chapter 16

87 14 5
                                    

®🔞 Read at your own risk!

"Thank you so much, Michelle! Isi-send ko na lang ang money to your account!"

Halatang tuwang-tuwa ito habang binusisi ang gawa ko.

Ayokong gawin to. As much as possible, gusto kong maging good Samaritan. Pero nakakapagod narin. Laganap parin naman ang kasamaan kahit magpakabait ako. Aside sa tinuruan ko kung paano maging tamad ang mga studyanteng to, wala naman akong ibang ginawang masama. Hindi rin ako nagde-demand kung magkano. Nakadepende na yun sa kanila kapag nagustuhan nila ang output.

Napagod narin akong mag-apply ng part time job dahil kung hindi bastos ang boss, hindi na flexible ang schedule.

"Sup?" Napatingin ako kay Jazmin ng tumabi ito sakin.

Kibit-balikat lang ang sagot ko.

"You look tired. Namiss mo?" Bahagyang nakaangat ang gilid ng labi nito.

"Huh? Sino?" Inosente kong tanong. Kahit alam ko kung sino ang tinutukoy nito.

"Tsk. Don't worry, pauwi na yun. Malapit na."

Sasagot na sana ako ng tumunog ang cellphone nito. Pinanuod ko na lang kung paano ito ngiti-ngiti sa ka-text. At wala na naman si Jana. Lagi na lang late.

Napatingin ako sa bagong dating. Masasabi kong hindi ito studyante dahil sa hitsura nito. Masyadong formal at strict. At medyo mature.

"Good morning." Lahat tumahimik ng magsalita ito. "I am Ciara Wilson. From now on, I will be your new professor in Eco 2." Walang kaemo-emosyong hayag nito.

Agad din kaming nagkatinginan ni Jazmin at sabay mahinang natawa.

Masasabi kong magaling itong magturo at gamay na nito ang kanyang subject. Yun nga lang mukhang marami sa mga kaklase namin ang hindi humihinga. Lalo pa kapag natawag ang apelyedo. Kasama na dun si Jana.

"Wow. Di ako makapaniwalang may tatalo na kay Jazmin sa coldness." Bulalas ni Jana ng palabas kami ng classroom.

"Ba't narinig ko ang pangalan ko?" Sumabay ito sa paglalakad samin.

"Pero aminin, ang hot nya ah! Reminds me of someone." Patuloy pa ng magaling kong kaibigan na tila kinikilig.

"Someone na di ka naman type." Walang prenong saad ko.

"Bad ka, madi." Nakalabing reklamo nito.

"Totoo naman."

"Well, that person must be blind for not seeing how beautiful you are. Inside and out." Napataas naman ang kilay ko sa sinabing iyon ni Jaz.

"Uh Talaga, Jaz? I can't believe sayo nanggaling yan. Di tulad ng iba dyan puro panira ng moment." Agad itong kumapit sa braso ni Jaz at inirapan ako.

"Gusto mo sabihin ko kung sino para di ka na nya paasahin?" Panakot ko dito.

"Uy, wala namang ganyanan. Ikaw parin ang best friend ko." Lumipat naman ito sa tabi ko. "Kahit mapanakit ka."

"Ewan ko sayo." Inalis ko ang braso nito at lumihis ng landas.

"Saan ka pupunta? I'm hungry na kaya. Ginutom ako ni ms. Wilson."

"I'm meeting someone sa library. Mauna na kayo." Walang magawa ang mga ito ng tuluyan na akong umalis.

Imbes sa library dideritso, lumabas ako ng gate at tinungo ang nakaparadang sasakyan.

"Good morning, miss." Anang sumalubong sakin saka bahagyang yumuko. Wala sa sariling napairap ako.

"Michelle. Michelle ang pangalan ko." Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong sinabihan.

"Pasensya na po. Kami rin ang malilintikan kay boss."

Half a heart without UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon