1: WHO IS THIS GUY?

4 2 0
                                    

Me and my friends were hanging out in a beach. Nag decide kami mag stay here sa isang vacation house na pagmamay-ari ng parents ng kaibigan ko for two months, I’m glad my parents agreed. Isang linggo na ata kami rito and all I did was reading books I bought few days ago.

I closed the book and decided to take a walk. Wala ang dalawq kong mga kaibigan sa kadahilanang nais nila uminom sa isang malapit na bar. I don’t drink kaya nagpaiwan lang ako. It’s 6 o’clock in the evening kaya medyo madilim na ang paligid at langhap at ramdam mo ang lamig ng simoy ng hangin.

I shivered as the air touches my skin, it’s good na dinala ko ang shawl ko para alalay sa akin sa lamig. Habang naglalakad ay rinig ko ang ingay mula sa bar na malapit sa kinatatayuan ko. Nakita ko naman kung gaano kasaya ang mga kaibigan ko. Kasama rin pala ni Kalila ang boyfriend niya kaya safe lang din sila.

Umupo ako sa mga buhangin at dinamdam lang ang ingay ng mga alon kasabay ng pagdaloy ng hangin. Nasisilayan ko rin rito kung gaano kaganda ang buwan, ang mga butuin na kumikinang sa kalangitan at ang pagtama ng tubig dagat sa aking mga paa.

It helps me ease my mind, napaka peaceful at napapakalma ako nito sa tuwing sinisilayan ang magandang tanawin kasabay ng pagkinig sa pagbagsak ng mga alon sa dalampasigan. "Kung pwede lang ma mamalagi rito ay gagawin ko," i talk to myself habang nakatingin sa kawalan.

Maya-maya ay may lumapit sa aking lalaki at umupo ito sa tabi ko. Hindi ako pinapansin nito at hindi ko rin siya pinapansin, parehas lang kami nakatingin sa kawalan at pinapakinggan ang pagbagsak ng mga alon.

Lumipas ang isang oras ay nagsalita ito dahilan mapalingon ako sa gawi niya. I can’t see his face clearly but I can tell he’s a man based on his figure and body shape. "When you don’t know what to feel or if you feel something’s heavy in your chest, masarap kumausap sa mga alon." Mga salitang binanggit niya.

Alam kong kinakausap niya ako kaya napabuntong hininga ako ng mahinahon. Umabot ng ilang segundo bago ako magsalita. "Yeah, you’re right," I answered.

I heard him chuckled for a bit. "Life is so mean," he added. Napayuko ako habang yakap-yakap ang aking mga tuhod.

"Yeah," tanging sagot ko lamang habang nakatitig sa mga buhangin. May nakiya akong maliit na kahoy at kinuha ito para paglaruan ang buhangin. Dumaan muli ang ilang minuto bago siya nagsalita.

"Dito ka ba nakatira?" he asks. Umiling ako ng konti bago magsalita.

"No, nagbabakasyon lang. How about you?" ako naman ngayon ang nagtanong.

"Same, we live in a small house out there. Malapit lang dito sa dagat, kasama mga pinsan ko," sagot naman niya. "Ikaw? sino mga kasama mo rito sa bakasyon?" dagdag pa niya.

"I am with my friends, nasa bar sila kaya hindi ko sila kasama right now," sagot ko sa kanya. Napatingin naman ito sa hawak-hawak kong libro dahilan para mapatingin din ako.

"You love reading books?" Tumango ako sa kanyang tanong. "That’s great, bihira nalang nagbabasa ng libro ngayon dahil laganap na ang social media," dagdag pa niya.

"Ikaw ba?" tanong ko pabalik sa kanya.

"I don’t like reading books, into online games lang ako. Ayan ang hobby ko, naglalaro ako if I have free time or if I am not in the mood, or kung gusto kong maglabas ng sama ng loob," sagot niya sa akin.

Nag kwento lang siya sa akin ng kung ano-ano habang ako ay nakikinig. Masayahin siyang tao at sa bawat kwento niya ay pareho nalang kaming natatawa, pati ako ay napapa kwento na lang din. Nagbibigayan kami ng jokes sa isa’t isa dahilan para marinig ang halakhakan naming dalawa. I feel so comfortable with this guy. I wonder what’s his name?

"Alam mo ba na may kwento kwento tungkol sa isang maliit na isla sa hindi kalayuan mula sa kinauupuan natin?" tanong niya. Isla? gusto ko na agad malaman kung anong mayroon sa isalang ‘yon.

"No, weeks palang akong naandito at hindi naman naikwento sa akin ng kaibigan ko," sagot ko sa kanya. "Tungkol saan ba iyon?" dagdag ko pa.

"May sabi-sabi kasing may dalawang mag irog, you know magkasintahan or magka relasyon na nagtagpo sa islang iyon ngunit hindi pa man nila mahawakan ang isa’t isa ay pin*tay na sila parehas. At sa huling minuto o segundo ng kanilang buhay at pinilit nilang mamahinga sa isa’t isa. Sa huling pagkakataon ay nais nilang magpahinga sa kanilang mga braso," dagdag pa niya, "inilibing sila pareho sa islang yun matapos iyon dahil kahit anong gawin ng tao ay hindi sila maipaghihiwalay at nakatadhana na talaga sila."

Nakinig lamang ako sa kanyang mga sinasabi. It’s a beautiful tale to listen. "May puno sa puntod nila, at iyon ay pinaniniwalaan ng mga taga rito na sacred ang punong iyon. Sinumang magkasintahang uukit ng kanilang mga pangalan ay habangbuhay na magsasama," sambit niya ulit.

"It looks like a romantic story yet tragic," mahinanong sambit ko.

"Yeah, isa yan sa pinaka gustuhang kwento ng aking namayapang lola nakaraang buwan na ang nakalipas," mahinahon niya ring sagot.

"I didn’t mean to open the topic, I’m sorry," sambit ko nalang saka tinuon ang atensyon sa kanya. Baka kasi ang lola niya ang dahilan bakit siya nalulungkot ngayon. Tumawa lamang siya ng mahina at saka ito nagsalita.

"Anyway, malalim na ang gabi. I guess need mo ng umuwi, it’s already 10 in the evening," sambit niya at saka ito tumayo. I hope he’s okat, I feel so sorry about it.

Tumayo na rin ako at iwinaksi ang buhangin sa aking katawan na nakadikit. "Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo? Baka mapaano ka pa," dagdag niya pa.

I waved my hands, a sign na hindi na kailangan. "I can handle myself, thank you," sambit ko ng may ngiti.

"You sure? delikado na rin kasi gabi na," pagpumilit niya.

"No, I am fine. Malapit lang naman din kasi ilang lakad lang," sagot ko pa at tumango tango nalang siya bilang pagsang-ayon. Panigurado kasi ay andoon na ang mga kaibigan ko at baka kapag ihahatid niya pa ako ay magkaroon pa ng malaking issue.

"I guess, it’s a goodbye na?" sambit nito kaya ngumiti ako.

"Yes, thank you for accompanying me. I had fun, Mr." sagot ko sa kanya at saka tuluyan ng naglakad palayo sa kanya. Nang makarating ako sa vacation house namin ay napahinto ako bigla dahil nakaligtaan kong itanong ang kanyang pangalan. Lumingon ako pabalik ngunit nakita kong malayo na ito sa kinauupuan namin at kung tatakbuhin ko man ay hindi na kaya.

"Hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya," sambit ko ng may lungkot sa aking labi. Umiling-iling ako at saka sinampal-sampal ang aking matabang pisngi. "De bale na, makikita ko pa naman siguro siya bukas," dagdag kong sabi sa aking sarili.

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now