Chapter Twenty-five

Comenzar desde el principio
                                    

'Boses ni ami iyon, e. Malambing na maganda. Siya lang ang meron non kaya alam kong boses niya iyon. Ami? Nandiyan ka pa ba? Bisitahin mo ako ha? Hihintayin kita? Magtatampo ako... kapag hindi ka nagpunta...'  parang batang anas nito sa kabilang linya at habang patapos magslaita ay pahina ng pahina ang boses na imbis na ikinabungisngis ay napakunot ang noo ko dahil sa pag-aalala.

'Seven! Naku! ayan na nga ba ang sinasabi ko, e.' rinig kong ang-aalalang sigaw ni Lola esme sa kabilang linya na ikinalakas ng kagabig ng puso ko.

“'La? Ano pong nangyari? Bakit kayo sumigaw?” nag-aalalang tanong ko na rinig ikinabuntong hninga niya.

'Nawalan lang siya ng malay, ami. Sobrang taas ng lagnat niya, e. Pinilit pa kasing bumangon. Mamaya na lang Amethyst, aasikasuhin ko muna ang damulg kong apo. Bye!' anito sabay patay ng linya.

“Lol—”

Napabuntong hininga na lang ako matapos maputol ang tawag. Ni hindi ko man lang natulungan si Lola esme. Bakit ba kasi may pasok pa ngayon, e.

Hindi naman ako pwedeng lumiban sa klase dahil magagalit sa akin si Lola esme at lalong-lalo na si Seven.

Mamaya na nga lang ako pupunta sa kanila kapag tapos na'ng pasok ko. Magiintindi muna ako ng sarili para makapasok na rin.

Dali-dali akong umahon sa sahig at nagtungo sa baniyo para mag-ayos na. Papasok pa ako, e.


HABANG nag-lalakad ako kanina papasok sa school ng mag-isa ay hindi ko maiwasang hindi malungkot. Hindi kasi ako sanay na pumapasok sa school ng mag-isa at walang Seven na kumukulit sa akin. Nasanay ako na siya ang laging bumubungad sa akin tuwing umaga at siya ang huling makakasama ko bago matapos ang araw. Ngayon ay hindi mangyayari iyon dahil may sakit siya.

Bigla akong nilukob ng guilt dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya nilagnat, which is kasalanan ko naman talaga. Tapos umuwi pa siya ng parang may tampo sa akin.

“Huy, Amethyst?! Pasahan na ng papel.” pasuwit sa akin ng kung sino na ikina-balik ko sa ulirat.

Napapkurap-kurap akong tumingin sa kung saan nanggaling ang boses na iyon at tumambad sa akin si Nadia habang kunot noo itong nakatingin sa akin. Halata rin ang pag-aalala sa muka niya.

“H-ha?” lutang na tanong ko na ikinabu tong-hininga niya bago kuhanin sa kamay ko ang papel na hawak ko kanina pa.

Pinanood ko siyang i-abot iyon sa kaklase naming ngayon ko lang napansing nakatayo pala sa gilid ko habang may hawak na isang tumpon ng papel sa kamay.

“Heto na ang papel niya.” usal ni Nadia at inilapit rito nag papel ko.

Nakita ko kung paano niya samaan ng tingin ang papel ko bago siya bumaling sa akin. Masama pa rin ang tingin niya pero hindi ako umiik.

“Stop being a nuisance. Ang aga pa nananaginip ka na. Istorbo.” may bahid sa inis na sambit nito at padabog na dinampot ang papel sa kamay ni Nadia.

Inis itong tumingin sa akin na ikinatas ng kilay ko. Napamaang na lang ako matapos niya akong irapan bago niya ako talikuran.

“Ang sama talaga ng ugali ng Fiona na iyon. Nakakagigil siya.” inis na sabi ni Nadia sa tabi ko na bumasag sa katahimikan.

Napabuntonghininga na lang ako dahil sa sinabi niya. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin kapag may babaeng mataray at maldita sa akin, e. May gusto sila kay Seven at dahil ako ang bestfriend at laging kasama, nagseselos ang mga iyon.

“Huy, tulaleys ka nanaman diyan.  Hindi mo man lang ba tataryan pabalik ang malditang iyon?” rinig kong saad pa ni Nadia sabay bunggo sa balikat ko.

Matamlay ko siyang tiningnan at inilingan. Bago ipatong ang dalawang braso ko sa mesa at ipatong doon ang ulo ko habang nakatingin sa kaniya.

“Wala ako sa mood makipag-away ngayon. Next time na lang siguro.” sagot ko na ikina-iling ng ulo niya.

“Ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na matamlay ka, ah?” may pag-aalala sa boses na tanong nito na tinanguan ko lang.

“Ayos lang ako, nads.” simpleng sagot ko sa kaniya.

“Wala lang si Seven ngayon nawalan ka na rin ng energy. Ano iyon, lowbat ka kase absent ang nagbibigay sayo ng enerhiya?” eksaheradang sambit niya na ikinan-guso ko bago mapabuntong hininga.

“I feel guilty, Nads.” puno ng frustration ang boses na sambit ko na ikina-taas naman ng kilay niya.

Humugot ako ng malalim na hininga dahil sa reaksiyon niya. Hindi niya nga pala alam kung bakit nilagnat si Seven.

“Spill the tea, Amethyst. Wala akong alam, e. ” pang-eengganiyo niya sa akin bago pumangalumbaba sa lamesa.

“Pakiramdam ko kasi kasalanan ko na nagkasakit siya. Naghatid kasi siya ng cookies sa bahay at naulanan dahil don.” paliwanang ko na ikinabilog naman ng labi niya...

“Hindi mo naman kasalanan iyon.” iling niya. “ Nag-hatid siya ng cookies on his own free will na pwede naman niyang gawin kinabukasan non pero ginawa niya pa rin. No need to feel guilty, sigurado naman akong hindi ka sinisisi ni Seven.” mahabang usal pa nito na ikinatulala ko saglit sa kawalan bago frustrated na isuksok ang muka ko sa braso ko.

“Argh! Hindi ko na alam Nads. Nag-aalala talaga ako sa kaniya pati na kay Lola esme. Siguro hirap na hirap na itong magbenta sa bakery habang inaalagaan si Seven.” napapabuntong-hiningang ani ko at napakagat na lang sa ibabang labi.

“Bisitahin mo na lang mamayang uwian.” aniya sabay patong ng kamay sa balikat ko na ikinatingin ko sa kaniya.

Nang magsalubong ang tingin namin ay nakangiti siya pero kapag kuwan ay pilya siyang ngumiti sa akin.

“Teka, bakit 'di ka na lang mag-half day ngayon para mabisita mo siya at maalagaan? Tutal wala namang importanteng gagawin ngayon.” suhestiyon nito at napapalakpak pa dahil sa naisip bago mapahagikgik.

“Tama! Pwede mong gawin yon. Igagawa na lang kita ng excuse.” tumataas baba ang kilay na ani pa nito bago ako tiningnan ng diretsyo sa mata. “Ano, game ka ba?” tanong pa nito sa akin habang nakangiti at naghihintay sa sagot ko.

Napatanga lang ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon.

“Baka mapahamak pa ako sa naisip mo, e. Mamayang uwian na lan—

“Kung na-gi-guilty ka, chance mo na iyon. Maalagaan mo siya at matutulungan mo pa ang lola niya. It's like hitting  two birds with one stone. ” makabuluhang ani niya na ikinatahimik ko saglit.

“Sige na nga. Basta siguraduhin mo lang na gawan ako ng excuse, ah?” pagbigay ko na ikinapalakpak naman niya sa tuwa bago siya mag thumbs-up sa akin.

“Akong bahala, don't 'cha worry my friend.” saad niya at presko akong tinanguan na ikinangiti ko naman.

“Thank you, nads.” nakangiting ani ko sa kaniya na ikina-iling naman ng ulo nito bago ako ngitian pabalik.

“Walang ano man iyon, Amethyst. Maliit na bagay.” kindat niya sa akin na ikinatawa ko naman ng mahina.

“Ay, hayan na si Ma'am Marquez. Tumayo ka na riyan.” mabilis na nas nito na ikinabangon ko sa pagkakadukdok at mabilis umayos ng upo saktong pagkapasok ni Ma'am Marquez.

Strikta pa naman ang isang 'to. Kahit papaano ay nakampante ako dahil mabibisita ko si Seven mamaya.

Bibilhan ko na lang siya ng paborito niyang banana milk para hindi siya magalit sa akin na nag-half day ako para bisitahin siya. Sigurado naman ako na hindi makakatanggi iyon dahil may panuhol ako, e. Hihihi

Napangiti na lang ako sa isipin bago ituon ang atensiyon sa klase.

I can't wait to to visit him.


Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora