2: IT WAS HIM

3 2 0
                                    

It’s already 7 in the morning nang magising ako, I listen to the birds singing outside the house. Tingin ko naman ay namalengke na si Aya at nagluluto na sa kusina, she’s our maid since we were kids. Bata palang kami ay siya na ang palagi naming kasamang magkakaibigan. I decided to woke up and fixed my bed.

Pagkabukas ko ay lantaran sa mukha ko ang masayang pagbati ni Laya sa akin. "Goodmorning, Lyanna!" Napangiti ako sa ginawa niya. Bago pa man ako makapag salita ay kinuha niya ang aking braso at ipinulupot ang kamay nito sa braso ko.

"Nagluto si Aya ng longganisa na binili niya rito, look oh tikman mo ang sarap!" masiglang bati niya muli at pinakain sa akin ang kanina pa niyang hawak-hawak na munting piraso ng longganisa. Napa wow naman ako nang malasahan ko ito. Ang sarap nga!

"Nasaan si Kalila?" tanong ko sa kanya.

"Nako, alam mo namang lasinggera yang kaibigan natin. Sinamahan ko nga lang siya kagabi, ikaw kasi bakit ba ayaw mo sumama sa amin? May ipapakilala sana ako sa’yo, pogi beh!" Napangiwi naman ako sa sinaad niya. Dalawa kasi silang nasa healthy relationship na samantalang ako, ewan ko ba. Palagi akong pinagdadamot ng tadhana.

"Wala na akong panahon para diyan, Laya. Pagod na ako sa ganyan, alam mo namang sa lahat ng dumaan sa buhay ko pare-parehas lang sila," medyo inis kong sagot sa kanya.

"Sus, bitter ka na naman. Masyado kang nag fofocus sa magiging career mo," dagdag pa niya, "ah basta, irereto kita doon. Bakit pa kasi gusto mo sumabak sa army? Madali kang mamamatay doon! Saka dahil diyan sa kurso mo e maraming takot na lalaki sayo, mas maangas ka pa sa kanila minsan."

Hinayaan ko nalang siyang tumalak nang tumalak kasi paulit-ulit lang naman pinagsasabi niya. Daig niya pa si mama kung magbunganga e lalo na kung tungkol sa pag-aasawa.

Matapos ang ilang minuto ay dumating na rin si Kalila sa kusina na humihikab pa. Maaga siyang nagising dahil daw sa kaingayan ni Laya, nag asikaso na kami ni Aya ng mga plato at tinulungan ko siyang maghain ng pagkain.

Sama-sama na kaming nagsalo-salong magkakaibigan kasama namin si Aya sa hapag-kainan. Kwentuhan at tawanan lang habang kumakain. Nang matapos ay nag volunteer si Laya na siya na ang maghugas ng pagkain at inaya naman agad ako ni Kalila na gumala mamaya kasama mga nakilala nilang mga bagong kaibigan na pinakilala ng pinsan ng boyfriend ni Kalila.

May vacation house rin pala ang family ng boyfriend ni Kalila rito, si Jacob. Dito sa lugar na ito nagkakilala silang dalawa. Pag-ibig nga naman, kailan nga ba akin? Biro lang.

Naligo’t nagbihis na ako nang pinilit ako ng mga kaibigan kong sumama sa kanila. Balak ko kasing pag-aralan ang RPC na librong naibili ko dahil gusto mag advance study. I am a 2nd Year College student at ang kinuhang program ay BS Criminology. Isang General ang aking kuya and si papa naman ay lawyer. Balak kong pumasok sa NBI at mag aral ng law after. Si mama naman ay isang Doctor at may pinagmamay-aring malaking hospital sa City.

Well, I can say na magarbong buhay talaga ang meron ako because of my family. But, gusto kong marating ang gusto ko na sa sariling pagod at hirap.

Alas dos na ng hapon at bigla na lamang tumunog ang bell hudyat na andito na si Jacob kasama mga kasama niya. Sa pagkaka alam ko kasama rin ni Jacob si Adriel, ang bf ni Laya kasama ang pinsan niya at isa pa niyang kakilala na taga rito lang. Seriously? bakit pakiramdam ko ay irereto lang ako ng mga kaibigan ko sa isa mga kasama nila Jacob at Adriel?

Si Aya na ang nagbukas ng pinto at masaya niyang binati ang apat na kalalakihan. Nasa kusina lamang ako at kinakain ang donuts na nabili ni Aya kanina lang at sinamahan ko na rin ng hot choco. Tanghaling tapat umiinom ng hot choco, hindi ba?

"Lyanna! Where are you? Naandito na sila Jacob," pasigaw na tanong ni Kalila. Natapos ko ng kainin ang pagkain kaya iniligpit ko sa lababo ang pinagkainan ko.

"Ako na maghuhugas diyan, sige na gumayak na kayo," saad ni Aya kaya nginitian ko siya.

"Mag-iingat ka rito Aya, mag-isa ka lang sa bahay. Papuntahin namin si Mang Udoy para samahan ka. Baka kasi gabihin kami e," sabi ko at tumango lang siya.

Pagkarating ko naman sa sala ay nakita ko si Kalila na iniipit ang kanyang buhok. Tinignan ko sila Jacob pati ang dalawa pang kasama nila.

"Uy, naandito na siya. Ano tara na," sambit bigla ni Adriel. Tinignan ko ng mariin ang isang lalaking kasama nila, pamilyar kasi ang tawa nito na para bang narinig ko na. Umiling ako at tahimik na sinundan sila. Nasa likuran lang ako at pinagmamasdan sila.

"Hoy Lyanna, andiyan ka na naman sa likod. Dito ka nga sa gitna namin, hilig mong mag-isa lagi," galit na sambit ni Laya.

"No, I’m fine mauna na kayo," tanging sagot ko. Huminto naman si Kalila saka ako hinatak papunta sa gitna ng dalawa.

"Ano ka ba officer, makipag socialize ka naman kasi," sambit ni Kalila at lumingon sa dalawang kalalakihan na katabi ni Jacob na katabi naman siya ni Kalila. "Oo nga pala, si Lyanna, kaibigan na tinutukoy namin sa inyo kagabi. Hindi kasi mahilig uminom kaya hindi sumama," dagdag pa niya. Talagang dinagdag pa niya yan.

"You seem so familiar, I mean your voice. Have we met before?" biglaang tanong ng katabi ni Jacob. Nagulantang ako nang marinig ko ang boses niya dahil napaka pamilyar nito sa akin. Biglang lakas ng kabog ng dibdib ko. He’s tall, moreno guy, messy hair, maganda ang ngiti niya, may isang dimple sa kanang pisnge niya sa tuwing nagsasalita siya. He’s so handsome.

"No," tipid kong sagot sa kanya. "I guess? You seem so familiar as well," dagdag ko pang muli.

"Yie, what if?" dagdag pa ni Kalila. "What if soulmates niyo ang isa’t isa?"

"That’s not gonna happen, Kalila. That’s bullsh*t," agarang sagot ko kaya napa nguso ito sa lungkot.

"Nagmamaldita ka na naman mareng Lya, tara na nga sa pupuntahan natin," sambit ni Adriel saka tinapik ang balikat ko. Nauna ng maglakad ang dalawa kong mga kaibigan kasama mga boyfriends nila. Naiwan ako sa dalawang lalaki na kasama nila. Napailing nalang ako saka naglakad na rin.

"You’re that woman na kausap ko kagabi sa dalampasigan, right?" biglaang tanong ng lalaki sa akin dahilan para mapalingon ako sa kanya. Siya?

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now