chapter 14

84 13 6
                                    


Alexa

I've been staring at my phone for like thirty minutes now. Hinihintay ang reply nya. Kahapon ko pa ito minimessage at tinatawagan pero wala akong nakuha mula dito.

"Lex, di mo pa ginagalaw ang food mo." Puna sakin ni Grechen.

"I'm not hungry." Sabi ko at nagtipa na naman ng panibagong message dito.

"Hintayin na lang natin si Jaz. Baka kasama nya." Si Kendra naman. Alam na alam talaga kung bakit wala ako sa mood kahit wala akong sinabi.

"She's not picking up her phone since yesterday." Aligaga kong sagot.

I wonder if it has something to do with ate Aliyah na naman.

Or that ugly guy.

Nung isang araw na nagpunta kami sa coffee shop ay nagyakapan lang naman ang dalawa ng magkita sila. In front of my salad! I had stop myself from stabbing the guy before I will be sent to jail. Napag-alaman kong suki ito ng shop dahil araw-arawin ba naman nitong magkape doon.

And one more thing, napag-alaman ko ring lumipat na ito ng school dito sa San Juan. Good thing hindi ito sa EMC nag-enroll, cause I will definitely call lolo Vic to kick him out immediately. Kahit hindi ako apo nito, I know he treats me the same as Jaz.

Pero naiinis parin ako knowing na mas madali na nitong mapuntahan si Michelle. I don't know why it irks so much kahit alam ko namang hindi nya ito boyfriend. Nakakairita ang closeness nila.

"Here comes the princess," napaangat ako ng tingin ng magsalita si Riva. Jazmin is taking her time walking towards our table. Walang pake sa mga matang nakasunod sa kanya.

Wala akong makitang madilim na aurang nakapalibot dito. In other words, she's in the good mood.

"Hey," anito ng makarating sa table. She took the vacant seat between Gretchen and me.

"Hey,"

Oh...

Para kay Gretchen pala yung hey. Nakatingin lang ako kay Gretch saka lang din ako napansin nito. Nag-usap kami sa pamamagitan ng mata bago umaktong walang nangyari. Saka ko lang napansing wala pala itong kasama. Pati si Jana wala.

"Sinundo sya nung lalake. Thirdy ba yun?" Paliwanag ni Jaz hindi paman bumuka ang bibig ko para magtanong. Kailan pa naging mind reader ang mga to?

Tuluyan na akong nawalan ng gana at nagmamadaling tumayo.

"Where are you going?" Pigil nito sa braso.

"Pupuntahan ko sya." Kulang na lang uusok ang bunbunan ko.

Sabi na nga ba't epal ang lalakeng yun eh!

"where?" They eyed me curiously.

Napakagat ako ng labi at pabagsak na umupo ulit. "I don't know."

"Abangan mo na lang later. Di naman yun lumiliban ng klase." Jaz consoled me.

Sabagay, mauna naman kaming i-dismiss mamaya. I sighed again. Pupuntahan ko sana ito kagabi sa boarding but mom had to talk to me for some important matters. At ayaw akong paalisin ni ate. Isusumbong daw ako nito kay mommy na hindi ako sa condo natutulog kung wala ako sa bahay kundi kay Michelle.

I decided to call someone at the moment. Isang ring lang ay sumagot agad ito. Habang may kausap ako sa phone, may kanya-kanyang topic naman ang mga kasama ko. Pagkatapos kong sabihin ang instructions dito ay binaba ko na ang phone.

"Okay, now tell me I'm wrong."

"What are you talking about?" Inikotan ko ng mata ang nakangising si Jaz.

Half a heart without UWo Geschichten leben. Entdecke jetzt