4: WHAT THE HELL

1 0 0
                                    

Nasa loob na kami ng bahay ng uncle nila Tobi and Jacob. Kumakain kami ng manggang hilaw na sinasawsaw sa toyo or inaano sa bagoong. Isa ‘to sa fav kong pagkain kaya naparami rin ang pagkain ko lalo na at masarap ang mangga na pinitas lang ni Sir Alvo.

"Sarap na sarap ka sa mangga ah," patawang banggit ni Sir Alvo. Napatawa nalang din ako habang kumakain.

Si Sir Alvo pala ay isang professor dito sa islang ito. May maliit kasi na college school dito sa isla. Dito na siya nag t-trabaho kahit pa na may nag ooffer sa kanya na malaki aa City at may sariling bahay doon ay mas gusto niyang manatili rito sa isla. Balita ko ay magaling siyang magturo.

"Anong oras tayo pupunta doon? Nakahanda na yung tent maganda mag star gazing doon," masayang sambit ni Laya na parang kinikilig pa sa tuwa. Ako naman ay muntik ng mabilaukan nang marinig yun. "Oo, ayun gagawin natin mamaya. Isang gabi lang naman e, alam kasi namin na hindi ka sasama kaya hindi na namin sinabi," dagdag pa niya. Naknamp*cha.

"Wala akong dalang damit!?" inis na patanong ko sa kanya. Tinapik lang ni Kalila yung balikat ko bago rin siya magsalita.

"Relax, all prepared. Si aya nag prepare ng gamit mo, gusto niya rin kasi na sumama ka sa amin. Puro ka kasi basa ng libro, mag outdoor activities ka rin naman," sambit niya. Outdoor activities? So ang ROTC hindi yung physical activities?

Napabuntong-hininga na lamang ako sa sinabi nila. Ano pa bang magagawa ko e naandito na ako? May magagawa ba kung magalit ako sa ginawa nila? Kumuha nalang ulit ako ng mangga at nilagyan ng bagoong. "Ano bang magagawa ko?" saad ko na siyang kinangiti naman ng dalawa kong kaibigan. Mga pasaway.

Nang dumaring hapon ay nagpasya na kaming umalis sa bahay kubo ni Sir Alvo. May binigay siya sa aming kutkutin na gawa niya raw, banana chips ito. Favorite ko rin ito kaya masaya akong tinanggap ang bigay niya.

"Bagay kayo," sambiy niya bigla sabay turo sa aming dalawa ni Tobi kaya nanlaki mata ko habang turo-turo ang aking sarili. Tumingin naman ako kay Tobi na nakangiti habang pulang-pula ang mukha.

Kinurot ko ito sa tagiliran na siyang pagtawa niya ng mas malakas pa. "Bakit?" natatawa niyang tanong sa akin.

"Uy, ano yan bessy? Nagkausap lang kayo kanina ganyan na agad kayo ka close?" pang-aasar sa akin ni Kalila. Inirapan ko lang siya at tinuon ang atensyon kay si Alvo.

"We’re just friends, Uncle," sagot ko nalang sa kanya. He shrugged his shoulders at Ngumiti.

"Friends lang ba talaga? Kung friends nga lang sa sasakyan ni Tobi ka sumakay," pang-aasar pang muli ni Kalila habang taas baba ang mga kilay nito. What the!?

"Excuse me? We just met yesterday, grabe naman iyon?" sumbat ko naman. Napa awang naman ang bibig ni Laya bago ito magsalita.

"Omg, magkakilala kayo kahapon? Kelan pa?" tanong niya sa akin. Ito na nga ba, mag iinterview na naman ang mga bruha.

"Nagkausap daw sila sa beach kagabi, right?" pagsingit naman ni Alex sa amin sabay tingin kay Tobi.

Napa krus naman ng kamay si Kalila at tinaasan ako ng kilay nito kaya tinaasan ko rin siya ng kilay habang nakatingin sa kanya. "Bakit hindi mo kinuwento sa amin kagabi or kaninang umaga, huh?" pagtataray nito sa akin.

"Malay ko bang makita ko ulit tong asungot na ‘to?" sambit ko sabay side eye sa kanya kaya napatawa siya ng sarkastiko.

"Sakit talaga nitong kaibigan niyo ano? Paano kaya kung maging kami nito, barado siguro ako lagi," biglaang singit ni Tobi kaya panay asaran at hiyawan ng mga tao sa paligid sa amin habang siya naman ay natatawa sa reaksyon ko. Kapag ako talaga magsimulang harutin, mahuhulog to sabay ghost sa kanya, huy keme lang.

"Tama na nga, mag-aasaran lang ba kayo o aalis tayo?" Pagbabago ko ng topic para naman mawala ang mga asaran nila.

"Ito na nga po madam, you can sit here with me na," sambit muli ni Tobi at saka binuksan ang pinto ng sasakyan niya sa unahan, which is katabi ng driver’s seat.

"Dali na Bessy, bagal-bagal pa e," saad ni Kalila habang tinutulak ako pasakay sa sasakyan ni Tobi sa may unahan.

"Hot teka nga lang, ano ba Kalila!" sigaw ko pero hindi ako nakapag pumiglas nang maka upo na ako sa sasakyan at sinara agad ni Kalila ang pinto. This is kidnapping! Aalis na sana ako pero bigla namang pumasok si Alex at sumakay sa likod.

"Kulit ng mga kaibigan mo ano?" natatawang tanong nito. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin. Napataas ito ng mga kamay na parang sinasabi niyang suko na siya. "Easy girl, opposite ka talaga sa mga kaibigan mo. Ubod sila ng kakulitan, ubod ka naman ng kasungitan," dagdag pa niya.

Binuksan ni Laya ang pinto ng sasakyan at saka ito nagsalita. "Diyan ka nalang, mabait naman yan si Tobi. Tabi naman kami ng bebeloves ko, please? Saka isa pa kung mangtatarantado ang mga yan, alam kong kaya mo silang bugbugin." Ah talaga? porket I can handle myself para nila akong tinakwil at pinamigay sa kanila.

"Si Adriel nalang dito ulit, balik niyo na si Lyanna sa inyo. She’s not comfortable," sambit ni Tobi na siya namang dahilan para makuha ang atensyon ko. Tinignan ako ni Laya at nagtitigan lang kaming dalawa.

Napabuntong hininga muli ako. I guess it's fine for me, before dumating yung araw na makasama si Tobi sa "friendly date" raw kuno, I need to see for myself kung sino talaga ang lalaking ito. "Fine, okay lang sa akin," sagot ko nalang saka ako hinalikan sa pisnge ni Laya.

"Thank you so much! I’ll buy you books tomorrow agad agad!" masayang sambit niya saka ito pumunta sa sasakyan ni Jacob. Kunwari pang gustong makatabi lang si Adriel, gusto lang talaga nilang magkaroon kami ng connection ni Tobi.

"You sure?" sabay na tanong ng dalawa sa akin na may halong pagtataka.

"Yes, dalian niyo na gagabihin pa tayo e," sagot ko at umayos nalang ng upo. Nagsitinginan naman muna ang dalawa bago pumasok si Tobi sabay upo at pina andar na ang sasakyan.

"What a chance," biglaang sambit ni Alex nang mapa andar na ni Tobi ang sasakyan.

"Subukan niyong gumawa ng masama, I will break your bones," pagbabanta ko sa kanila habang seryoso ang aking mukhang nakatingin lang sa harapan.

"Nakakatakot ka naman," muling sambit ni Alex.

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now