chapter 6

88 13 1
                                    


Alexa

"Pupunta talaga tayo?"

"Ulit-ulit lang, Riv? Pang one hundred mo na yan!"

Natawa pa ito sa sagot ko. Nag-aayos na kami ng gamit para makauwi. Good thing at hindi matagal ang shoot namin ngayon.

"Nakita mo lang ang picture eh,"

"Tigilan mo ako. Nasabi ko na kay Jana na pupunta tayo, di ba? It has nothing to do with that picture." Matigas na sabi ko.

"Okayyyyy, sabi mo eh." Though I know na hindi sya naniwala. Bahala sya.

Wala na sana akong balak hahabol pa pero gaya ng sabi ni Riva, I changed my mind because of that picture. Nagsent lang naman si Jazmin sa gc namin kasama nya pala si Gretchen at Michelle na may kasamang pangit na lalake.

Syempre, asa namang aamin ako na yun ang dahilan. I'm not stupid. Alam kong di ako titigilan sa kakaasar ng mga ito. Knowing them, lalo na si Jazmin. I know she did it on purpose to piss me off. Telling us her whereabouts is not her thing. This is the first.

Gusto ko syang i-confront dahil sa mga pinagagawa nya. Di ko alam kung gusto nya lang akong guluhin para hindi ako magtagumpay sa dare o ano. Hindi naman sya nangingialam dati. Kasi ngayon I can say na nadi-distract nya ako. It should be me who's spending more time with Michelle but she's taking her away from me slowly, and that pisses me big time.

And then, there's this guy. Sino naman kaya 'to?

Papunta ako ng parking para makauwi na ng tumunog ang cellphone ko. I smirked. Someone answered my question a few moments ago. Jazmin is really something.

Dumiretso muna ako sa bahay dahil two days na akong hindi nakauwi doon. Baka sasapakin na ako ni mommy.

"Good evening ho, nay. Andyan ba sina Mommy?" Yumakap ako kay nanay Nita. Pangalawang nanay ko na to dahil ito ang nag-alaga sakin mula pagkabata.

"Magandang gabi din, anak. Di pa umuwi ang mama at papa mo."

"Sige ho. Akyat muna ako."

Di na ako nagtakang wala pa si mommy at dad kahit gabi na. Minsan doon na ang mga ito natutulog sa office. Pero laking gulat ko ng may dyosang nakaupo sa sofa ng kwarto ko.

"Ate!" Tinapon ko ang shoulder bag kung saan at walang patumpik-tumpik na dinamba ito sa upuan. I don't care kung nawala ang poise ko.

"Alexa Francine, what the hell!" Reklamo nito. Syempre dahil mas maarte sya kaysa sakin ten times.

"You don't miss me?" Pout ko.

"Of course I do, I'm here in your room, aren't I? Ikaw ang hindi umuwi dito ilang araw na." Pinitik nito ang noo ko.

"Kailan ka pa nakauwi? Nobody tells me." Sumiksik ako sa leeg nito habang yakap-yakap ito.

"Nung isang araw pa. I wanted to surprise you." Kahit mataray ito, mahal naman nya ako.

"How's lolo and lola?"

"Healthy as carabaos." She chuckled.

She loves our grandies so much. Since sya ang unang babaeng apo ng mga ito ay halos doon sya lumaki sa pangangalaga nila. Halos ayaw na syang iuwi ni lolo eh. She is their favorite apo and I'm not jealous.

"And as what lolo always wishes for you to do, quit your part time job already. At your age, you should start managing some of our business, which I agree."

Palibhasa sya, eighteen pa lang, exposed na sya sa mga family business namin. I promised mom and dad naman na pagkagraduate ko ay magfo-focus na ako sa business. Kaya nga business administration ang kinuha ko, di ba? I just ask them a favor to give me this chance since I'm still studying.

Half a heart without UWhere stories live. Discover now