5 : NIGHT CAMPING

0 0 0
                                    

Nakarating na kami sa sinasabi nilang place, the boys were the ones who arranged the things while kaming tatlong babae naman ay nakaupo sa isang mat habang nagpapainit sa bonfire na ginawa namin kanina. I was reading a book again habang ang dalawa ay nag kkwentuhan lang ng kung ano ano. Hindi ba sila nagsasawa sa mga paulit-ulit nilang mga chika?

"Hanggang gabi ba naman nagbabasa ka pa rin?" Nagulantang ako nang biglang lumitaw sa likuran ko si Alex. Ipinatong nito ang kanyang braso sa likuran ng upuan na inuupuan ko. Bumuntong hininga ako sabay pagsara sa libro.

"Bakit ba?" pagsusungit ko dahilan para magulat siya.

"Ayan kasi, ayaw pa naman niyan inoostorbo siya sa pagbabasa niya. Tsupe ka muna kasi, Alex. Hilig mo kasi sumulpot basta basta e," sambit ni Laya saka sinenyasan siya na umalis sa tabi ko. Walang magawa si Alex kundi ang umalis sa likod ko. I just rolled my eyes and continue to read.

"Ang sungit talaga," rinig kong bulong ni Alex sa mga kalalakihan. Akala niya ata hindi matalas tenga ko. "Ganyan mo ba yan nakilala?" tanong niya kay Tobi. Hindi ko na sila pinansin at patuloy lang sa pagbabasa.

Matapos ang ilang minuto ay tumigil ako sa pagbabasa at tinignan sila ni Jacob na nagluluto while the other two girls ay tamang tikim lang sa niluluto ng mga kalalakihan. Tumaas ang kilay ko sa nakikita ko. I didn’t think Tobi knows how to cut the ingredients. Mostly naman kasi sa mga mayayamang lalaki e mga tamad. Buti nalang at magaling din pumili ang dalawang babaita, mga magagaling talaga magluto.

si Kalila at Jacob ay 4 years na sila, while Laya and Adriel naman 2 years palang. Me? wala, oo wala.

Si Tobi at Adriel ang naghihiwa ng mga ingredients while si Jacob and Alex ang nagluluto sa dalawang putahe. Pinatikim ni Jacob kay Kalila ang niluto niya para tikman if okay na pero sa mukha nito ay hindu niya matukoy. Maya-maya ay natanaw ako ni Kalila na nakatitig sa kanila.

"Si Lya, magaling humusga yan e. Marunong din kasi magluto," sambit ni Kalila. Napataas tuloy kilay ko bigla. Lahat naman sila ay nakatingin sa akin, kita ko ring nakatingin sa akin na nakangiti si Laya. Tinaas taas pa nito ang kanyang mga kilay.

Tumayo nalang ako saka inilapag sa maliit na mesa ang aking libro saka ako tumungo kila Jacob at tinikman ang luto niya. "Konting asin pa," sambit ko sa iniluto niya.

"Etong akin?" tanong sa akin ni Alex. Agad naman akong tumungo kay Alex at tinikman ang luto niya.

"Kulang pa sa luto gulay mo, and look oh yung baboy mo hindi pa gaanong luto, halatang-halata," paghusga ko sa niluluto niya.

"Ha? luto na yan kakatikim ko lang e," sambit niya at tumikim ng pagkaing niluluto niya. "Oh, diba," dagdag pa niya.

"Sa akin din e, feeling ko nga sumobra onti ng alat," pag defend naman ni Jacob sa niluto niya.

"Joke lang, all goods na yan. Masyado kayong defensive," sambit ko at tumabi sa tatlong babae. Yung dalawa naman ay sinamaan lang ako ng tingin while sina Tobi and Adriel ay palihim lang na natatawa.

Sabay-sabay na kaming kumakain habang nag k-kwentuhan. Tahimik at nakikinig lang ako sa mga pinagsasabi nila nang biglang magsalita si Tobi. "Kanina ka pa tahimik."

Lumingon ako sa kanya at tinignan lang siya pero hindi ko siya sinagot. Hindi naman nakatuon yung pansin ng iba sa aming dalawa dahil busy sila sa kanya-kanya nilang kwento at mga gawa. Maya-maya ay natapos na rin ako sa pagkain.

Tumayo ako naging dahilan para sa akin mapunta ang tingin ng lahat. "Mauuna na muna ako," saad ko lang sabay tapon ng paper plate sa basurahan.

"Matutulog ka na?" tanong sa akin ni Aya at umiling ako bilang sagot. "Dito ka muna kaya," she added then pouted.

"I can’t, I still have things to do. Makipag bonding nalang—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng hawakan bigla ni Tobi ang wrist ko saka ako hinila pabalik sa kinauupuan ko kanina.

"Walang aalis dito, moments natin to e," sambit niya at sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo ako madadala sa ganyan," natatawang sambit niya.

"Ano pa bang gagawin dito? I don’t have any stories to tell," sagot ko sa kanila at ngumiti naman ng nakakaloka si Kalila.

"Let’s play a game!" sambit niya saka kumuha ng kung ano sa bag niya. "Sakto rin kasi dala ko to, uno cards, charan!" masayang bati niya.

"Uy, mukhang maganda yan ah," sambit naman ni Alex at saka kinuha ang mga cards. "Lagyan natin ng twist, ang matalo sa uno ay kailangan tanggapin ang tatlong dare na ibibigay ng unang manlalaro na matapos sa uno, game?" dagdag pa niya at sumang-ayon naman ang lahat. Ano pa nga bang gagawin ko?

Naglaro na kami at lumipas na ang ilang minuto, marunong naman akong maglaro bakit pakiramdam ko minamalas ako sa larong ito ngayon?

"Okay, uno!" sigaw bigla ni Kalila. Tapos na agad siya!? Bakit hindi ko napansin, galing ah.

Patuloy lang kami sa paglalaro hanggang maya-maya ay natapos din ako sa wakas. Buti nalang talaga wala pa naman akong balak na sundin dare nila kung sakali.

Ang naglalaban nalang ay sina Tobi at Adriel kung titignan sa cards nila ay mukha talo si Tobi. Sa dami ba naman ng cards niya talagang matatalo siya.

"Okay, you lose!" asar na saad ni Alex habang tinuturo si Tobi. Gusto man batukan ni Tobi si Alex ay hindi niya magawa dahil nagawang lumayo ni Alex sa kanya. "Dare mo na yan, Kalila."

"May araw ka rin sa akin," pagbabanta ni Tobi sa kanya pero mas lalo lang siyang inaasar ni Alex dahilan para mainis si Tobi. Tumingin naman agad si Tobi sa akin then sumunod kay Kalila. I tilted my head slightly dahil nakakapag taka kasi ang tingin niya sa akin.

Tinignan ko si Kalila na nagtatakang tumingin kay Tobi pero kalaunan ay bigla na lamang itong ngumisi dahilan para kabahan ako. Ano naman kayang balak nilang dalawa? Huwag nilang sabihin na ako target nila??

"First dare!" dagdag pa niya, "Act like a boyfriend kay Lya!"

Bro, wtf did she just said!?

La Douleur Exquise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon