip ng posibleng paraan para makatulong kami sa mga lalaki.

"May spray ba kayo ng alcohol o pabango sa mga bag niyo??" tanong ko sa kanila habang tinataktak ko ang mga laman ng sling bag ko. Naghahanap ako ng posibleng magamit pantulong kina David.

Umiling si Rachel. "Hindi ako nagdadala ng pabango sa school eh," aniya.

"Eh kutsilyo?"

"Mas lalo na!" natatawang sambit ni Rachel. Napatampal naman ako sa noo ko nang marealize ang tanong ko.

Sin Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon