Kabanata 11 - Ramzia Huey

2 1 0
                                    

"Sa tingin niyo, mayro'n pa bang ibang mundo maliban sa mundong ginagalawan natin ngayon?" Tanong ni Sir Ahilan.

Pinag-uusapan namin ngayon sa klase ang tungkol sa mga lagusan tungo sa ibang dimensyon na kaya raw gawin kapag kaisa ang elemento ng enerhiya.

Napakurap ako ng ilang beses. Ibang mundo? Meron! Doon nga ako lumaki pero... hindi ko pwedeng sabihin.

Ang sabi ni Master, tanging siya, ang aking mga magulang at si Ate Isha lang ang pwedeng makaalam na may ibang mundo. Pero sa napapansin ko, pati si Neeko at Favian ay alam ito.

Maraming sumagot ng wala, at sa tuwing may sasagot ng "meron", wala naman silang madahilan kung bakit nila iyon nasabi.

Napalunok ako nang marinig ang sagot ni Kumo. "Wala na hong ibang mundo maliban sa mundo nating ito. Bakit? Dahil kung meron, siguradong pinag-usapan na ho natin 'yon ngayon. Isa pa, kung meron nga, siguradong maririnig ko ho ang balitang 'yon, pero wala akong narinig."

Ito ang sinasabi ni Master, hindi pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa mundong iyon dahil kapag kumalat iyon at makarating sa masasamang tao, siguradong hahanap sila ng paraan para masakop ang mundong iyon at hindi ako makapapagyag sa gano'n. Walang kalaban-laban ang mga tao sa mundong iyon sa mga makapangyarihang tao rito.

Si Kumo ay may malakas na pandinig. Ang mga alaga rin nitong insekto ay nagagamit niya sa pagi-imbestiga, nakakausap niya ang mga ito. May mga sariling utak ang mga iyon at kung ano man ang iuutos niya, agad na sinusugod niyon.

"Ikaw, Aella? Ano sa tingin mo?"

Gulat akong napatingin kay Sir nang tanungin niya ako. "A-ako, Sir?" Paniniguro ko kahit sa 'kin siya nakatingin.

Agad akong tumayo nang tumango siya. Napalunok ako, anong gagawin ko?

"Sa tingin mo, mayro'n pa bang ibang mundo maliban sa mundong ginagalawan natin ngayon?"

Anong sasabihin ko? Magsisinungaling ba ako?

Nag-iwas lang ng tingin. "Sa tingin ko, wala na," sagot ko.

Nang ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya, salubong na ang kilay niya. Tinaasan ko siya ng kilay bago umupo. Nang tingnan ko ang mga nakatingin sa 'kin, napapailing silang nag-iwas ng tingin.

Napabuntong-hininga na lang ako at napailing. Napapansin kong ayaw talaga ni Sir sa walang galang, ayaw niya talaga sa tono ng pananalita ko. Sinaway niya na ako dati, pero hindi ko na mabago, e.

Lagi akong napapatawag sa opisina niya dahil sa kawalang-galang ko.

"May mga katanungan pa ba kayo?" tanong ni Sir Ahilan.

"Wala na ho, Sir."

"Dito na nagtatapos ang klase, maaari na kayong umuwi,* sambit niya.

Agad namang tumayo si Arshan at nakangiting nag-unat.

Tinaasan ko si Sir ng kilay nang lumingon siya sa 'kin, nagtatanong kung bakit. "Sumunod ka sa 'kin, Aella," at umalis na siya ng classroom.

Nangunot ang noo ko at napatitig sa pinto kung saan siya lumabas. Bakit? Papagalitan na naman ba ako?

Napailing na lang ako at inayos ang gamit ko bago tumayo. Naglakad ako patungo sa pinto ngunit natigilan nang lumitaw na lang bigla sa harap ko ang nakatalikod na Kumo.

"Mukhang papagalitan ka na naman, Aella," hindi halatang pang-aasar niya, hindi tumitingin sa 'kin.

Nangunot ang noo ko. Na naman? Paniguradong narinig niya ang pagpagalit sa 'kin ni Sir Ahilan noon.

Reach For The MoonWhere stories live. Discover now