Kabanata 15 - Unang Misyon

2 1 0
                                    

Nang hindi ako sumaludo pabalik ay inilabas niya ang kaniyang lisensya. Napataas ang kilay ko nang mabasa iyon at taka siyang nilingon. "Bakit ka sumasaludo sa 'kin, Captain Kai?" Diinan ko pa ang pagkakabigkas ng huling dalawang salita.

"Dahil kahit na mas mataas ang ranggo ko sa inyo ay mas mataas pa rin po ang katungkulan ng pamilya niyo."

Natigilan ako. Kilala niya 'ko...

Inis akong bumuntong-hininga at nag-iwas ng tingin. "Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Ipinapabigay ng pinuno," maingat niyang inilahad sa akin ang isang mahabang kahita na kulay itim gamit ang dalawang kamay niya at bahagya pa siyang nakayuko. May nakaukit pang simbolo ng bayan sa kahitang iyon.

Nangunot ang noo ko nang makita ang laman ng kahita. Mahabang stick iyon na may simbolo ng bayan sa kabilang dulo at ang kabilang dulo naman ay may tulis, may dalawang maliliit pang simbolo ng bayan na nakatali sa hindi naman gaanong malaking simbolo sa kabilang dulo ng stick.

Nangunot ang noo ko. Ano 'yan? Peace offering?

Inis akong bumuntong-hininga at kinuha iyon sa kamay niya at walang lingunan siyang tinalikuran. Inis akong nagteleport patungo sa opisina ni Master. Hindi na 'ko kumatok, deretso pasok na 'ko sa loob na ikinagulat ng matanda.

"Para sa'n 'to?" Deretsong tanong ko habang naglalakad palapit sa kaniya. "Peace offering?" Nakangising tanong ko.

Bumuntong-hininga siya. "Isa iyang hairpin, Aella," mahinahong sagot niya.

Inis akong nag-iwas tingin. "Alam ko kung ano 'to! Ang tinatanong ko ay kung para saan 'to!" Inis kong sigaw at inis na ibinagsak ang kahitang iyon sa lamesa niya.

Nagsalubong naman ang kilay niya. "Huminahon ka nga, Aella," nag-uutos niyang sabi.

Inis naman akong napangisi. "Pa'no 'ko hihinahon, ha? Iyong inutusan mo, mas mataas ang ranggo sa 'kin pero sa 'kin pa sumaludo at yumuko!" Inis na sabi.

"Noon pa man, ganito na kami sa inyo, Aella. Kapag naging sundalo na ang isa sa inyo ay bibigyan kayo ng respeto ng lahat ng nakakakilala sa inyo," mahinahon pa ring sabi niya kahit na nagsisisigaw ako rito sa loob ng opisina niya.

"At kahit isang pinuno ay dapat gumalang sa 'kin?" Nakangising tanong ko. 

Tumango naman siya at pinagsaklob ang mga kamay niya. "Kahit na ako ang pinuno ng bayan, mas mataas pa rin kayo kaysa sa 'kin."

Lalong nagsalubong ang kilay ko. "Kayo?" Nakangisi ngunit inis na pag-uulit ko. "Hindi ako kasama do'n! Sila lang iyon! Sila!" Sigaw ko.

Bumuntong-hininga siya. "Dumadaloy pa rin sa dugo mo ang dugo nila, Aella. Kabilang ka pa rin sa angkan nila."

"Maliban sa ang angkang kinabibilangan ko ang pinakamakapangyarihan sa mundong 'to, ano pa ang ibang dahilan kung bakit ganito ang trato sa angkan ko para naman maintindihan ko."

"Ang iyong Lolo kasama ang iyong Ama, sila ang nagtayo at nagtaguyod ng bayan. Sila ang dahilan kung bakit magtagumpay ngayon ang pamumuhay rito," deretsong sagot niya. "Ang Lolo mo ang unang pinuno ng bayan at pangalawa ang iyong ama."

Kunot-noo akong napatitig sa kaniya, hinintay kong bawiin niya ang lahat ng sinabi niya pero walang nangyari. Ngayon ko lang nalaman. Ang lolo at ama ko ang nagtayo ng bayan? At ang lolo ko ang unang pinuno...

Inis akong napabuntong-hininga at napatingin sa kahita. "Ito? Para saan 'to?" Kunot-noong tanong ko. "Alam kong ang mga taong may hairpin na ganito ay tanging mga anak ng may-ari ng lupa, simbolo ito na kailangan silang protektahan. Ano 'to? Ipinaparating mo bang kailangan akong protektahan?" Nagpipigil ng inis na sabi ko.

Reach For The MoonWhere stories live. Discover now