chapter 18

108 16 9
                                    

Kanina ko pa tinitigan ang dala nitong bulaklak. Naiinis talaga ako. Akala nya madadaan nya ako sa bulaklak at pagkain.

"Love, sorry na. Andito naman na ako, di ba?" Napalabi nitong sabi.

Sinamaan ko lang ito ng tingin. Ayoko ko pa syang kausapin. Iwanan ba naman akong mag-isa pagkatapos ng nangyari samin kagabi!

"Papasok ako ng school." Malamig kong turan bago tumayo.

"What? I thought ----"

"Hindi tayo magdi-date dahil naiinis ako sayo!" Sabi ko bago tuluyang pumasok sa banyo.

"Michelle naman!" Mukhang napipikon narin ito. Wala akong pakialam. Kung ano-anong reklamo nito pero di na ako sumagot.

Pagkatapos kong maligo wala na ito sa kwarto. Baka nasa kusina o baka umuwi na. Nagbihis ako ng uniform at nagready para sa school. First time kong lumiban ng klase dahil sa babaeng yun.

"Bakit nandito ka pa?" Naabutan ko itong tahimik na nakaupo sa sofa. Akala ko umalis na pero mukhang nakipagtalo pa ito sa sarili. Lalong umasim ang hitsura nito ng makitang makabihis na ako ng uniform.

"I'll drive you to school." Walang gana itong tumayo na ikinaikot ng mata ko pero di na ako nagsalita.

Hindi nakaligtas sakin ang pag-ikot din ng mata nito. "We'll talk later after your class."

"Hindi ka papasok?"

"No. Masakit ang katawan ko. Plus..." Inimwestra nito ang leeg. Bigla akong namula sa nakita. May iilang hickeys sa leeg nito at... ang bakat ng ngipin ko sa balikat nito.

Lalo akong namula ng maalala kung paano ko nakagat iyon.

"P-pwede mo namang takpan yan. At sino ba namang may sabi sayong magsando ka?" Pilit kong tinakpan ng inis ang pamumula ko.

"I'm flaunting them so, no. No concealer for me." Nang-aasar na ngumisi lang ito.

"Bahala ka sa buhay mo." Hindi ako naniwalang ganun ang hitsura nito ng bumili ng bulaklak.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan habang binabagtas ang daan patungo sa school. At pansin kong sobrang bagal ng takbo namin na para bang ayaw nitong umabot pa kami doon sa tamang oras.

"Wala na bang mas mabagal pa dito?" Sarkastikong tanong ko.

"You're one hour early for your next subject. What's the rush?"

"Fifty-one minutes." Pagtatama ko. "May kailangan pa akong gawin. Di tulad ng iba dyan."

Isang malutong na tawa ang pinakawalan nito saka pinaharorot ang sasakyan. Napahawak tuloy ako sa upuan.

Ilang sandali lang nasa school's parking lot na kami. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt para makaalis na pero agad akong pinigilan nito.

"Bitaw." Masama kong tiningnan ang kamay nito sa braso ko.

"Are you sure you're mad at me just because I left this morning to BUY YOU FLOWERS?" Talagang pinagdiinan nito ang pagbili niya ng bulaklak.

No.

"Yes." Di makatinging sagot ko.

"Really?" Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito. Halatang di naniwala sa sagot ko.

"Cause I think, when I mentioned the "bases" at bigla ka na lang -----"

"Ano?!" Singhal ko dito. Oo na. May sinabi ito kanina na sobrang kinainis ko.

Bigla ako nitong kinabig at siniil ng halik. Sa gulat ay hindi ako nakakilos agad. Itutulak ko sana ito ng bigla nitong hiniga ang upuan saka umupo sa hita ko. Napasinghap ako sa gulat na sinamantala naman nito. Di ko inasahan ang biglang pagpasok ng dila nito sa loob ng bibig ko.

Half a heart without UWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu