Kahit mahirap pinilit kong wag makinig sa sinasabi ni Calvin. Itinuon ko ang pansin sa tibok nang puso ng lalakeng yakap yakap ko. "I loathe her." Huling mga salitang narinig ko kay Calvin. Wala na akong naririnig pa bukod sa pabilis na pagtibok ng puso ni Harry.

Oo, amoy palang alam kong si Harry ang taong nakayakap ngayon sa akin. Sa bilis nito para itong nakisali sa isang fun run.

"Hindi mo kailangang masaktan dahil lang sa lalakeng yan. You are a precious gem na dapat iniingatan lagi. Alam kung hindi sapat ang mahigpit kong yakap para alisin ang sakit na nararamdaman mo ngayon pero hayaan mo sana akong gawin ito kahit saglit lang."

Harry, bakit ang bait mo sa akin? Bakit ka ba ganito sa akin? Sino ka ba talaga. Simpleng tao ka lang ba na may malasakit sa kapwa kaya mo ito ginagawa?

"Can you take me far away?"

"Of course my princess." Hindi ako nagreklamo nang maramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. "Pipilitin kong alisin ang sakit." Nagpatangay na lamang ako sa paghila niya.

Habang naglalakad, nakatingin lamang ako sa mga kamay naming magkahawak. Mahigpit ito na tila ba ayaw niya akong pakawalan. Marami naring ibang estudyante ang nakapalibot sa campus at rinig ko ang mga sinasabi nila.

"Balita ko may isang lalake ang nanakit kay Suzy doon sa field. Sinisigawan daw nito ang ating prinsesa."

"Balita ko din na yung lalakeng iyon ay ang future husband daw ni Suzy. "

"Bakit hawak kamay sila ni Harry? May relasyon ba sila?"

"Sila na ba?"

"Bakit parang umiyak ang prinsesa natin?"

Hindi ako nagtaas nang tingin, wala din akong pinansin kahit na isang estudyante lalo na yung mga nagtatanong sa akin kung okay lang daw ako?

I will never be okay. Siguro nga mamaya ngingiti na naman ako pero sa loob ko sobrang wasak na ito noon pa.

"Upo ka." Pinagmasdan ko ang paligid ng huminto kaming dalawa sa paglalakad. Nandito kami ngayon sa mini forest ng campus. Prohibited ang lugar na'to. Tanging mga school faculties at kaming tatlo nina Thea at Dafnie ang pwedeng pumasok.

Umupo ako sa may bench at tinitigan si Harry. "Paano ka nakapasok sa lugar na'to?"

"Tamang timing lang, kapag walang bantay sa'ka ako pumapasok. Masarap magbasa ng libro dito. Maraming puno at masarap ang hangin. Pwedeng pwede para mag senti." At umupo din ito sa tabi ko.

"Can you please tell me who is that guy?"

"He is Calvin Santos, magkaibigan ang mga magulang namin kaya naipagkasundo kaming dalawa. Alam mo naman ang mga mayayaman gagawin ang lahat para mas dumami ang pera."

"May I ask kung bakit dika umatras sa plano ng mga magulang mo?"

"I can't, utang ko ang buhay ko sa kanila. Wala akong karapatan para sumuway."

"Aside from that, do you have any other reasons kaya di ka nag back out sa arrange marriage na'yan?"

Isang rason lang naman.

Don't Break My Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now