Ang unang liham

660 32 6
                                    

Matagal ko ding pinag-isipan kung bubuksan ko ba itong mga sulat na binigay saakin ni Sister Beth.

Walang galit na natanim sa aking puso simula ng umalis ako sa lugar namin na ito, pero may mga alaala na masakit pa ring sariwain. At isa ito sa mga alaala na iyon. Pero tatlong sulat lang naman, wala naman sigurong mawawala sa akin kung babasahin ko ito, hindi ba? Matagal na naman siyang nawala mula sa akin.

Ngunit nagdadalawang isip pa rin ako kung babasahin ko pa ba ang mga ito. Natatakot ako na baka mamaya mas bumalik ang mga alaalang matagal ko ng kinalimutan, at baka sa pagkakataong ito mahirapan na kong bumangon ulit mula sa pangungulila sa kaniya.


"Daimon?" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Maddie?" May halong pagtataka kong sabi.

"Daimon, ikaw nga! Long time no see," sabi niya habang papalapit sa akin.

"Oo nga." Ngiti kong ganti sa kaniya.

"Kelan ka pa nakabalik?"

"Noong isang linggo pa."

"Ahh, matagal na din pala. So, how are you? Balita ko maganda daw buhay mo sa Canada ah."

"Okay lang naman, hindi naman. Tama lang para mabigyan ng marangyang buhay sila nanay."

"Hanggang ngayon humble pa din? Wala naman atang nagbago sa'yo," wika niya sabay tawa.

"Ikaw? Kayo ni Tita? Kamusta na kayo?"

"Ayun si mother dear, nasa Macau na kasama si Daddy. Ako, eto kakauwi ko lang galing Singapore. Doon na kasi ako nakatira."

"Okay na ba si tita?"

"Sinasabi niya lang na okay siya pero hindi naman talaga, kahit naman ako e. That's why we left Philippines."

"Pasensya na--"

"Hindi mo naman kasalanan. Desisyon niya din naman na hindi ipaalam sayo. Ako na din ang humihingi ng dispensa sa mga nagawa niya sayo at sa pag gawa nya ng malaking gulo. Lahat naman tayo hindi inaasahan na mangyari yun. Kahit kami, hindi namin alam. Pangarap niya na kasal--"

"Huwag na lang natin sigurong pag-usapan 'yon."

"Ay! Sa'n ka pala pupunta?"

"Pupunta sana ako sa kumbento."

"O, anong gagawin mo naman doon?"

"Bibisitahin ko lang sila Sister Beth."

"Ah akala ko mag-aampon ka na e. Teka! Nag asawa ka na ba?"

"Mag-aampon nga, at wala pa akong asawa."

"Ikaw na! Teka! Bakit ka pala mag-aampon?"

"Gusto ko lang tuparin yung pangako namin noon."

"Parang nasabi na niya sakin noon 'yon. Pati sabagay, ang alam ko kasi hindi s'ya pwedeng mag-anak kaya siguro mas gugustuhin niyang mag-ampon na lang." Siguro isa yun sa mga rason kaya niya ako iniwan. Biglang bumagsak ang balikat ko. Parang bumalik na naman yung pasanin na yun.

"Hoy! Wag ka ngang mag isip ng kung anu-ano. Hindi naman iyon ang dahilan kaya hindi nag work out yung kung anung meron kayo."

"Ah oo, di naman siguro iyon yung dahilan."

"Naku, anong oras na, as much as I want to catch up with you, I can't. May pupuntahan pa kasi ako na importante."

"Ah sige."

"Mag usap na lang tayo sa ibang araw ha. Sigee, bye, Daimon."

Tinitigan ko siyang palayo mula sa akin, kamukhang kamukha niya talaga ang kapatid niya. Kung hindi lang nakapinta sa aking memorya ang mukha niya, baka napagkamalan ko pa ang kapatid niya na siya.

Ang mga liham na iniwan niya (The Letters that She Left Behind)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon