3: TOBI

4 2 0
                                    

"Ah, siya yung na kwento mo sa amin," sambit naman ng isa pang lalaking kasama namin. I don’t know their name yet.

"Yes," sagot niya at tumawa saka ito tumingin sa akin. "I am Tobi, Tobi Salazar. Nice to meet you, miss?" dagdag pa niya at inabot sa akin ang kanyang kamay para makipag handshake.

Tinititigan ko muna ito bago tanggapin ang kamay niya. "Lyanna, Lyanna Crosswell," sagot ko at agad ding kinuha ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Woah, Crosswell? Ikaw ba ang anak nung famous lawyer na si Mr. Crosswell? That’s kinda cool," sambit ng isa pang lalaki. "By the way, I am Alex Samon," dagdag pa niya at nag wave lang ng kamay niya. Samon? Familiar ang surname niya sa akin.

Ngumiti ako at nagsalita. "Nice to meet you both."

Napalingon naman kaming tatlo nang tawagin kami nila Kalila na magmadali na sa pag-alis. Dalawang sasakyan ang nakaparada sa harapan ko, kay Jacob ang isa at ang isa naman ay baka kay Tobi or kay Alex.

"Dito na kaming tatlo sa sasakyan ni Jacob, tatlo naman kayo sa sasakyan ni Tobi," sambit ni Laya saka binuksan ni Jacob ang pintuan ng sasakyan. Agarang pumasok si Kalila at sumunod si Laya.

"Ako drive pre, ah?" sambit ni Adriel at binigay naman ni Tobi ang kanyang susi sa kanya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng lalaki.

Agad na rin akong sumunod pumasok sa sasakyan. Napansin kong nakaupo si Kalila dito sa tabi namin kaya itinanong ko siya. "Ayaw mo umupo sa harap?"

"Bakit? Ayaw mo na ba akong makasamang umupo kasama niyo?" sagot ni Kalila na nakanguso. Itong babaeng ‘to talaga.

"Naitanong ko lang, ito naman," sagot ko rin sa katanungan niya.

Nagsimula nang mag drive si Jacob at sinundan naman siya ng sasakyan ni Tobi na si Adriel ang nagmamaneho. Nais ko sanang itanong kung saan kami pupunta pero para masurpresa raw ako kaya hindi na nila sinabi. Huwag sana nila akong idala sa lugar na hindi ko gusto. Well, hindi naman ganyan ang mga kaibigan ko. Kilalang-kilala nila ako kung anong ayaw at gusto ko.

Makaraan ang ilang oras na biyahe ay namangha ako nang matanaw ko ang magandang tanawin sa may bintana nang huminto sa pag drive si Jacob. Makikita rito ang tanawin ng mga bundok at ang walang katapusang tanawin ng karagatan. Mas gaganda ang tanawin mamaya sa oras na lumubog ang araw.

Binuksan na ni Jacob ang pintuan ng sasakyan, nakita ko rin sa tabi namin na nakaparada ang sasakyan ni Tobi at isa-isa na silang nagsibabaan.

Matatanaw sa harapan namin ang isang maliit na bahay kubo. Napalingon naman kami sa kanang gawi namin nang marinig naming may naglalakad papunta sa amin. Isang lalaking medyo may katandaan na rin, I think he’s in his 40s na.

"Uncle," sambit ni Tobi at saka ito tumingin sa amin. "Si Jacob nga pala saka yun gf niya and mga friends niya," dagdag pa niya saka kami kumaway at ngumiti sa kanya.

"Ngayon ka lang ba nakauwi rito, Jacob?" tanong niya.

"No Uncle, kahapon pa," sagot niya sa uncle niya. Maya-maya pa ay inaya kaming pumasok sa loob ng bahay kubo niya. Ako naman ay nagpaiwan sa labas dahil nais kong pagmasdan ang tanawin na gustong gusto kong titigan mula pa kanina. Pinagbigyan naman nila ako kaya nginitian ko sila saka ako umalis at naghanap agad ng maganda lugar para umupo at pagmasdan ang tanawin.

Hindi ko namalayang sumunod pala sa akin si Tobi at tumabi ito sa akin. "May magandang lugar para mas makita mo ang ganda ng tanawin dito sa itaas, mamaya ah i t-tour ko kayong lahat doon," biglaang saad niya matapos niyang umupo. Naka-angat ang kaliwang paa niya saka ipinatong ang kanyang siko rito.

"Ang hilig mong sumulpot, ano?" Tumawa lamang siya sa sinabi ko kaya ngumiti nalang ako. "Coincidence ba ‘to or baka nakatadhanang magkita ulit tayo?" dagdag pa niya.

I shrugged my shoulders and speaks. "Who knows?" Nanlaki naman ang mga mata ko nang sabihib yun dahil na realized kong may ibang meaning pa ang pwede kong maibigay sa kanya. Aish.

Tinawanan lang ako ng bruho kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Tatanungin ko palang kasi pangalan mo nun kaso bigla ka namang umalis kaya hindi na ako nagkaroon ng opportunity para tanungin ka," dagdag niyang muli.

"Nagmamadali na rin kasi ako nun, nilalamig na ako kaya gusto ko na rin umuwi agad," pagsisinungaling ko. Tumango tango naman ito matapos kong magsalita.

"May boyfriend ka ba?" Nagulantang naman ako nang maitanong niya sa akin yun. Tumagal din ng ilang segundo bago ko sagutin ang katanungan niya.

"Wala, may binabalak ka ba?" tanong ko rito. Tumawa naman ito bago magsalita.

"Naitanong ko lang naman," sagot niya. Sus, mga galawan niyo alam na alam ko. May lalaking bang magtatanong ng ganoon dahil lang sa gusto nilang magtanong? Well, it’s not bad din naman. Tobi is kind and may sense of humor din siya, mukha lang.

"Ikaw ba?" tanong ko pabalik dito.

"Wala, but may naging ex ako. We broke up 3 years ago." Napa wow naman ako sa sagot niya nang malaman kong 3 years na siyang single, like for real?

"That’s too long, do you still love her?" Pagtanong ko sa kanya.

"No, I don’ love her anymore. May bago na siya and sadyang pinili ko lang muna ang sarili ko after ng breakup namin kaya single ako for 3 years," sagot niya at tumango-tango lamang ako. "How about you?"

"Well, may ex din naman ako and we broke up 6 months ago," sagot ko sa kanya. Yes, bago lang din but naka move on na rin agad ako doon after 3 months, I fell out of love because of his toxicity and I decided to leave him nalang. I can’t bear staying in a relationship na hindi ako nabibigyan ng peace of mind because I know love is patient, kind and peaceful. Just like my parents relationship.

"Bago lang pala," tanging sagot niya.

"Why we’re talking about it anyway, past is past," biglaang sambit ko kaya napatawa na lamang siya.

"Anyway, free ka ba this saturday?" tanong niya sa akin. Tatlong araw mula ngayon, well, free naman talaga ako araw-araw and wala akong ginagawa.

Should I give him a try? I don’t know what to answer kasi there’s something in me na gusto kong tanggapin ang aya niya but I’m afraid to accept it.

"I just want to ask you for a friendly date," dagdag niya pa. Nginitian ko na muna siya bago ako sumagot.

"Sure, pwede naman."

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now