Kabanata 14 - Second Lieutenant Aella

Mulai dari awal
                                    

Napatingin ako kay Ramzia at Riley na nakangiti sa akin. "Kanina pa siya iyak ng iyak," nakangiwing bulong ni Riley.

Inis siyang hinatak sa braso ni Adir palayo sa akin. "Ano bang iniiyak mo diyan, e, nakapasa naman tayo. Tch!" Inis ngunit mahina niyang sabi.

Agad namang pinunasan ni Maia ang mga luha niya. "Masaya lang naman ako, e," iyak tawa niya pang sabi.

Taka kong tinignan si Heneral Tero na nakangiti sa akin. Pinagkunutan ko siya ng noo, lumapit naman siya sa akin at ibinigay ang... isang papel. Isa itong papel....pero hindi na naman ordinaryong papel. Pinatigas na papel at mayroong simbolo ng bayan, pulang dragon. Sa baba no'n ay ang rank sa pagiging sundalo at pangalan ko. Sa tingin ko ito ang lisensya ng isang sundalo rito. Second Lieutenant... Aella...

Kinuha ko ito at tinitigan. Second Lieutenant Aella. Ito na ang patunay na isa na akong sundalo. Sundalo na 'ko!

Nakangiti kong nilingon ang mga kaklase kong nakangiti rin sa akin habang hawak ang parehas na papel ng akin.

"Second Lieutenant Aella."

Nakangiti kong nilingon si Heneral Tero nang tawagin niya ako kasama ang ranggo ko pero nawala ang ngiting iyon nang sumaludo siya sa akin. Nang sumaludo siya sa akin ay sumaludo na rin ang iba. Kahit ang mga magulang ni Ramzia...ang pinuno ng angkan ng mga Huey pati si... Neeko. Ang mga Captain kanina, si Captain Alina, Captain Mies at... Captain Kallik, pati si Sir Ahilan. Lahat sila maliban sa mga kaedaran ko.

Mas mataas ang posisyon nila kaya dapat ako ang sasaludo sa kanila pero... bakit sa akin sila sumasaludo? Dahil na naman ba ito sa mga magulang ko?

Pare-pareho kaming natigilan ng mga kaklase ko. Tumitingin sila sa akin na parang nagtatanong kung ano ang nangyayari.

"Sumaludo ka na lang pabalik," biglang lumitaw sa tabi ko si Master Tobi.

Naikuyom ko ang mga kamao ko at inis na nilingon si Master. Nanginig ang bagang ko sa galit ng makitang nakasaludo rin siya sa akin.

Inis akong napangisi. "Ano 'to?" Tiim-bagang tanong ko.

Natigilan si Master at nag-aalalang tumingin sa bintana. Nakahinga siya mang maluwag nang walang nangyaring kakaiba.

"Ikalma mo ang sarili mo, Aella," mahinahong sabi niya.

"Kilala ako ng ibang tao pero hindi ko kilala ang sarili ko, gano'n?" Sarkastikong tanong ko, hindi naman siya nakasagot at napalunok na lang. Inis kong tinignan ang lahat, ang mga magulang ng kaklase ko. "Kilala niyo na 'ko?" Tanong ko rito.

Sabay-sabay nilang ibinaba ang kamay nila at sabay-sabay ding yumuko. Nanginginig na ang panga ko sa gigil.

"Ako kaya, kailan ko makikilala ang sarili ko?" Kunwaring tanong ko sa kanila at sinamaan muna ng tingin si Master bago nagteleport patungo sa tinutuluyan ko. 

Nakakagigil. Totoong may alam na ako. Pero galing kay Favian iyon. Hinihintay kong magsalita si Master pero... wala pa rin siyang sinasabi.

Ang angkang kinabibilangan ko ang pinakamakapangyarihan... malamang sila nga ang pinakamataas sa lahat. Kaya ba sumaludo sila sa akin?

Napapikit ako at napailing na lang. Nagpalit ako ng damit bago lumabas ng tinutuluyan ko. Naglakad lang ako papunta sa Inuman.

Sinalubong ako no'ng sumalubong din sa amin ni Neeko noon. "Magandang araw---"

"Tatlong bote," pigil ko sa kaniya at dumeretso sa pinakasulok na upuan doon.

Sumandal ako at pinagkrus ang mga braso ko. Hindi ko pa rin pala pera ang gagamitin ko ngayon, hindi pwedeng madami.

Reach For The MoonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang