Chapter Twenty-three

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ibibigay ko sana yung cookies na naiwan mo kanina kaso naabutan na ako ng ulan at nakita kitang sumasayaw mag-isa kaya nilapitan kita and you know the rest.” pagpapaliwanag ko at sinigurong iwanan ang detalyeng kanina ko pa siya pinapanood habang naglalaro siya sa ilalim ng ulan.

I don't want her to get uncomfortable with me. Satingin ko kasi ay ma-we-weirdo-han siya sa akin kapag sinabi kong napanood ko siya simula nung umpisang bumuhos ang ulan.

“H-hala! Nakalimutan ko nga yung cookies.” gulat na sambit niya sa reyalisasyon.

Siguro ay ngayon niya lang naalala na amy naiwan siya sa bahay namin. Palagi kasing lutang ang isang 'to, e.

Napatawa na lang ako dahil sa naging reaksiyon niya. Namilog kasi ang mata niya mataoos mapagtantong naiwan niya ang cupcakes na bigay ni Lola, pagkatapos niyon ay napanguso siya at napaiwas ng tingin sa akin ng marinig ang tawa ko.

Kahit medyo madilim ay nakita ko kung paano mamula ang pisnge niya sa hiya na mas ikinatawa ko pa lalo bago mapanlabi habang nakatingin sa kaniya.

Damn! Being this cute should be illegal.

Parang tinatambol ang puso ko habang walang kahiyahiyang nakatitig sa kaniya. Kung ganito rin sana kalakas ang loob ko na umamin sa kaniya gaya ng ng kung gaano  kalas ang loob ko na titigan siya ng walang hiya sa katawan ano kayang mangyayari?

Pumakla bigla ang timpa ng muka ko pero, a sudden smile crept on my lips when I saw her trying so hard to hide her face to me. Pero 'di niya magawa ng maayos ang balak dahil magkahawak ang kamay namin at magkaharap ang posisyon ng katawan. Hindi niya rin magagawang magtago gamit ang buhok niya dahil basa na iyon. She can't use her hair to hide her face this time na palagi niyang ginagawa sa tuwing aasarin ko siya para lang makita ang pamumula ng pisnge niya.

“You're so cute.” bungingis ko bago pisilin ang pisnge niya.

She let out a tiny cute squeak, mukang nagulat yata sa pagpisil ko sa bilugang pisnge niya.

“S-seven!” nauutal na banta nito at namumula ang pisnging tumingin sa akin. “Kaya tumataba lalo ang pisnge ko, e. Lagi mong pinipisil.” reklamo nito at saka parang bata akong nginusuan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya habang humahagikgik. Halata namang nagulat siya dahil narinig ko ang pagsinghap niya.

Hindi ko pinansin yon at mas hinigpitan pa ang yakap sa kaniya.

“Sorry, sobrang cute mo kasi, e. I can't help it.” natatawang sambit ko na bahagya niyang ikinatawa.

“Bolero!” segunda niya na ikinataw ako ng malakas bago kumalas sa kaniya at sapuhin ang bilugan niyang pisnge.

“Totoo ang sinabi ko, ami. Cute ka naman talaga,e.”ngiti ko sa kaniya at pinisil pareho ang pisnge niya gamit ang magkabilang palad ko na nakasapo sa magkabilang pisnge niya. “See thus squishy cheeks of your? Sobrang cute.” hagikgik ko at pinagkaruan ang pisnge niya.

My action makes her plump lips to turn into a pout. Sinamaan niya ako ng tibgin na ikinataw ako lang.

“Shevwen!” may bahid ng inis sa boses na sabi nito na ikinatawa ko. Matalim ang tingin nito sa akin na para bang sinasabing pag hindi ko binitawan ang pisnge niya at makakatikim ako sa kaniya pero imbis na galit ang maging itsura niya ay nagmuka siyang galit na pusa, a cute one at that.

Mas pinangigilan ko tuloy lalo ang pisnge niya pero bad move yon dahil the last thing I knew, kagat-kagat na niya ang kaliwang palad ko.

“Aray! Holy sh*t!” daing ko bago mapangiwi dahil sa diin ng pagkakakagat niya. “H-hindi ko na pipisilin ang pisnge mo, ami. Swear!” nakangiwing bulalas ko habang nakatingin sa mata niyang masama ang tingin sa akin.

Inalis niya ang pagkakakagat sa kamay ko at saka siya niya ako nginitian ng matagumpay.

“Iyan ang napapala mo. Ang kulit mo kasi, e. My cheeks is off limits nga. Hmp! ” paninisi nito sa akin at saka ako nginisihan.

Gusto kong maluha dahil sa karmang bunalik sa akin. Nakakagigil naman talaga kasi ang bilugan niyang pisnge, e. Nakalimutan ko tuloy na mabilis uminit ang ulo nito kapag pisnge na niya ang usapan.

She's still insecure about it. Siguro dahil kahit 17 na siya ay hindi pa rin nawawala ang baby fats niya sa muka, baby face pa rin tuloy siya na siyang ayaw naman niya. Pero para sa akin cute 'yon.

“Required ba'ng kagatin ako?” nakamgiwing tanong ko sa kaniya habang iwinawagwag ang kamay ko sa ere upang pawalain ang manhid niyon dahil sa pagkagat niya. “Pwede mo namang tapakan na lang ang paa ko para pabitawin, e. Napaka brutal mo talaga.” dagdag ko pa bago siya pukulan ng kunwaring nagtatampong tingin pero inungusan niya lang ako.

“Kasalanan mo naman kasi, eh, at tsaka sige next time. Tatapakan na lang kita sa paa.” masungit na ani nito bago ako sulayapn ng tingin pero nag-iwas rin ng makitang nakatingin ako sa kaniya.

She's worried. Naoangiti naman ako dahil ron. Nakita kong nag-aalala siya dahil sa paraan ng pagsulyap niya sa akin kanina. Napatawa ako ng mahina dahil don at napakurapkurap ng mapansin ang paligid.

Tumila na pala ang ulan at nawala na rin ang tugtog kanina. Hindi ko man lang namalayan dahil nasa kaniya lang ang buong atensiyon ko.

Malala ka na, seven. Iling ko sa aking isipan bago balingan si ami.

“Pumasok ka na sa loob at maligo pagkatapos ay magpalit ng damit. Baka magkasakit ka niyan. ” turan ko na ikinatingin niya sa akin.

Kinunutan niya ako ng noo bago magsalita.

“Ikaw? Paano ka? Uuwi ka ba ng ganiyan?” sunod-sunod na tanong nito na ikinangiti ko lang.

“Oo, malapit lang naman ang sa amin.” tango ko na ikina-iling nito.

“Halika sa loob. May damit naman ako na kakasiya sayo. Baka ikaw ang magkasakit kapag umuwi ka ng basa.” bulalas nito at skaa nag-iwas ng tingin sa akin.

I let out a smile when she says that.

“Sigurado ka?” paninigurado ko pa na ikina-tango naman nito.

“Oo. Kargo kita dahil ako naman ang dahilan kung bakit ka basa dahil sa ulan. Baka kainin ako ng konsensiya ko kapag pinauwi kitang ganiyan tapos nagkasakit ka pagkatapos.” mahabang bulalas nito na ikinatawa ko ng mahina.

“Mauna ka na sa loob kung ganon. Kukuhanin ko lang yung cookies sa waiting shed.” sambit ko sa kaniya at iminuwestrang mauna na siya na ikinatabgo naman nito.

“Sige. Bilisan mo na lang dahil baka sipunin ka kapag na-expose ka sa hangin ng matagal.” utos nito na ikina-tango ko bago maglakad papalapit sa gate nila at buksan iyon.

Pinanood ko siya saglit bago maglakad na din papunta sa waitibg shed sa 'di kalayuan. Kampante naman ako na hindi mawawala ang iniwan ko ron dahil wala namang kawatan sa baryong 'to.

At tama naman ako dahil nakita kong naroon pa rin ang box ng cookies na iniwan ko. Mabilis ko ng kinuha iyon at nagmartiya pabalik sa bahay nila ami. Medyo giniginaw na rin kasi ako, e.


Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon